Get weekly updates via email!
tip of the day SUN 20 APR 14
Light a few candles, bubble up the bathtub, and sink into the wet and steamy with your sweetie. Rub each other down with an aromatic scrub
  • Good House Keeping
    Find your bliss this summer! GH's guide to a calmer, luckier, and happier you. On stands now for only P120.
    Good Housekeeping
  • Real Living
    Real Living’s April 2014 issue is a thing of beauty, literally! The magazine’s Beautiful Homes issue features 43 pages which will inspire you to rethink your own space.
    Real Living
  • Women's Health
    Everything you need to score your hottest, sexiest summer EVER is in the Women’s Health March issue!
    Women's Health
GIRLTALK

Author Topic: Unforgettable Experiences on the Road  (Read 7393 times)

geekybride

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 255
Re: Unforgettable Experiences on the Road
« Reply #20 on: July 11, 2012, 08:35:42 pm »
joining po...

mejo one of those late nights lang, OT work, mga past 12 na siguro yun, so nag-cab na ko.  i sat at the front seat katabi ni manong.  so keri. dumaan yung taxi sa metrowalk then on to medical city tapos padiretso na dapat ng daan papuntang ortigas avenue extension. 

kaso na-cut ata nung taxi yung isang private car.  maiinit siguro yung ulo nung driver nung private car. so ang ginawa nia hinabol nia yung taxi namin, tinapatan kami, binaba ang window nia at pinagmumura yung driver ng taxi. eh konti na lang mga sasakyan that time. wala na kami halos mga kasabay sa daan.  di pa cia natuwa, binilisan pa nia yung takbo ng sasakyan nia at binalagbag yung sasakyan nia sa harap ng taxi namin. buti nakapreno si manong. since napastop kami at hinarang nia yung sasakyan nia sa amin, bumaba cia at pinuntahan kami. ang laki niang tao! parang vin diesel! at may tattoo din cia sa arms.  afraid! akala ko bubunot cia ng baril! ala jason ivler! 

paglapit nia sa taxi, sinuntok yung salamin so nadurog yung salamin. grabe ang lakas nia para madurog in one blow yung salamin! natalsikan pa nga ako ng bubog!  tapos kinwelyuhan nia si manong. tapos nakita ko si manong may kinukuha sa ilalim nung upuan nia. natakot ako! baka magsaksakan sila dun, nasa harap pa naman ako.  hinawakan ko yung kamay ni manong, tapos sabi ko "wag mo na patulan, manong".   eh mejo ang tanda na ni manong tapos ang payat payat pa. ang laki laki pa nung kalaban nia.  na-alerto yung isa nung narinig boses ko. akala siguro nia walang pasahero kasi parang nagulat cia.  ayun binitiwan nia si manong at bumalik sa kotse nia. narealize nia siguro na may witness pala kung sakaling sasaktan nia si manong.

grabe kinabahan talaga ako nun. hindi na ako nagpahatid sa bahay, pinadirecho ko na si manong sa pasig city police para ireport yung nangyari. 
« Last Edit: July 11, 2012, 08:37:54 pm by geekybride »

snowberry

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 428
Re: Unforgettable Experiences on the Road
« Reply #21 on: July 11, 2012, 09:00:30 pm »
^ scary experience mo sis. Kawawa naman yung si manong driver.

Pero advice lang sis , huwag ka uupo sa tabi ng driver sa harapan.  Baka makatiyempo ka ng manyakis na driver

geekybride

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 255
Re: Unforgettable Experiences on the Road
« Reply #22 on: July 11, 2012, 09:11:41 pm »
sis snowberry,

super scary! iniisip ko the whole time: Jason Ivler, Jason Ivler, Jason Ivler...

at kawawa talaga si manong driver kasi sugat sugat yung face nia at chest nia kasi napuruhan cia nung talsik ng bubog.  at confirmed, balisong nga yung binubunot nia sa ilalim ng upuan.   :-\  pag dating sa pasig city police, inaaway pa cia nung police kasi daw bakit daw nagalit yung isa, baka naman daw may violation si manong.  nung pinagtatanggol ko si manong, sinigawan pa ako nung police, nakikialam daw ako. hay naku talaga! umalis na ako, dahil baka ako naman ang manuntok. hahaha.  di ako nakatulog nung night na yun, kasi naaawa ako kay manong eh.

naku, sis, mahilig talaga ako umupo sa harap kasi mas malakas ang aircon saka may seatbelt.  hehe... oo nga noh, never ko pa naisip na may mangmamanyak sa kin, mas takot ako sa holdup.


twelvth_goddess

  • A certified ZOE-holic and a true blue
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 8308
Re: Unforgettable Experiences on the Road
« Reply #23 on: July 11, 2012, 09:51:41 pm »
^Scary experience sis! Napaka-war freak naman nung driver, ang OA nya! Makaka-chempo din yun ng isa pang kasing-war freak nya na papatulan sya. I feel bad for the cab driver, pano yon sya pa magbabayad  nung nabasag na salamin. May mga tao talaga na akala nila kaya nilang idaan sa laki and yabang ang lahat ng bagay.
Whatever I want, I get. If I can't, I don't stop TRYING.

geekybride

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 255
Re: Unforgettable Experiences on the Road
« Reply #24 on: July 11, 2012, 09:57:14 pm »
sis twelvth_goddess, my sentiments exactly...  :( 

ang theory ni manong, baka daw galing sa metrowalk at lasing.  at baka daw anak ng someone powerful, kaya malakas ang loob. 

either way, it's just wrong... 
« Last Edit: July 11, 2012, 10:20:20 pm by geekybride »

msals2007

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 741
    • http://www.myshmyshoppinghaven.multiply.com
Re: Unforgettable Experiences on the Road
« Reply #25 on: July 12, 2012, 07:49:11 am »
at saka unfair naman ang police ha. sinisi agad si manong driver. palibhasa alam siguro na mayaman ang nakabangga ni manong. kawawa naman si manong driver. dapat sa mayabang na ala Jason ivler na yun makatapat din ng kasingyabang niya sa daan para fair and square ang laban nila. Hindi yung matandang cab driver na nagpapakahirap kumita ang pinapatulan nila. At pati ikaw sinigawan pa ng police. Hindi kaya anak ng Chief of police yung nakabangga yun.

geekybride

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 255
Re: Unforgettable Experiences on the Road
« Reply #26 on: July 12, 2012, 10:15:31 am »
sis msals2007, true barrymore! andami mayabang sa kalsada pag alam nilang walang laban or "maliit" na tao lang ang kaharap nila.  may isa pa akong kwento regarding jan, pulis naman.  pero next episode na lang yun. hehe.

katrinac

  • Misis na
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1191
    • Blogging Bride-to-Be
Re: Unforgettable Experiences on the Road
« Reply #27 on: July 17, 2012, 06:01:08 am »
nanyari to sakin nung college ako, dun sa may KFC coastal Road.  ;D
and since student palang ako, ang natitirang pera ko nalang ay 50.00

ang bilis naman kasi ng red light dun sa Coastal, ewan ko ba kung bakit. so sumunod ako dun sa harapan ko. only to find out na nag beat ng red light yung sa harap ko, eh sumunod ako. ending ako ang hinuli! and since tinitiketan ako, and need ko daw mag seminar somewhere in QC ata yun. gumawa ako ng eksena. LOL. more iyak ako kunwari, then nag panggap ako na yung parents ko, wala dito sa Pinas, and wala akong kasama sa buhay. and ang drama ko pa, wala akong alam sa Manila, dahil sa Hongkong ako lumaki. ayun kumagat yung mga enforcer. LOL! eh since ginamit ang charm, ibigay ko nalang daw ang cp number ko. ginawa ko, nagbigay ako ng number na di naman talaga sakin.  ;D

geekybride

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 255
Re: Unforgettable Experiences on the Road
« Reply #28 on: July 18, 2012, 12:28:54 am »
mrs. katrinac (naks! hehe), ang galing ng alibi mo! kumpleto ang backstory! hahaha  ;D   at least, di ba? hindi lang sila nagpapardon based on bribe, pwede din pala pakiusap. kapalit nga lang ang cellphone number.  kamote, buti na lang may presence of mind ka! hehe   ;D   


* * *
speaking of mga pulis.... eto yung isang kwento ko about mayabang na pulis (no offense meant sa ibang pulis na matitino).

sa may robinson's galleria mall, may bus lane dun.  no loading and unloading na yung other end nung bus lane sa tapat ng edsa shrine, kaya pinapapunta nung pulis yung mga pasahero at bus dun sa kabilang dulo ng bus lane, yung nasa tapat ng chow king. so okay lang. sunod lang. 

tapos napansin ko, may mga jeep at taxi pa din na nagkamali magsakay dun sa part na bawal, siguro out of habit na din.  etong si manong pulis, imbes na maayos na ipaliwanag na bawal dun at makisuyo na sana sa unahan na lang magsakay, eto ang ginawa:  humaharang sa pinakaharapan nung jeep, nakatingin ng masama sa driver, duduro duro, at hindi cia gumalaw dun for mga 3 minutes siguro, parang standoff ang dating, so much so na hindi makaalis yung jeep at nag-cause na cia ng traffic!  hay naku, it defeats talaga the purpose of traffic enforcement!  tapos after pa nun, pinababa pa nia yung mga pasahero na sumakay sa jeep.  si kawawang jeepney driver, napilitang umalis nang walang pasahero.  ilang beses niya ito ginawa. dun sa short time na nandun ako, siguro 3 jeepneys yung nakita kong ginawan nia nito.  all the while, lalong nagsisikip yung traffic dun sa side na yun, dahil natetengga yung mga jeep, pasahero at mga sasakyan sa side na yun, dahil sa ginagawa niyang powertripping. 

eto ang big PERO... PERO yung mga taxi drivers na nagsasakay dun sa part na bawal, hindi nia sinisita.  as in 4 na taxi na yung nakita kong nagsakay at nagbaba, deadma cia. in fact, meron pa nga na tumigil dun dahil naghihintay ng pasahero na sasakay. gayong ang nakalagay naman sa sign ay "no loading and unloading".  wala namang nakalagay na exceptions.

so nilapitan ko cia,ang sabi ko, "manong, bakit yung mga jeepney drivers lang hinuhuli mo? bakit yung mga taxi hindi?  tapos yung mga inaabala mong mga pasahero, yun lang mga nagjijeep; yung mga kayang magbayad ng taxi, hindi mo inaabala?"  ofcourse, hindi cia sumagot.  so habang naghaharang cia ng jeep, kinuhanan ko cia ng picture.  sabi ko, "kuya, may picture na ko ng mukha mo. ok lang ba, irereport kita dahil pinipili mo lang ang huhulihin mo at nagsisikip ang daan dito dahil sa style mo."  again, di cia sumagot. so sumakay na ko ng taxi (just to prove na pwede) at umalis na ko. 

kinabukasan and the following days hanggang kaninang gabi, hindi ko pa rin cia nakitang bumalik sa side na yun.   ::)  ;D  NO to discriminatory treatment of lower socioeconomic groups by traffic law enforcement officers.    :P
« Last Edit: July 18, 2012, 12:38:14 am by geekybride »

katrinac

  • Misis na
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1191
    • Blogging Bride-to-Be
Re: Unforgettable Experiences on the Road
« Reply #29 on: July 18, 2012, 12:32:15 am »
geekybride - ay naku po! di na ata talaga maiiwasan yang mga buwayang enforcers na yan! kainis lang talaga!   >:(

nageinna

  • awesome
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1174
  • taking joy in life is a woman's best cosmetic >",<
Re: Unforgettable Experiences on the Road
« Reply #30 on: July 24, 2012, 05:10:50 pm »
@geekybride grabe sis bilib ako sayo ang tapang mo! ako hindi ko kaya yung iconfront ko sila. kahit na mega inis na siguro ko eh hindi ko makakaya ginawa mo. may pagka duwag kasi ako lol :D

mine naman a bit scary lang. taxi scene din to. pauwi na kami ng sis ko we took a cab. while on our way napansin ko medyo may pagka weird tong si kuya driver. habang nagddrive nagsasalita mag isa. parang bumubulong tapos patingin tingin sa sides. creepy! but we acted normal lang. nung malapit na sa house, yung street kasi papasok samin ang daming mga naka illegal terminal na jeepneys na nakaharang. so bumusina si kuya driver. eh ang tatagal pa gumalaw kasi nag pupuno pa ng sakay. ayun mega busina na tuloy siya then while taking over binabaan niya ng bintana yung barker pinagsisigawan. si barker sumigaw sigaw na din. sabi ni cab driver "pag ako nainis pag babarilin ko kayo! taga mindanao ako ah kaya wag niyo ko inaano!" nashock talaga kami ng sis ko. quiet  nalang kami. since malapit narin sa bahay. tapos bulong ulit ng bulong this time galit na. when we reached our house, pagkabayad namin, sabi ni kuya nung nahimasmasan na "maam pasensya na po kanina ha" lol. we just felt relieved na nakauwi kami in one piece.
--->always be a first-rate version of yourself, instead of a second-rate version of somebody else<---

geekybride

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 255
Re: Unforgettable Experiences on the Road
« Reply #31 on: July 24, 2012, 06:48:26 pm »
sis nageinna, normally, tulala lang ako (kaya nga madalas ako masnatchan hehe); pero nagkataon lang siguro na nakapagkape ako nung gabi na yun. hehe.

nakakatakot naman kwento mo, sis. afraid ako talaga pag yung may hawak ng manibela ang mainit ang ulo.   lalo na pag may threat pa na mamamaril. feeling ko papara na ko sa tabi at maglalakad na lang. hehe. 

nangyari na rin ito sa kin. si manong taxi driver, uminit ang ulo kasi grabe ang traffic, halos hindi na gumagalaw.  as in sinusuntok niya yung bend ng manibela, every 5 minutes siguro.  tapos ganun din bubulong bulong.  minsan yung sunvisor naman sa 'taas niya yung sinusuntok niya. eh, as usual, nasa harap ako. kaya afraid ako.  as in naka-freeze lang ako dun sa tabi niya, tapos tinitingnan ko cia paside lang sa mata ko, kasi baka lalong uminit ang ulo pag nakita niya na tinitingnan ko cia.  naisip ko nga baka ako sumunod nyang suntukin.  kung bababa naman ako at sabihing hanggang dun na lang ako, baka uminit din ang ulo sakin, kasi ipit na cia sa traffic tapos mawawalan pa ng pasahero.  so frozen delight ako; not knowing what to do or how to calm him down or whether i should calm him down.  awa ng diyos, nakarating naman din ako in 1 piece, like you. hehe.  binigyan ko n lang cia ng tip para makalma at macompensate naman yung time niya wading through traffic. 

*oh the perils of being a commuter*

shatz

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 844
  • rOcK oN!!!
    • myblog
Re: Unforgettable Experiences on the Road
« Reply #32 on: August 02, 2012, 11:07:22 pm »
Hinatid ko ang kapatid ko wa work nya, galing ako C5 pababa ako ng flyover papasok ng SLEX full stop ang mga sasakyan sa baba dahil traffic so magmemenor sana ko dahil nga pababa ako ng flyover. When i hit the break ayun wala na akong preno,. at first ayaw bumaba ng preno ko matigas siya. inapakan ko ng todo, binomba ko, lumusot ang preno ko, wala parin break,..

may naka full stop na jeepney na at the foot of the bridge.. binobomba ko padin ang break ko,. but on my mind was, wala na,. sasalpok na ko, dahil bumubulusok ako pababa dahil sa acceleration due to gravity,. sabi ko nalang mas mura bayaran to kesa salpukin ko yung car na katabi,.

by the way, i was driving a carnival nun, walang hand break, foot break lang,. i was thinking ilagay na sa park or hit the foot break until kumagat ng konti break ko,. so i continued to pump hanggang mabuild up ko,.. sobrang konti nalang sasalpok na ko when i managed to stop the car,.. i got  nervous,. kasi nga traffic at singitan ang laban,.. i turned on the hazard  light na,. kasi nga after that, lumulusot padin break ko,. i managed naman to reach office ng walang break,. binagalan ko nalang drive and malayo ako mag distansya so i can pump and build my break. pag may sumisingit binubusinahan ko nalang.

after that experience naging defensive driver na ko,..

mdy

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 600
Re: Unforgettable Experiences on the Road
« Reply #33 on: August 19, 2012, 11:06:25 pm »
Last friday night, I have to pick up my husband from work inside Clark. May traffic rule kasi na pwede mag-right turn anytime with CARE. So I made the turn. Ayun pinatigil ako ng enforcer. I said my piece and sabi nya pwede yon only IF naka red din yung nasa left side ng intersection whatever. He asked for my license and sabi ko wag nya ko hulihin kasi first time ko magdrive inside Clark, which is not true at all. Nakita naman nya sa license ko na I'm from Rizal so kumagat si manong sa excuse ko but not until I cried a little. Naiinis ako sa sarili ko kasi napaka-pathetic ng mga arte ko. Natatawa nalang saken ang husband ko, hindi na ako natuto. Strike 2 na ako dito  ::)

twelvth_goddess

  • A certified ZOE-holic and a true blue
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 8308
Re: Unforgettable Experiences on the Road
« Reply #34 on: August 21, 2012, 04:36:56 pm »
About 2 weeks ago, I was driving home from work at around 12AM. I was along Marcos Highway. Since it was already late and there werent many vehicles anymore, I was driving at 80-100kph so i can get home faster. Out of nowhere a guy came running towards my oncoming car holding a bat or bamboo (I didnt clearly see what it was). His distance was getting nearer since I was driving fast and it was then that I realized na ako pala target nya so I skidded to the left side of the road and nearly missed him. He even started running towards me again but I sped off na. My knees felt like jelly, I called my husband and asked him to open our gate. I was so scared.

When I posted it in FB, one of my friends who live in a nearby subdivision who passes through Marcos Highway too said na she experienced the same thing at the same place. I dont know if he was high, drunk, or crazy but i didnt really care to find out. Sabe ko kay hubby I think I need to start carrying a weapon.
Whatever I want, I get. If I can't, I don't stop TRYING.

Mai

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2024
Re: Unforgettable Experiences on the Road
« Reply #35 on: August 22, 2012, 02:40:10 am »
My experience not on the road, but in the mall parking.
I was at Robinson's magnolia today, just opened a week ago and the parking area hindi pa ko sanay and familiar,wala din masyado signage sa parking, and on my way out no car was infront of me and upon seeing the Exit, na weirduhan ako bakit paikot pa and me poste. I turned left ang KABOG! Nasampa ako sa bangketa natawid ko yung bangketa. Ni walang paint yung bangketa nya and mababa lang, yun pala ramp yun going to the 2nd basement, hindi rin naka ON headlights ko (im not driving at night kaya di nga ako marunong mag ON nun hehe). I feel so stupid, di nga ako makatulog now bec of what happened, mga 6 months na kong driving without the aid of my husband. I am so ashamed of my booboo. :(  na imagine ko hagalpak malamang sa kakatawa yung Previa na nasa likod ko.
« Last Edit: August 22, 2012, 02:41:43 am by Mai »

miked

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 55
Re: Unforgettable Experiences on the Road
« Reply #36 on: August 22, 2012, 11:11:03 am »
Last Friday, had a few drinks (hard) then on my way home I was dozing off while driving. Had to stop by at Shell in Edsa, just before Quezon ave. Now that I was back to my senses, I saw this blue Vios driving so slow. I flashed my headlights, telling him to hurry up. Then bang!!! He hit the island! Poor fellow. Probably also drunk.
Vade retro satana!

twelvth_goddess

  • A certified ZOE-holic and a true blue
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 8308
Re: Unforgettable Experiences on the Road
« Reply #37 on: August 23, 2012, 08:54:16 pm »
At 3:30 AM yesterday, I was driving with my manager and co-trainer along Paseo de Roxas when I was apprehended by no less than MAPSA for slightly beating the red light. I knew I was at fault naman pero naiinis ako na hirap pakiusapan yung 2 officers and parang gusto pa magpalagay. They kept showing me the list of fines for the violations and in hindsight, my husband said na that's usually their tactic if they want a bribe. I couldnt do it naman in front of my manager and I was so flustered cus we were late for a meeting. In short, they confiscated my license and tomorrow ko daw pwede makuha. the fine is 2500 daw for my violation. Good thing my friend knows the traffic adjudication head and dun ko sa office nya kukunin tomorrow without paying the penalty.
Whatever I want, I get. If I can't, I don't stop TRYING.

crazycoolchic19

  • Domestic Goddess,Music lover,dog lover,vain,biker,and a super long time GT member addict since 2005.
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 836
  • Pretty and Hot
Re: Unforgettable Experiences on the Road
« Reply #38 on: December 08, 2012, 11:56:20 am »
Happened a while ago, naka motor kami, backride ako ng hubs ko suddenly may nagovertake at na cut kami, its a one way road, nasa left kami...to think wala namang sasakyan sa right, .both mainit ulo namin ni hubs hinabol namin car, para kausapin..at talagang naghahamon ng suntukan sa hubs ko yung guy !to think kasama nya wifey nya at mga kids, inaawat na sya ng wifey nya kase isang subdivison kami kilala pala nya mother inlaw ko, sobrang angas ng lalaki kung lalaki lang ako binasag ko na muka nya!.

Haleetr wag daw ako mag mura sabi nun babae, bakit hinde ako mapapamura nakamotor kami eh kung tumalsik kami sa pagoovertake nya ng ganung kabilis,hinde daw kami tumitingin sa side mirror adik ka ba?bakit ka nagovertake sa kaliwa eh walang sasakyan sa right lane, ayos ah feeling mo naka motor ka at basta ka nakapasok sa lane ?!ipagsisksikan  ba yang sasakyan mo sa pagoovertake.bilog ang mundo wag lang sana mag cross ang landas natin ulit at  or makita ko na naka park car mo sigurado ako bubutasin ko yang gulong mo,!
« Last Edit: December 08, 2012, 12:16:16 pm by crazycoolchic19 »
I won't mind living in a world controlled by you men as long as i am the woman in control of your world, the center of your sphere.

ilykeee

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 99
Re: Unforgettable Experiences on the Road
« Reply #39 on: January 02, 2013, 04:06:18 pm »
Along daang-hari near katarungan village, yung way na from Alabang to Cavite. Mejo late na around 1-2am. Habang binabagtas namin yung daan right after ng Versailles pag turn namin near Katarungan village yung madilim na part dun may nadaanan kaming plastik, at bumara sya sa harapan ng sasakyan panic kami pero sabi ko sa husband ko wag tayo tumigil para tanggalin yung bumara na malaking solid na plastik container. Kahit nakakaskas sa kalsada yung plastik hinde kami tumigil kasi delikado baka may biglang mangholdap samin. Since malapit na rin naman ang entrance ng Portofino village tumigil kami at dun nalang namin sinilip kung ano ba yung nasagasaan namin mas safe dun kasi may makakakita na guard. Isang plastic bin na may laman pang dumi ng tao or kung ano man.

 

ADVERTISEMENT
follow us
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
Featured Articles
FN's Top 10 SPF Beauty Picks for Summer 2014
These babies are mighty protectors from the sun's harmful UV rays.
5 Ways to Reflect and Meditate When You’re Time-Bound
Whether you have five minutes or five days, a breather from all the deadlines and meetings will do you good.
FNites! What Reminds You of Summer?
Send us a photo and we might feature it on the website!