I was enrolled in driving school but never got the chance to attend it. Hubby's cousin taught me how to drive (I have a bit background) so navigation is easy peasy for me. Comment nya lang sa akin is "mapag bigay daw ako" lol! He trained me so well in parking, dun siya nag focus sa akin, gusto nya pa lage reverse parking

Pag kasama ko siya at nagpa-park ako medyo natetense ako kasi bumababa pa talaga siya sa sasakyan at nakatayo sa harap ko at pag may mali ako, sinesenyas nya sa kamay yung ikot ng manibela, na lalong nakakapagpalito sa akin

So, what I did, after I delivered my children to school nagpa-practice ako ng parking ko. Thank God okay na ako sa parking lalo na sa reverse parking, mas gusto ko yung isisingit ko siya, kesa sa walang katabi, kasi nawawala ako sa linya, lumalagpas

parallel parking naman, okay narin sarili kong sikap hehe I have yet to overcome EDSA and NLEX can't wait

btw, isa sa mga natutunan ko, take your time, pag may nakapila sa likod mo or bumubusina, okay lang yun basta importante makapag drive ka ng tama. Dati kasi na iilang ako pag may naghihintay sa akin na mga sasakyan sa likod, hindi ko makapagdrive ng tama pag natetense ako
