Nangyari ito sa akin kanina, itong thread kaagad naisip ko.
I went to Toys R Us in Trinoma to look for a baptismal gift. Since I need something, I stopped to check the items for babies. Sabi ko, gift lang hanap ko, kanya-kanya na sila ng offer and sinundan na ako kung saan ako pumunta. Ang problema, everytime I pause, para akong magnet na nagaattract ng SAs. So pag hinto ko sa isang lugar, nakapaligid na sila sa akin (naiimagine nyo yun?).
Grabe, hindi ako artista pero feeling ko dinumog ako. Naiintindihan ko naman na trabaho nila yun or baka nga may quota sila. Ayoko kasi mambastos, kaso sabay sabay sila nagsasalita, lahat ng laruan nasa harapan ko. May mga tao pa sa likod na naririnig ko nagtatanong, "ano daw kailangan?" "Pang ilang taon daw?" Lam nyo yun? Parang may krimeng naganap at may naguusi pa sa likod.
Sa totoo lang, nainis ako (pasensya na). Gusto ko na sana umalis pero kailangan ko bumili e. Dahil nga sa ayoko mambastos, sumama tuloy loob ko kasi nasabihan ko sila ng, "Teka lang, teka lang. Dinudumog nyo na ako e. Wala na akong maintindihan, nalilito na ako sa bibilhin ko." Tapos umalis yung iba.
Nainis ako kasi para akong nasa palengke, e kaya nga sa mall ako namili kasi ayoko ng ganun e. Napaligiran talaga ako tsaka parang they don't care if they invade your personal space. Parang gusto ko silang hawiin kanina e sa sobrang sikip (I'm not exaggerating, sobrang disappointed ako sa style nila).

Hindi ko kasi naexperience before na ganun sila kasi everytime we go there, I just tell them we're looking around. E pag sinabi ko pala na: eto kailangan ko, ayun na. Parang ayoko na tuloy bumalik don.