hi sis mai0129 ulit,

whew! grabe parang fairy tale pala pagsasama nyo before noh? parang ganun yung naging set up namin before pero hindi kame umabot sa pagsasama almost 4-5 years kame. Nakakaiyak naman yung nangyari sa inyo.. sinusubok talaga kayo.
baka naman 7 years ich lang yan? hindi sa binibigyan kita ng false hope tignan natin yung both side..wag muna puro negative, mamaya na yun para fair hehe . ikaw na din may sabi na 7 years na kayo.. baka naman need lang talaga niya ng space?.. space para makapagisip isip. alam mo minsan kasi, mahirap talaga intindihin mga lalake..mas mahirap pa sa babae! Men are from mars and women are from venus, yan na lang palagi kong sinasaksak sa ulo ko para lang maintindi ko sila. Pero i think hindi tama yung ginagawa niya sayo na hina"hang" ka niya. ang simple lang naman sumagot ng maayos. bakit hindi niya alam lahat ang sagot sa tanong mo?? napakaplaying safe naman niya sumagot. its either ayaw niya sabihin sayo yung totoo dahil sa mga promises niya before at gusto niyang panindigan yun or hindi niya kayang sabihin sayo yung totoo kasi ayaw ka niyang masaktan?
irelate ko lang.. alam mo ganyan na ganyan din yung scenario ko way back 3 years ago sa ex ko..kaya nagulat talaga ako sa kwento mo ha? as in. hindi din niya alam ang mga sagot sa tanong ko. ang sakit sakit noon kasi ang simple simple lang naman ng sagot dun. yun yung tipong sya na ang nagsasabi before at di ko na kailangan pang tanungin sa kanya na mahal niya ko. tapos ngayon hindi na nya masabi sa harap ko. siguro kagaya nga ng gusto niya.. bigyan mo muna sya ng space. wag mo na muna pagpilitan yung sarili mo sa ngayon, baka magulo lang talaga yung isip niya..baka mag away lang kayo. malay mo in time.. mapagisip niya na may mali na talagang nangyayari sa relasyon niyo. baka lang may mas mabigat na dahilan kung bakit sya nagkakaganyan? natanong mo na ba kung may problema sya? kasi kadalasan hindi naman nagsasabi ang mga lalaki diba?.. feeling ko may mabigat syang dahilan kaya sya ganyan..
pero sis.. pinakaimportante sa lahat "after" mo syang intindihin (it means nagawa mo na lahat ng dapat).. intindihin mo din yung sarili mo, hindi pwedeng lage ka na lang ganyan. yung uuwian ka lang then aalisan walang usap usap. hindi healthy,masakit yun! naisip ko lang paano kung lagi na lang kayong ganyan? hindi na matapos.. lagi ka na lang din bang magtitiis at masasaktan? hindi naman fair yun sayo diba? mahirap talaga sa umpisa pero gaya nga ng sabi ko sayo.. kung ginawa mo na ang lahat pero wala pa din sa kanya.. then move. mahirap ipilit. huwag mo ng isaksak ang sarili mo sa taong ayaw na sayo. Bigyan mo ng pride yung sarili mo. oo nakakahinayang ang 7 years..hindi ganun kadali magbuild ng ganung relasyon kaso anong magagawa naman kung nagkaganun na?
Pray ka sis.. nothing beats prayer. then hingi ka help thru sign kay God kung ano yung mga sagot sa mga tanong mo na di masagot ng bf mo,malay mo sa kanya mo malaman yung sagot hehe wala naman mawawala.. try mo lang

Nagaadvise lang po ha

pero ikaw pa din yung makakapagdecide at gagawa niyan.