Had a very short, yet memorable affair with one.

Best moment of my life. Mabait, understanding at creative. Nagmula siya sa kontinente ng Europa. Guapo pa at magandang katawan hehe!
Serious LTR? Not yet.
But I have many foreign friends and acquaintances, both male and female. Mahirap mag-generalize. Iba-iba sila eh. Merong sobrang kulit na sinabi ko na na kahit may tsino na nanirahan dito, iba parin tayo sa mga intsik, ipagpipilitan parin na lahat ng mula sa kontinente ng Asya ay intsik. No big deal naman pero pag-paulit-ulit at ilang taon mo na inuulit, maiinis ka na. Tapos magtataka sila bakit ka nainis. Duh.

Meron sobrang tahimik. Pag may argument, isang sorry lang kala nila ayus na. Di ka aamuin. Bwisit.
Meron din naman, babae ito. Grabe gusto lagi diskusyon. Mainis ka, gusto niya talk about it. Konting misunderstanding, let's talk about it. Parang lahat problema na kailangan i-explain. Parang, teh, gimme some space. Hindi tulad nating pinoy na tumatahimik at pinalilipas muna mga bagay then saka natin assess kung kailangan ba talagang pag-usapan o palampasin na lang.
Base sa karanasan ko, may tampo at lambing/pag-amo din sila pero hindi gaano kalakas at kaimportante tulad sa kultura natin na may halaga talaga ito.
I guess, yung iba nahihirapan din sakin kasi mataray ako. Sa kanila walang konsepto ng taray. B*tchy ang tingin sayo. Satin kasi mataray is not entirely negative. Positive and negative and in between siya. Yung konsepto ng kung ano ang rude at impolite ay maaaring naiiba sa kung ano ang bastos at di kagalang-galang sa atin. Ito ay maaaring maging dahilan ng hindi pagkakaunawaan.