Get weekly updates via email!
tip of the day SAT 01 NOV 14
Need a quick makeup fix? Use a tinted moisturizer to keep your skin fresh-looking when you're tired.
  • Good House Keeping
    Judy Ann Santos-Agoncillo returns to our cover this September issue and gets candid about money, marriage, and motherhood.
    Good Housekeeping
  • Women's Health
    Drop two sizes fast—with simple exercises you can do at home! This month's ultimate weight-loss special shows you how. Plus, real women share how you, too, can shed and keep off excess weight for good.
    Women's Health
GIRLTALK

Author Topic: Construction/Renovation Tipid Tips  (Read 57979 times)

onefineapril

  • ng dahil sa PBB Double Up... ako ay naging isang....
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 733
Re: Construction/Renovation Tipid Tips
« Reply #20 on: April 28, 2010, 08:08:59 PM »
hi sisses, i hope this is the right thread for me to inquire about so many stuff.. :)

in progress kasi ang pinapatayo kong bahay... 90sqm, 3-bedroom, 2-storey house... oks na yung floor plan.. final na... target completion is september this year... ang pinagkakabalahan ko na naman ngayon is yung magiging interior ng bahay.... but first things first, bases on your experiences, possible ba na magkaroon ng "magandang" interior without hiring an interior designer?  wala talaga kasi akong plan na mag-hire... wala sa budget...:) what i'm planning to do is research lang talaga and ask some advice from friends and dito sa gtalk...

ang una kong step is to find the perfect color for the house.... both exterior and interior...

tiggerlily

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1736
  • Whoa!
    • The Lazy Mama
Re: Construction/Renovation Tipid Tips
« Reply #21 on: April 28, 2010, 09:34:59 PM »
^ posible sis. yung sa amin, walang interior designer, architect at general contractor. kami-kami lang talaga and the foreman. matrabaho sa kaka-canvass at kakaresearch at kakatanong sa mga kakilala. if you have an eye for beauty, it's possible.

isa pang tip ko. normally, nakakaganda rin ang lighting sa isang room. kaya be sure na yung mga lighting na gusto mo e nasa plano rin para maisama ng electrician. the more the merrier. at least madami kang option kapag natapos na ang house. pwede mong pagpalit palitin yung mga appliances ng lugar. importante ito sa kitchen. if you want your counter tops na may ilaw ipapalagay mo rin ito sa electrician.

sa kitchen, i splurged on my faucet. kasi palagi ko syang makikita at hahawakan. tapos pwede ng tipidin ang iba. kung di ka naman nagluluto, pwedeng pagandahin mo lang ang hitsura ng kitchen mo.

kung mahilig ka naman maligo, splurge on your bathroom. hayz... sana matapos na yung sa amin. nauubos na ang budget. mababankrupt na yata kami.

onefineapril

  • ng dahil sa PBB Double Up... ako ay naging isang....
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 733
Re: Construction/Renovation Tipid Tips
« Reply #22 on: April 28, 2010, 11:14:01 PM »
hehe.... thanks, sis!

last time na nagkausap kami nung contractor.... more on floor plan... ang location ng kitchen, rooms, bathrooms, etc... sabi nya sa kin, we'll get into the details like color scheme etc.. kapag nabuild na yung core ng bahay...

kaya eto pinaghahandaan ko na kung ano ang mga gusto ko... as far as the exterior naman, agree na ko sa prinopose nilang design... pero again, wala pa ring color.. design pa lang like veranda... yung gate, yung pillars sa labas.. etc...

as for sa mga electrical outlets... hindi pa naman napag-uusapan... dapat ba ngayon pa lang, iklaro ko na sa kanila? wala kasi ako sa pinas so mails lang ang communication namin... though last time sinabi ko na yung 2 rooms sa taas e lagyan ng provision for AC

sonncza

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 375
Re: Construction/Renovation Tipid Tips
« Reply #23 on: May 13, 2010, 11:01:24 PM »
tipid tips: dont be fickle! kasi madaming materyales ang masasayang kung pabago bago tayo ng isip! lalo na sa paint ng room! iphotoshop nyo nalang muna kun g di nyo mavisualize to see kung anong shade ang gusto nyo
fake it till you make it

ms.rain

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 702
  • Happy Heart!
    • Translate desires into actions, it's time!
Re: Construction/Renovation Tipid Tips
« Reply #24 on: May 14, 2010, 01:42:36 AM »
ang gastos magparenovate. :( hassle pa since we didn't transfer to a new place habang nirerenovate ang bahay... per floor nalang ginagawa. ako rin nagbabantay most of the time. im learning a lot regarding construction and hardware materials... which i do enjoy. pero nakakapagod magbantay ng mga gumagawa... and making sure nothing gets stolen etc. too!

sonncza

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 375
Re: Construction/Renovation Tipid Tips
« Reply #25 on: May 14, 2010, 07:13:58 AM »
hope your not pregnant sis, pangit maexpose sa construction materials pag ganun, office mates ko usually pag nagsite sila habang buntis pag anak nila may asthma o sakitin ang kids
fake it till you make it

onefineapril

  • ng dahil sa PBB Double Up... ako ay naging isang....
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 733
Re: Construction/Renovation Tipid Tips
« Reply #26 on: May 14, 2010, 07:38:52 PM »
i'm now searching for the color of the exterior and interior of the house.... may masu-suggest ba kayong sites sisses para makakuha ng ideas?

i want it to be as simple as possible... as of now, ang gusto ko sanang color ng exterior is blue/white... white ang main color then blue yung parang highlight.... sa interior naman, gusto ko bright.... para maliwanag tingnan kahit lights are off... i'm thinking of yellow now... i'm not sure though kung magandang kombinasyon ang blue (exterior) and yellow (interior)...  ;D so far, wala akong technical basis... kung ano lang yung trip ko.. :D


lovemyself

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 973
  • so happy now...
Re: Construction/Renovation Tipid Tips
« Reply #27 on: May 16, 2010, 05:17:00 AM »
very nice thread. thanks tiggerlily and sa lahat ng nag effort mag suggest :)

^sis, ako i like the colors of dark brown and beige sa exterior. more of white sa loob para maaliwalas. :)

anyway, nagpa-plan palang ako magpa-reconstruct ng house namin and this thread is very helpful. i already have a plan in my mind and good thing someone suggested to list down everything you want for the construction. but first, i want to have an idea kung magkano ang budget na kaylangan para makapagsimula. im planning to get a housing loan from pag-ibig for the whole construction. pero syempre hindi ko pwede i-asa lahat from loan. i have to have a start-up money for the design, blue-print, etc. this is my first time na magpagawa ng house so i have limited idea as to what has to be done first and the budget as well. ngayon na may design ako in mind, ano next step? magpapa-blueprint na ba? how much will it cost kaya? our lost is 140+ sq.m. plan ko sa bahay mga 100 sq.m. sana. any idea? :)
...Be at peace with God, whatever you conceive Him to be, and whatever your labors and aspirations, in the noisy confusion of life keep peace with your soul.-Desiderata

tiggerlily

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1736
  • Whoa!
    • The Lazy Mama
Re: Construction/Renovation Tipid Tips
« Reply #28 on: May 17, 2010, 12:41:06 AM »
^ kung 100 sqm para sa floor area ng house, ilang floors ba? bungalow? may roofdeck ka ba? hindi kasi nalalaman lang sa size ang total cost. syempre malalaman din kung class A, B or C sya. tapos kapag nagpa-blue print ka dapat more or less may idea ka na rin how much ang budget mo para ang idesign na house para sa yo e pasok sa budget. syempre, sayang din naman yung padrawing mo kung hindi naman pala papasok sa budget dahil ipapabago mo rin yun sa isang plano na magmamatch sa budget. medyo magulo talaga so it's best to consult a professional.

i can read house plans kaya naiintindihan ko naman kung ano ang talagang meron at wala. at alam rin namin ni hubby kung tama or mali ang inilalagay na materyales sa house kaya we opted to have labor only contract. medyo masakit sa ulo dahil kailangan ng madaming madaming oras sa pagcanvass at paghahanap at pagreresearch ng mga materyales pero worth naman. enjoy din ako sa experience.

for the budget, wag mo isasakto. lagi ka maglalagay ng allowance kasi in the end, lolobo rin yan. mas maganda na ang may buffer ka.

kapag nagpaguhit ka na ng plano, yung plano na pasok na sa budget mo at may buffer para hindi mabitin ang construction. kung may plan ka sa future na mag-expand kapag nagkapera ulit, banggitin mo na rin yun sa guguhit ng plano mo. para yung structural na idedesign nya e ready for expansion na rin. for example yung sa amin. nagpalagay kami ng roofdeck at may bathroom na rin sa roofdeck kahit walang rooms. para in case na magkabudget ulit at binalak namin magexpand, rooms na lang ang ilalagay. nakaabang na ang banyo. hindi na kailangan magplumbing ng panibago para magkaron ng banyo.

make sure din na may kontrata kayo with your contractor with matching scheduling. dapat namimeet nya yung schedule. kasi kung hindi, baka naubos na ang pambayad mo sa kanya, hindi pa tapos ang house mo. kahit kamag-anak o kaibigan pa yan - maglagay kayo ng kontrata at scheduling. i've heard so many stories like this. na-shattered dreams nila. naloko ng contractor.

isip pa ko ng iba pa.

lukrecia

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 191
Re: Construction/Renovation Tipid Tips
« Reply #29 on: May 17, 2010, 02:29:11 PM »
hi sis tiggerlily, parang kapareho pala ng house nyo yung ipapagawa namen.. May napagawa na kame na blueprint/plan sa architect, bale 2 storey sya pero ang plan namen ngayon e ipagawa mung yung 1st floor kasi kulang pa sa budget. Btw, 500k lang budget namen, kasya na kaya yun para sa 1st floor na 50sq.m? 1 bedroom lang, 1 bathroom, living area, dining and kitchen. pero gusto sana namen nakaready na yung 2nd floor yun nga yung parang may roof deck. May cr din yun sa taas pero di pa namen papagawa kasi kulang na sa budget. Ok lang kaya na kame na lang hahanap ng mga karpintero? diba yun ang mas tipid? kasi nagsusuggest si architect na sa kanya na ipagawa para maayos daw, e syempre diba magdadagdag pa siya dun para sa kita nya?

tiggerlily

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1736
  • Whoa!
    • The Lazy Mama
Re: Construction/Renovation Tipid Tips
« Reply #30 on: May 17, 2010, 04:37:25 PM »
hindi ko sure pero kung sa 10k/sqm pasok na siguro sya - pero ang alam ko shell pa lang yan. wala pang finishing. makikita mo naman yun dun sa bill of materials na kasama nun plano e. isa-submit din yun sa city hall kaya dapat meron. ngayon, syempre may kaltok na dyan kung sino man gumawa nyan or kung yung architect, meron na syang patong dyan. pwede mo ngayon i-canvass yan sa mga hardware. makikita mo ang difference. at makukuha mo rin ang total amount of materials na gagamitin mo. pero don't expect na sakto yan. estimate lang yan at syempre tao lang tayo. maglagay ka ng buffer siguro mga +20%. since magcacanvass ka, hindi isang hardware lang ang pagtatanungan mo. madami dapat para may comparison. best to ask from hardwares near the project site. pero kung maramihan naman pwede ring sa malayo - kung mas mura sila. pero depende pa rin kasi kung minsan kapag di umabot sa minimum nila, may charge ang delivery. kung minsan naman talagang merong delivery charge.

ok lang naman kung kayo na lang ang kukuha ng karpintero - pero mas maganda kung foreman na. kasi karpintero - sa cabinets lang yun at ceilings usually. kailangan mo rin ng mason atsaka tubero. mas matipid talaga kapag ganito pero kwidaw lalong lalo na kung wala kang background sa construction. sangkatutak na research at pagtatanong sa engineer friends ang ginawa namin ni hubby. atsaka may background kami pareho sa engineering kaya malakas loob namin hindi kumuha ng construction professional.

ang contractor/architect kasi ang usually magschedule ng materials na kailangan. kung kelan gagawin ang isang part at kung ano ang sabay-sabay. kasi di naman sila pwedeng magbunggo bungguan. yan ang medyo nahihirapan ako. malay ko naman mag-estimate ng cement na kailangan para sa x sqm of walling/palitada? pero natutunan ko din later on. gano katapang ang cement vs. buhangin vs. tubig. may computation pa yun. baka aksayado sa cement. yun ang trabaho ng architect/contractor. ngayon medyo naiintindihan ko na kung bakit ganun sila kalaki kumaltok. 5 years din ang course tapos may board exam pa. ang hirap kaya ng trabaho nila. jinajabar ka na sa site, nagiisip ka pa kung anong mga kulang na materials. anong gagawin this week and next week. kaya lang nga, kailangan makatapat ka ng contractor na tama lang sumingil at di ka dadayain sa materials.

sadista lang siguro kami ni hubby. gusto namin ng hands-on. alam mo naman kapag hands-on. parang paglalaba, kapag walang washing machine.

nga pala. since may roofdeck ka, wag mo titipirin sa waterproofing. kung medyo matagalan pa kayo magpa-2nd floor, e kawawa naman kayo kung puro tulo house nyo. leaks ang pinakaayaw ko sa bahay. kahit poor architecture/design pa yan, ok lang. pero kapag may leaks syempre hassle.

bellapot

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 148
  • Mommy of Isabella
Re: Construction/Renovation Tipid Tips
« Reply #31 on: May 17, 2010, 07:01:23 PM »
Hi! I'm not sure if this is the right thread, but since the word "tipid" is in it, might as well ask. Does anyone here know a good (but cheap) "screen" maker? I'm not really sure what to call them. The one that puts screens on windows and doors. We already had a quote from my MIL's suki and my husband and I nearly had simultaneous heart attacks when we saw the total. Honestly, we could've paid for a stainless steel ref plus an electric range with that amount. I had no idea those things can cost so much. Any info would be appreciated. TIA!  ;D

tiggerlily

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1736
  • Whoa!
    • The Lazy Mama
Re: Construction/Renovation Tipid Tips
« Reply #32 on: May 18, 2010, 12:19:14 AM »
^ magpaquote pa kayo sa iba. libre naman yun. ibigay mo ang mga sukat ng mga papalagyan nyo ng screen. i think you're talking about aluminum screens. 2 klase yata yan e. yung isa analoc - kulay brown at yung isa e simpleng aluminum na kulay aluminum nga. yun analoc medyo mahal. ang isang fixed glass window na maliit e 2k na. after nyo magpaquote sa madami, compare nyo the price. make sure din na malinaw kung ano ang gagawin nila sa mga bintana. kasi magkaiba ang presyo nyan kung ilan ang fixed at moving dahil sa rollers at frame. basta magulo e. basta paquote pa kayo sa iba.

lukrecia

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 191
Re: Construction/Renovation Tipid Tips
« Reply #33 on: May 18, 2010, 02:10:41 PM »
hi tiggerlily, thanks sa reply ha :)

yup, what I meant by karpintero e yun na nga yung mga may foreman, kantero, tubero etc. di ko kasi alam ang tawag sa kanila. basta wala nga yung architect dun. so kung walang archi/engr, sino na mag schedule ng mga gagawin at mga bibiling materials? yung foreman na yun noh? wala kasi ako alam sa ganun e

super thanks! :D

bellapot

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 148
  • Mommy of Isabella
Re: Construction/Renovation Tipid Tips
« Reply #34 on: May 18, 2010, 04:50:22 PM »
sis tiggerlily - It IS analoc! Unfortunately for us, mas bagay siya sa house instead of the plain aluminum. Our window frames kasi are a very dark brown. Gustuhin ko man na gawing aluminum, papangit lang. Di bale, hahanap pa kami ng iba. I'm sure we'll get a good price somewhere. Thanks sis!! ;D

lovemyself

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 973
  • so happy now...
Re: Construction/Renovation Tipid Tips
« Reply #35 on: May 19, 2010, 06:43:17 AM »
lukrecia, i think kaya na gawin ng foreman yung sinasabi mo.

tiggerlily, thanks again sa inputs. plano ko kasi 100 sq.m. masasakop ng house sa lot na 140+ sq.m. tpos sa 2nd floor rooms then may roof deck na may isang room pa na maliit lang. usually ba 10k/sq.m. ang computation? tpos my dad formerly worked for a construction company. parang foreman ang work nya dun pero yung kilala kong architect kasi magaling and i know na hindi naman madaya sa paniningil kaya baka sya nalang mag handle ng lahat. i know the budget for the construction would depend on my design. you think if may 2nd floor tpos may roofdeck kaya na ang 2M? around how much ang magpagawa ng design ng house and magpa blueprint? :)
...Be at peace with God, whatever you conceive Him to be, and whatever your labors and aspirations, in the noisy confusion of life keep peace with your soul.-Desiderata

lukrecia

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 191
Re: Construction/Renovation Tipid Tips
« Reply #36 on: May 19, 2010, 02:16:25 PM »
^ nung nagpagawa kame ng design/blue print sa archi friend namen, he charged us 35k complete na with signatures. ang usual charging ay 4-6% of the total project cost pero yung samen binigay na nya na 2% kaya ok na rin.

lovemyself

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 973
  • so happy now...
Re: Construction/Renovation Tipid Tips
« Reply #37 on: May 19, 2010, 05:58:48 PM »
^thanks sis :) blueprint palang yun ang mahal na. hehe.
...Be at peace with God, whatever you conceive Him to be, and whatever your labors and aspirations, in the noisy confusion of life keep peace with your soul.-Desiderata

tiggerlily

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1736
  • Whoa!
    • The Lazy Mama
Re: Construction/Renovation Tipid Tips
« Reply #38 on: May 21, 2010, 01:27:40 AM »
@lukrecia: depende sa galing ng foreman mo sa pagschedule. yung foreman namin, hindi ganun kagaling magestimate. minsan sasabihin kayang tapusin ng 3 days, tapos aabutin ng 1 week. or kapag may pinabiling gamit, magpapadagdag after a while kasi kulang. well, ok naman na kulang kaysa sobra - baka di na masoli. kami, tinutulungan na lang namin si foreman. nag-iinventory kami araw araw. kasi hindi rin ganun kagaling mag-inventory si foreman. tutok talaga kami. tinatanong ko sya kung anong gagawin sa susunod na linggo or kinabukasan. tapos tatanungin ko kung may gamit pa ba kami. kapag wala, order - pero syempre keep in mind din kung ano yung alam mong nabili na dati. bakit naubos na? san ginamit. mga ganun. para wala rin nawawalang materyales.

@ lovemyself: yup sis. mga ganun nga. tapos around that much din kapag magpapapirma ka sa city hall. depende pa yan sa kung saang city ka ha. may mga lagay lagay pa yan para mas mapabilis. or minsan kapag swerte ka e mababait naman - meron ba nun? sa amin inabot ng 3 months ang mga papirma.

may tip pa pala ako sa magpaparoofing. lagi naman ito nakahiwalay sa contractor kasi may warranty sila e. kaya kapag nagparoofing ka, ibang transaction na naman ito. opt for the longest warranty. pare-parehas lang naman halos ang price nila pero pinakasure na tatagal ang roofing kapag matagal ang warranty. there are also mga yero na may dents or scratches na and some of them consider that second hand which means mas mura na! e sino ba naman ang titingin ng malapitan sa yero mo kung yupi or may scratch? pero wag lang bonggang bonggang yupi e pwede na yun di ba?

lovemyself

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 973
  • so happy now...
Re: Construction/Renovation Tipid Tips
« Reply #39 on: May 21, 2010, 12:29:59 PM »
hmm... so even if im planning to build a house through housing loan, i have to have at least 100,000 to start it up. tama ba? :) kasi interest on houing loan would also depend on how long the construction will take. so the longer the process of construction, the higher the interest i will pay.
...Be at peace with God, whatever you conceive Him to be, and whatever your labors and aspirations, in the noisy confusion of life keep peace with your soul.-Desiderata

 

ADVERTISEMENT
follow us
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
Featured Articles
5 Steps to Financial Fitness in Tough Times
Instead of grumbling about the plight of the peso and dwelling on the negative, try these helpful tips to stay afloat. Remember--a little discipline goes a long way!
You're the breadwinner: Now what?
You want the freedom to spend your money as you wish but you know that if you don’t bring home the bacon, no one else will.
Getting money-wise: Why women are naturally capable of managing cash
She works hard for the money but she doesn’t know how to invest it. Here, Pearlsha Abubakar tells us why women are capable of managing their money well, but don’t. Read and get smart with your money.
Never go broke again! The FN guide to financial freedom-forever!
Fear not bankruptcy or eternal dependence on your parents (or a man!). There's a financial strategy for everybody. Read and get money-wise.
Wise up: Start your own business!
Tired of living from paycheck to paycheck? Why not go into business? Read on and find out how just a little cash can become a lot.