Eto para sa akin lang ha...
Nalaman kong..
Pag niloko ka.. uulitin nya yun. promise uulitin nya talaga. Malas lang kung d mo sya nahuli.
Masakit pala talaga, pero kailangan mong pagdaanan bawat araw na maaalala mo siya at umiyak ng umiyak. Pero pagkatapos ng lahat ng yan, pagtatawanan mo nalang at iisipin na.. ano bang pagaaksaya ng oras, panahon, pera at kaartehan ang ginawa mo
Hindi mo pedeng panghawakan ang mga sinabi nya na.. mahal pa din kita, pero parang may iba na; hindi ako magkaka GF hangga't mahal kita; aayusin ko lang buhay ko at pagnagkalakas ako ng loob, kukunin kita ulit. Dahil yang mga yan ang mga salitang wala namang patutunguhan. mga salitang paasa na pag kailangan ka nya, alam nyang andyan ka palagi handang makiramay. pero paano naman ang sarili mo diba?
Wag hayaang kay BF lang umiikot ang mundo mo. Dapat connected ka pa din sa mga friends mo. para sa mga hindi magandang sitwasyon, may makakausap ka at malalapitan. Sila ang tutulong sayo para maka move on
May mga taong magmamahal pa sayo pagkatapos ng lahat. Na handa kang tanggapin kahit ano ka pa. Bulag kasi ako nung mga panahon na yun sa pagmamahal na binibigay ko sa kanya.
Hindi magandang makipag Friends sa EX kasi gagamitin ka nya. Para sa mga alibis nya.
At higit sa lahat, tanggalin ang awa