Ito yung theories ko (not the root cause though):
- Minsan promoted na din ng magulang or pamilya yan. Bago pa man ma-expose sa media. Halimbawa nung bata ako, yung pinsan ko na pinaka-maitim samin, tawag sa kanya nog-nog. Pa-joke pero may epekto yun kasi nung lumaki na kami, todo magpaputi. May isa namang case na nagka-bf yung isa kong pinsan, tapos inokray ng mga tita at tito ko yung bf nya na kesho maitim daw. Malaki ang nagagawa ng family upbringing sa mga beliefs natin. Buti na lang yung magulang ko walang pakialam sa color and lumaki kami na medyo di namin kasama ang extended family.
- Next, napansin ko, kung saan attracted ang mga lalake sa isang country, yun ang ina-aspire ng mga babae dun. Halimbawa sa Japan, ang dami kong napanood na series na parang preferred ng madaming guys yung medyo pacute na girls. I know, tv series lang sya, pero in a way, na-r-reflect nun yung culture nila e. So kung titingnan mo, ang daming girls dun na pa-cute.
Dito, ang mga lalake attracted sa maputi, so ang mga babae, nagkakanda-ugaga sa pagpapaputi.
I can't really say kung ano ang root cause ng ganyang belief. Kahit naman hindi sa Pilipinas. Kahit nung unang panahon pa, nung hindi pa discreet ang racism, issue na ang skin color.
Siguro it can be compared sa caste system ng mga Indian. Mapanghusga kasi tayong mga tao. May tendency tayo to want to be of a higher level sa kapwa natin. At yung mga mapuputi, sila yung di naaarawan. Yung mga maiitim sila yung mga alipin na naaarawan. Tulad ng mga black noon.