tips sa construction: buy all rebars,cement, sand, gravel from direct supplier like pag-asa steel(rebars) kasi pag sa hardware may patong na plus minsan substandard mga bakal. (pacompute nyo sa foreman or engr ilan bakal gagamitin or we call it cutting list) minsan ang patingi tingi hindi din nakakasave mas malaki pa magagastos sa tingi since may delivery charges saka wala discount sa tingi.
kung may time kayo, bantayan maigi ang construction kasi ang mga workers pag wala makain at pera ibebenta paisa-isa mga materials (lagi nangyayari sa amin 'toh, nahuli pa namin iba workers sa akto!)
pakyawan mga workers - mas mabilis at mas matipid if small project. pero don't expect pulido ang work, pag arawan kasi super babagalan nila magwork, gagawin ka gatasan.
I-require niyo sa gagawa ng plano niyo ang value engineering at green architecture, malaki matitipid niyo sa pag-construct at renovate pag na-apply 'eto sa plano.

marami ways pede makatipid, canvass kayo materials online (sa sulit) then compare niyo price sa wilcon at hardware. minsan kahit sabihin ng supplier fixed price yan wag kayo maniwala, manghingi pa din kayo discount, learn how to negotiate - malaki matitipid niyo kakahingi ng tawad.
then, higit sa lahat, hire kayo ng skilled workers, kahit mahal ng konti ang salary ang importante may quality ang work hindi un paulit-ulit.
