since hindi ako makapagpost ng new topic, dito nalang po ako eepal ah.. sori sisses.. i just need your opinions about this.. hindi naman pangit si boyfie pero playboy siya .. kayo nalang humusga..hehe
hindi ko alam bat ganto nararamdaman ako, or should i say wala nako nararamdaman..

ok, here's my story.. (hindi ko na matandaan yung exact dates pero inorder naman sila kung kelan nangyari..hehe) boyfie and i are 2yrs na nga pala..
1) nagpunta kasi ako ng province then pag.uwi ko natulog kami sa house ng friend niya.. akala siguro nila na tulog nako, nagbibiruan sila about dun sa girl na kasama daw ni boyfie dun sa same house na tinulugan namen.. after nun, niconfront ko siya and inamin naman niya na totoo daw yun..pero nagpaka."good samaritan" lang naman daw siya kasi lasing na lasing na yung girl and balak ihatid pauwi nung isang guy na trip ichorva yung girl so sabi niya siya nalang daw maghahatid.. okay na sana e kaso ang walang hiya, siya pala ang trip nung girl.. nun daw isang beses na nag.inuman silang mga dancers at kasama yung girl, may pa hawak hawak pa daw yung girl na yun sa kamay ni boyfie kasi nagdadrama na malungkot daw siya kasi wala ako.. balak ko na talaga hiwalayan siya nun.. may iyakan pang naganap pero naging okay din naman kami..
2) after that, para daw alam kong mapagkakatiwalaan ko siya, he gave me his fb password.. i dont want to know it kasi alam kong kahit ayoko buksan, since i know the pw, matetempt lang akong tingnan yun.. but he insisted.. after ilang months ng pagtitiis koong hindi buksan ewan ko bakit isang beses bigla ko nalang naisip na buksan ng walang pag.aalinlangan..hehe pagbukas ko ng messages niya, dun ko naintindihan kung bakit.. may ka.chat siyang girl.. na iniwan daw siya nung girl nung nag.inom sila.. na dapat na "may gagawin" pa sila after mag.inom.. you know what i mean.. grabe nung nabasa ko yun, sobrang naiyak talaga ko kahit nasa office ako.. tinext ko talaga siya, minura and all.. sabi ko sa sarili na ayoko na.. na wala na talagang pag.asa this time.. nung nag-usap kami sabi niya mga tropa daw niya yung gumawa nun.. well, shunga kasi yun sa fb e, minsan naiiwan niyang open yung fb niya tas pinagtitripan ng tropa niya.. hindi ako naniwala dun pero napatunayan ko din naman na totoo kasi thru message din sa fb, inaway niya yung mga yun for doing that and kinausap din nila ko na sila nga daw yung gumawa nun.. so okay nanaman kami..
this was last year i think.. pinilit ko magtiwala sakanya after that.. hindi ko na binuksan fb niya.. pero alam niyo yun.. kung kilala mo talaga yung tao in and out, hindi ka lubos na magtitiwala.. i know him and his friends very well.. and i dont trust them pag sila sila magkakasama.. laging naghahanap ng chikas e..pero sabi ko sige magtitiwala ako..
3) ewan ko ba naman at last sunday biglang kong naisipan na buksan ulit yung fb niya.. ayan nanaman ako sa gut feel ko e.. ewan ko ba bat sobrang kinakabahan ako habang inoopen ko.. e ayun naman pala.. may kachat nanaman.. at take note.. hindi lang isa ah.. maaaraaamiiii.. landi ng lolo niyo to the max.. una ko syempre nakita yung nasa messages niya.. tumambling talaga ko.. sobrang naiyak ako, buti nalang at nasa kwarto ako.. iyak talaga ako ng iyak hanggang makatulougan ko na.. monday night kasi pasok ko at mugto pa din mata ko.. hindi ko pinaalam sa kanya yung nakita ko.. parang normal lang.. tuesday morning pag.uwi ko open ko fb niya.. ayun may nagmemessage sakanya (realtime toh ah).. at ang sobrang masaklap, tiningnan ko ang archives niya.. ayun, dun ko nakita ang madaming chat ng iba ibang girls.. yung iba ex niya or naka.fling.. nakakainis pa e iniiba na nung girl yung usapan, siya go pa din siya sa panglalandi niya.. yung isa pa dun ka.officemate namen.. same account niya before na nalipat sa account ko.. buti nalang at nalipat ulit yun ng account kundi baka masapak ko yun..ahaha at take note.. may jowa at anak na yun ah.. asar talaga!
nung sunday and monday sobrang iyak ako ng iyak.. pero ngayon wala na, parang galit na yung nararamdaman ko.. tipong kahit pilitin kong umiyak ayaw talaga.. hindi pa niya alam yung nakita ko pero hindi ko na siya pinapansin simula tuesday.. kun todo text at tawag siya pero hindi ko siya pinapansin.. as in wala talaga.. bukas kakausapin ko siya and the reason kung bakit ayoko ipalaam sakanya ng maaga kasi baka makaisip siya ng palusot.. gusto ko mabigla siya at makita reaksyon niya.. kanina nitext ako ng mom niya.. sobrang close kasi kami, as in! ewan ko, hindi din ako naiyak.. inaasahan ko yun kasi mababaw luha ko saka the fact na nag.effort yung mom niya na itext ako.. pero wala, parang walang effect sakin.. sabi niya lagi daw wala sa sarili si boyfie.. kinakabahan dae siya kasi sobra kung makaharurot ng sasakyan, baka daw madisgrasya.. syempre nag.sorry ako sa kanya pero sinabi ko din na hindi ko naman gagawin yun kung walang dahilan e.. sinabi din niya sa friend ko na pag hiniwalayan ko daw siya magpapakamatay siya.. ang oa lang..
bukas mag.uusap na kami.. hindi ko alam kung gusto ko ba kami magka.ayos o the end na.. sorry kung mahaba.. i just need your views and opinion.. thanks mga sis..
