Marami pang mga katulad ni Kabang na handang isakripisyo yung buhay nila para sa mga amo nila pero they are not as unfortunate at hindi nabibigyan ng pansin. Yan ang sana eh mas makita pa ng mga kapwa tao natin na wala ganong compassion sa mga hayop. Na hindi sila dapat ituring na gwardya lang o display sa bahay.
Ironic nga eh. Madalas kasing sinasabi ng mga tao na ang mga aso ay para ding tao. Pero many fail to realize na kung parang tao ang mga aso, dapat eh alam din nila na may emosyon at feelings din ang mga aso. Na nadedepress din kapag minamaltrato o hindi pinapakain, na nagkakasakit din at nagsusuffer kapag nakatali lang o kulong buong buhay nila, na nakakaramdam din ng matinding sakit kapag inaabuso o pinapatay.