Get weekly updates via email!
tip of the day SAT 20 SEP 14
Unmotivated while you work? Give yourself incentives for completing each task, like 10 minutes on Facebook or Twitter—or for bigger achievements, a trip to Starbucks.
  • Good House Keeping
    Judy Ann Santos-Agoncillo returns to our cover this September issue and gets candid about money, marriage, and motherhood.
    Good Housekeeping
  • Women's Health
    Drop two sizes fast—with simple exercises you can do at home! This month's ultimate weight-loss special shows you how. Plus, real women share how you, too, can shed and keep off excess weight for good.
    Women's Health
GIRLTALK

Author Topic: ano ba ang karapatan ng isang wife sa pera ng husband?  (Read 29308 times)

danne

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 184
Re: ano ba ang karapatan ng isang wife sa pera ng husband?
« Reply #140 on: April 13, 2012, 01:01:20 PM »
medyo natututo na nga ako sis, mahirap naman magpakamartir for life. next sweldo kahit pambili ng kape hindi ako maglalabas. lokohan na talaga eh.
Lies have short legs...

sarsingkit

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 958
Re: ano ba ang karapatan ng isang wife sa pera ng husband?
« Reply #141 on: April 13, 2012, 02:02:27 PM »
make sure na share naman kayo in everything sa necessities sa bahay like grocery and uitilities. may officemate ako, she works full time of course. ang husband works part time and is a law student. ok lang sana kung si wife muna ang mas malaki ang ginagastos kasi nag-aaral si husband. kaso 10 years na atang nagla-law yung asawa at buhay estudyante. buti na lang matipid talga si wife and gumawa sya ng savings nya na sa kanya lang at hindi alam ni husband. quite wrong to keep money from the husband, pero times like this, yun ang best thing to do.

LLLA

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 194
  • i love my kiddos!
    • lizloveslexidigiscrapbookplace
Re: ano ba ang karapatan ng isang wife sa pera ng husband?
« Reply #142 on: April 15, 2012, 01:56:37 PM »
kami naman ni hubs, hati sa ng gastos.
Mas nauuna payday ko sa kanya.
Madalas siya ang nagbabayad ng groceries at TF ng eldest namen.
The rest ako na.. okay naman set up namen kaso medyo di lang makaipon kasi magastos si Hubs (ako din naman minsan)
Ang gusto ko lang na move ni Hubs this year is nung kumuha siya ng life insurance.
In a way, may investment na din siya for us incase (wag naman sana) may mangyari daw sa kanya. :-*


happy mom of 2 =)

Lady Blue

  • An insane, amoral, and insensitive geek
  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 138
  • and very PROUD of it! :D
Re: ano ba ang karapatan ng isang wife sa pera ng husband?
« Reply #143 on: April 16, 2012, 03:04:42 AM »
Dapat talaga napag-uusapan na ang financial matters bago pa ikasal or magsama. Maraming pagsasama ang nasira ng dahil diyan.

Ang set-up namin ng partner ko is lahat ng pera nya is OURS. At kung magkaroon man ako ng pera in any way, sa akin lang yun which is unlikely dahil I don't work anymore. Before pa kasi, napag-usapan na namin na magreresign ako sa job ko para matupad yung pangarap namin which is to tour the Philippines, and if possible, the world.

Every month pag dumarating yung pera, may allotted allowance na ko dun. Yung money na yun eh diretso sa sarili kong account and pwede ko gastusin in any way I want. Dito ko kinukuha yung binibigay ko sa parents ko pag alam ko na kelangan nila. Di kasi sila humihingi kaya ako na lang nagkukusa.The rest napupunta sa mga needs namin ng partner ko like food, fuel, boat maintenance, etc and of course, savings. Matipid naman kami at hindi maluho.

And we always have an extra cash in a safety vault for emergency.
« Last Edit: December 01, 2013, 10:39:22 AM by Lady Blue »

danabingo

  • Probationary
  • Posts: 2
Re: ano ba ang karapatan ng isang wife sa pera ng husband?
« Reply #144 on: October 16, 2012, 01:07:28 AM »
Ako pagdating sa pera wala talaga akong alam sa pera ng asawa ko kasi, napakaselfish yung napangasawa ko, ewan ka ba di ko rin alam kung bakit natitiis ko yun ganito kaya sadya talaga napakatanga ko inaamin ko yun kasi ako kung di ako binibigyan ng mga kapatid ko kahit sa personal na gamit di ako makabili ganoon ang asawa ko kasi lagi nagkukuwenta ayoko kasi hanapan ng pera kaya ito ang pinagaawayan namin mas gusto niya pa bigyan ang kapatid niya kesa sa akin ayoko na kasi ng away mga SIS puwede ba ako magdemand ng sustento kahit wala pa kaming anak?

WorriedB2B

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 60
    • C&J EShoppe
Re: ano ba ang karapatan ng isang wife sa pera ng husband?
« Reply #145 on: October 16, 2012, 05:02:52 PM »
Kami ni hubby, kahit nung nagpa-plan palang kami magpakasal, sinasabi na nya na ako daw hahawak ng pera namin. Wala naman kami problem dun. Binigay pa nga nya sakin yung ATM card nya eh, para daw pagka sahod nya, ako na bahala mag withdraw and ako na bahala mag budget. Kahit yung income namin sa business namin, ako talaga may hawak ng lahat.  ;D Binibigyan ko lang sya ng baon everyday pag papasok na siya sa work.  ;D

jhenpretty

  • Supercalifragilisticexpialidocious..
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 962
    • NLigtas
Re: ano ba ang karapatan ng isang wife sa pera ng husband?
« Reply #146 on: October 17, 2012, 05:27:48 PM »
Mahirap naman kung pinagresign ka tapos wala kang extra income or any source of income tapos wala ka pang karapatan sa pera ng asawa mo. Kami kasi ng hubby/bf ko kahit hindi pa kasal sa akin na niya binibigay ang sweldo niya pati extra income niya.. Ako ang nagbabudget pero we both talk about our plans and kung saan napupunta ang pera at magkano ang savings..
♥ I love you. I am who I am because of you. You are every reason, every hope, and every dream I've ever had, and no matter what happens to us in the future, everyday we are together is the greatest day of my life. I will always be yours.♥

IloveMybabs

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 61
Re: ano ba ang karapatan ng isang wife sa pera ng husband?
« Reply #147 on: October 18, 2012, 01:54:00 PM »
sis wag kang papayag ikaw yong asawa eh ikaw yong may karapatan sa pera ng hubby mo..

ngayon pa lang umalma kana kasi kung hindi ka mag sasalita at nasanay na ganyan yong set up mahihirapan ka ng baguhin and puno kung may emergency at walang naitatabi si BIL kasi nagagastos panu na kayo?

samin ni hubby nasa ATM lang yong pera then diretcho sa savings pag may sobra pag may gusto syang bilhin sinasabi nea lang sakena and ganun din ako sa kanya (nag resign din kasi ako sa work last May)

nung nagwowork pa naman ako yong pera ko alam naman nea kung san napupunta..

and may tracker din kami :) kasi gusto namin nakikita namin yong ginagastos namin kung sobra na ba o tama lang

kiz_me1109

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1215
  • happy_mom_of_aidan
Re: ano ba ang karapatan ng isang wife sa pera ng husband?
« Reply #148 on: October 19, 2012, 07:28:48 AM »
I really don't understand bakit ganun yung set up ninyo when it comes to your husband's salary. You're the wife and dapat, simula nung pinakasalan ka niya e hindi na nangingialam yung family niya sa sahod ng husband mo. Lalo na yung kapatid.

Kung ako yan e gulo yan. Not because habol ko ang pera, but because I know na ako na ang dapat may karapatan na hawakan yung pera ng asawa ko.

Both me and my husband works and never pa nangialam parents namin pareho sa sweldo namin.

muy003

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 205
Re: ano ba ang karapatan ng isang wife sa pera ng husband?
« Reply #149 on: October 21, 2012, 08:02:04 AM »
I agree with what most of the ladies say here.
-if legally married, you are entitled to his salary. But if you're not married, im sure may protection para sa common law couples, lalo na if may bata. The child should be supported by the father, at the very least.
-respeto sayo na ikaw ang partner nya, ikaw dapat namamahala ng salary. Di man nakasaad sa batas yan, parang unsoken of rule na yan eh. Unless, you have bad track record with money. Right now ang naiisip ko lang na dahilan para di ako mamahala ng pera nya eh kung may bisyo ako, drugs, gambling, unreasonable shopping.
-you shouldve brought this up when he asked you to stop working. Sustento. Ano ka, mabubuhay ng humihinga lang?
-expenses for the child should be shouldered by him. I dont know how this works in our family code for common law couples, pero naniniwala ako na tatay ang dapat bumuhay sa anak at ang nanay ay support lang sa provision na gagawin DAPAT ng ama.
-magtrabaho ka, kasi di pwedeng umikot lang mundo mo sa anak mo, tas ngayon wala ka madudukot para sa sarili mo. may right time para sa work, find that right time, or right job, right shift..
-girl, if selfish ang partner mo, non married, even with kid, di ba you can still run. Naku, kung di yan magbago, mahirap mabuhay forever with a selfish kuripot man. If married, mag demand ka tehhh!!
-pov ko naman sa paghelp ni hubby sa family nya, if he's earning just enough, as in sakto lang, i believe na sa asawa at anak lahat dapat napupunta. As in enough lang ha. Kung may extra, naniniwala ako na thats the time na he could help provide for his parents. Kasi nga gumawa na sya ng bagong pamilya, yun ang primary resonsibility nya, to provide for his family. If enough lang kita nya for the wife and kids but his parents need help, kung kaya ng budget ng asawa nya maglet go kung one time lang naman ito, sige, go, if hindi, its time for him to work harder, work more and earn more. Ibang kaso naman if walang anak na involved tas di kayo kasal, at nagsasama lang kayo-then i think he could freely give everything to his nanay and kapatid. sharing lang: Lumaki akong suportado ng tatay ko ang lolo at lola ko. Kahit hospital bills, 99% he spent for it, till they both died. Parang sya lang anak. Kaya naiinis ako pag naglalambing sister nya nanghihingi pa ng pera sa kanya, nakakapikon. Or maybe selosa lang talaga ako kasi di na ko nakakahingi ng allowance. Same with my mom, actually si daddy din in effect ang bumubuhay sa lola ko sa side ni mommy ever since she got home from guam at lumabo na mata nya, dito na sya samin nakatira, so lahat gamot, doc fees, si mommy gumagastos with the help of daddy and with no help from my mom's sister. Tinutulungan din ni mommy si tita, monthly din yun. Kaloka. I think for this,i should be thankful that God provides.
-if you have a partner, sana yearssss na kayo together ha, you should be comfortable enough to discuss money matters with that person. In fact if you're spending your forever with that person, you should be comfortable discussing anything under the sun with that person, thats my pov.

I dont have a job right now, im waiting for one na napaka tagal ng processing. Hndi kami kasal ng boyfie ko, he's overseas, we might get married next month though civil so i could avail of the perks as a spouse ng company nya, he gives me ample allowance. I actually demanded for it, haha. Snabi ko talaga sa kanya, anong point na wala sya sa tabi ko tas di ko matitikman yung katas ng qatar? I said it as a joke, pero i think i was blunt enough to give him the message. Nagawa ko yan kasi i know how much he earns, and i know its more than enough para sa family nya, kasi he's the breadwinner. Minsan mas malaki naiaabot sakin, pero nagbabayad naman ako ng bills nya or if he wants something from manila, binibil ko naman for him. Pero siguro kung enough lang kita nya duun, im not ging to demand that way. Nng andito oa sya sa pilipinas, similarly, pag may extra ako, at kailangang kailangan nya, nagaabot ako sa kanya. Wala naman ako responsibilidad noon, at may parents ako na hands tumulong. Hirap pa nga sakin, inaaccounting ko sya, sorry, auditor ako eh. Maybe bumabawi sya, pero buti na lang aware sya na luho ko ang sinusuportahan nya, shucks, nakakahiya nga.

 Ang point ko here is, my partner knew, simula ng 'inasawa' nya ako, kasi he sort of lived with me, responsibilidad na nya ako. Kaya 'pinanagutan' nya na ako, we dont have a kid.

Dont get me wrong, i still need that job im waiting for. Kasi kahit na may allowance, maluho ako, nahihiya din naman ako na sustentado ako. And halos lahat ng gastos ko pinapaalam ko, respect in return ko yan. Tas if he says no to any of my purchase, to any of my galaan, sinusunod ko sya. Thats the downside. However, if im dealing with my own money, di ko gagawin any of that, and thats what i miss most with having my own. So its really important that you have your own source of income. Kahit saan man, as long as legal ha.

Sorry. Ang haba, sharing lang, sana may mapulot kahit kunti.
« Last Edit: November 02, 2012, 07:25:38 PM by muy003 »
I find comfort in talking with strangers. No judgements.

Freena

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 65
Re: ano ba ang karapatan ng isang wife sa pera ng husband?
« Reply #150 on: October 21, 2012, 09:46:22 AM »
Hi sis, like all the ladies saying here. Not a normal/good setup. In the first place, ping-resign ka nya, so he should assume to take responsibility for you and your child financially. At bakit si sister nya ang may hawak?
Pero don't get me wrong sis ha, wala ka bang problem regarding budgeting or handling ng money?
Enjoy life to the fullest! :)

yena^_^

  • Reyna ng kalawang and
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 407
  • Struggling to be a good wife & a better person :)
Re: ano ba ang karapatan ng isang wife sa pera ng husband?
« Reply #151 on: October 21, 2012, 01:45:02 PM »
Dapat talaga may agreement yung mag-asawa with regards to finances. Dapat you will act as a team sa pagbubudget and pagpapalago ng savings.

After several years of earning for myself I became a full time housewife. Grabing hirap ng transition, nabibili ko naman ang mga gusto ko through CC na extension ni hubby pero minsan gusto ko rin na may income ako. Then I talked to a Malaysian woman married to an Englishman, she said I should ask my husband for an allowance monthly or weekly, so sinubukan kong manghingi, he was happy to give naman.

So set-up namin is he has his atm but I know every transaction kasi sa number ko nakaregister yung CC and ATM nya, so every transaction may magttxt sakin. He pays all the bills, we rely heavily on credit card for convenience. Tapos yung planning and handling our investments ay sakin, gusto nya to kasi sabi nya he don't need to study investments kasi daw I do it for him, so ang iisipin lang nya magtrabaho at kumita enough for our needs and investments. At kahit may allowance na ako, di ko masyadong nagagalaw yun, only for taxi and the rest tinatabi ko na. Yung  purchase ko for myself, I still use the CC na extension ni hubby. ;)
If a problem can be solved there is no use worrying about it. If it can't be solved, worrying will do no good.

- Dalai Lama-

ayka

  • independent , social butterfly & a
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 408
Re: ano ba ang karapatan ng isang wife sa pera ng husband?
« Reply #152 on: October 22, 2012, 12:30:18 AM »
malaki ang karapatan ng wife sa pera ng asawa niya dahil siya ang asawa. Both husband and wife share joint ownership of all assets--including money. Period!
happy girls are the prettiest girls! ♥♥♥

bettyboop1322

  • Mummie of two lil hearthrobs ^_^
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1166
Re: ano ba ang karapatan ng isang wife sa pera ng husband?
« Reply #153 on: October 22, 2012, 10:34:28 AM »
the whole salary ni hubby ako ang nagmamanage & of course pati salary ko & rental ng properties namin, but i'm not leaving him empty pocketed, i give him allowance twice a month  ;D

ninaceline

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 59
  • experiencing THE life
    • Our wedsite
Re: ano ba ang karapatan ng isang wife sa pera ng husband?
« Reply #154 on: October 22, 2012, 02:06:53 PM »
100% rights. During ourcounselling with the priest and pre cana. We were told that a wife has all the rights sa money nilang mag asawa. Including sweldo, raket , mana or whatso. Kaya nga during the wedding rites, our husbands give us the arrhae .
you can't always have people to love you, but you can always make them fear you.

tsinijz

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 102
Re: ano ba ang karapatan ng isang wife sa pera ng husband?
« Reply #155 on: October 24, 2012, 08:19:43 PM »
Ako din mga sis. Ako may hawak ng ATM ni hubby. Iniintrega niya lahat ng pera niya sakin. Ang setup namin before we got married, all his money goes to our joint account, my salary, pambayad ng bills at baon namin. Kaya nga we're so proud nakapagpakasal kami ng walang hinihinging pera. Lahat hard earned!

Now wala na akong work dahil pinagresign niya ko. Nasa akin parin lahat ng pera at ako nag bubudget. I'm so proud nakapag close na kami ng 2 credit cards. 2 to go! :-)

shineadet

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 125
Re: ano ba ang karapatan ng isang wife sa pera ng husband?
« Reply #156 on: November 01, 2012, 12:17:13 AM »
e pano naman mga sis kung ganito situation?
ako naghahawak ng atm ni hubby plus binibigyan nya ako ng more or less 1/4 ng kita nya sa sideline nya weekly. i dont know exactly kung magkano kita nya sa sideline.
dead na pareho parents ni hubby. BIL and SIL1 e may family na and may sarili ng mga buhay single mom si SIL2.. part of their "mana" e pinangfranchise nila para sa expenses sa house ng parents nila na si SIL2 na lang ang nakatira.they have 2 cars na sa parents din nila. hubby pays for the family driver. ok lang kase si hubby naman ang gumagamit 80% sa driver. hubby pays for the maintenance of the cars. hubby pays for their cable. naiinis ako kase pati ba naman walis tingting itetext pa kay hubby para bilhan sila e ang lapit lang ng palengke sa kanila. pati bumbilya tinetext din kay hubby pag pundido na para bilhan ni hubby. feeling ko pati pamalengke nila weekly si hubby din nagbibigay. tama lang ba na mainis ako o madamot lang talaga ako?
ilang bese na namin to napag usapan ni hubby and agreed na lahat ng expenses dapat alam namin pero paulit ulit lang. nalalaman ko lang dahil nababasa ko sa phone ni hubby. feeling ko kase parang wala sila respeto sakin as hubby's wife. sobrang kuripot ni SIL2. imagine, nakakuha sila ng substantial amount of money from their mom's insurance tapos 2 days after nagpapabili ng bumbilya kay hubby. e sa house lang naman sya, si hubby nagwowork pa tapos walking distance lang hardware sa kanila. ito naman si hubby, oo lang ng oo sa mga kapatid nya. gusto ko kausapin si SIL2  kase di nagtatanda si hubby e pero  i dont know kung pano sasabihin kay SIL2 ng maayos.
" footprints in the sand"

Mommy•Shey

  • ♥ Queen of Hubby, SpoiledWifey, FabMommy, Game Terrorist and
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 228
  • ♥Happily married, relaxed and fashion obsessed♥
Re: ano ba ang karapatan ng isang wife sa pera ng husband?
« Reply #157 on: November 01, 2012, 11:09:27 PM »
If legally Married, 100% may karapatan ka sa lahat ng Assets ng Asawa mo. Kahit yung mga Properties na na acquired niya when HE is still Single. PERO, yung husband mo ang walang karapatan sa Properties mo, kahit na acquired mo siya nung Single kapa.
Do not save what is left after spending, but spend what is left after saving

cristyles

  • Miss Go-Getter
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1005
  • ♔ Committed to staying FIT & GORGEOUS ♔
Re: ano ba ang karapatan ng isang wife sa pera ng husband?
« Reply #158 on: November 02, 2012, 09:29:06 AM »
Everything :D . Pero yung sahod ko eh akin lang hehe! Pero yung money niya eh ako rin ang naghahandle.
Fitness is like marriageyou cant cheat on it and expect it to work!!!❞ -Cassey Ho, Blogilates

rara_avis

  • I am somewhere between SUPER and DUPER
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 864
  • GT is my personal release.
Re: ano ba ang karapatan ng isang wife sa pera ng husband?
« Reply #159 on: November 03, 2012, 08:33:51 PM »
I have a friend na issue sa kanilang mag-asawa ang pera kasi yung guy hindi matanggihan ang mga kamag-anak nya pag nanghihingi ng tulong. Tapos wala silang naiipon dahil don. I told her na kahit she's not working eh she has rights to her Husband's money, eh nahihiya daw sya. Sabi ko kahit hindi ikaw ang nagta-trabaho eh lahat naman ng pangangailangan ng asawa nya inaasikaso nya saka as a wife entitled ka to everything your Husband owns.
If a woman is sufficiently ambitious, determined and gifted - there is practically nothing she can't do

 

ADVERTISEMENT
follow us
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
Featured Articles
5 Steps to Financial Fitness in Tough Times
Instead of grumbling about the plight of the peso and dwelling on the negative, try these helpful tips to stay afloat. Remember--a little discipline goes a long way!
You're the breadwinner: Now what?
You want the freedom to spend your money as you wish but you know that if you don’t bring home the bacon, no one else will.
Getting money-wise: Why women are naturally capable of managing cash
She works hard for the money but she doesn’t know how to invest it. Here, Pearlsha Abubakar tells us why women are capable of managing their money well, but don’t. Read and get smart with your money.
Never go broke again! The FN guide to financial freedom-forever!
Fear not bankruptcy or eternal dependence on your parents (or a man!). There's a financial strategy for everybody. Read and get money-wise.
Wise up: Start your own business!
Tired of living from paycheck to paycheck? Why not go into business? Read on and find out how just a little cash can become a lot.