hindi nagpa interview si hubby through Skype last night kahit na pasado na siya at aasikasuhin na papers niya ng company sa Sg..ang problema kasi baka hindi naman niya kami mag ina maisama doon..ang sweldo niya kung matuloy siya is nasa 128k sa atin..kaso dami gastos..uupa sia doon nasa 4ok a month kasama na food..dito sa Pinas umuupa kami mag ina,kasama gastos nasa 24k a month rin..kung itutuloy niya yung work sa Sg tapos after ilang months sasama kami oon,baka daw mas magastos..ayoko naman na magkalayo kami mag asawa.ayaw rin niya na malayo siya..tingin niyo po ba tama si hubby magastos ba kung sasama kami ng baby namin doonparehas lang naman umuupa dito at sa sg kung matuloy siya..
Hi Sis, base sa mga nakakausap ko na may family dito sa SG at least nasa 6k sgd ang combined salary. May ma-se-save na don. Pero depende lang talaga yan sa life style nyo. Much better kung susunod ka dito then hanap ka din ng work tapos kuha nalang kayo ng yaya.
To give you an idea on the expenses:
Common Room - 600 - 800 (pero kung kukuha kayo ng yaya kelangan din nya ng room so ang mas maganda magrent nalang kayo ng 3-bedroom flat na 2000 - 2400 sgd monthly then iparent nyo yung isang room sa iba, then pwede din hanap kayo ng roommate ni yaya para mas tipid)
So let's say 2200 ang whole flat then ipapaupa nyo yung 1 room ng 700 then may kasama si yaya sa room nya na 350 ang rent. 2200 - 700 - 350 = 1150
So Rooms nyo and ni yaya = 1150
EZLink (MRT and Bus) = 200 - 250
Ilaw at Kuryente = 150 - 200 (depende kung gano kalakas gumamit ng aircon)
Groceries = 800
Sweldo at Levy ni yaya = 650
Baby needs = 800 (at least daw mag allot ng 800 kasi mahal din ang meds, diaper,
gatas etc.. pero sobra na siguro ito)
yan yung basic needs sis...wala pa dyan yung mga allowance paglabas labas. so kung magwowork ka most likely 15k - 30k ang masesave nyo monthly. Depende din kung may sinusuportahan kayong kamag-anak sa Pinas.
