^last month sis nag overnight kami ni bf.

sad to say, nabadtrip kami sa room na inassign sa amin. to think na may reservation pa kami tapos yung room na binigay eh parang "kinahoy". pasensya na sa term kasi wala yung maliit na round table, kulang ng isang chair, yung phone sira. okay sabihin na natin kahit wala nalang yung table and chair, pero naman yung phone sira pa, kasi pag may kelangan instead na itatawag nalang namin eh lalabas pa si bf at pupunta sa front desk.

normally pag nagsstay kami ni bf sa 2nd floor kami which is I think mas okay kesa sa rooms na nasa ground floor. so happend na yung ibinigay eh ground floor dahil puno daw sila at may naka book na school daw. Then 2 technician pa ang pabalik pabalik sa kuarto para ayusin yung phone. haaay imbis na ipapahinga mo na sana eh naka bantay kami sa nag aayos ng phone. Then we asked the staff bat wala yung round table at chair, sabi eh ibinigay daw dun sa ibang kuarto kasi kinulang daw sila ng table ang chairs. imagine.

then after awhile bumalik si staff at may dala ng chair. haaay natatawa na naiinis kami ni bf, mag request man kami to change room eh wala na available. Oh well, nag pa spa nalang kami ni bf nung gabi pantanggal stress.