Nope. I really feel na they don't like me. Pag nagvisit kami sa kanila, hindi ako mashado kinakausap ng mother-in-law ko. Tapos ultimo yung suot na damit ni hubby pupunahin pa nya si hubby while kaharap ako, bakit daw nangingitim na yung white shirt. Hello? ako kaya naglalaba ng mga clothes namin.
Tapos pag kumakain kami at ubos na ang rice ko hindi man lang ako direchong alukin ng rice or ulam, kay hubby pa magsasabi ng "O si Chloe wala ng kanin baka gusto pa, bigyan mo".
Pag naman nag-grocery kami na kasama sya at nakita nyang konti lang binibili namin, sasabihin pa "Ano ba yan baka naman sobrang nagtitipid na kayo nyan!", e alam nya naman na ako ang humahawak ng pera at nagba-budget. Ayaw nya rin pumunta sa haus namin ni hubby, at nung once na pumunta sya e dahil lang pinilit sya ng kuya ni hubby. Tapos nung nandun sya e hindi man lang makipagkwentuhan sa akin, isang tanong-isang sagot at tumutok lang sa TV maghapon. Ni hindi rin tumikim man lang ng inihanda kong juice at food, parang akala mo lalasunin sya.
Tuwing din pupunta kami sa kanila palagi nya ipinaririnig sa akin na baby nya daw si hubby ko, kahit pag pinapakilala nya sa mga amiga nya. Tapos nung bumili kami ng car sabi pa nya kay hubby "naku binata na talaga ang baby ko, may car na!". Hello, may asawa na ang anak nya noh, hindi binata!
Kapag din kasama namin yung wife ng brother ni hubby, duon nakikipagkwentuhan sya at ka-close nya talaga, pero ako hindi nya ko mashado kinakausap. Gustong-gusto nya rin kumain kapag yun ang nagprepare ng food.
Even yung wife na yun ng brother ni hubby, feeling ko ayaw din sa akin kasi ka-FB pa nya until now yung ex ni hubby at nag-uusap sila sa FB madalas. Unlike me na hindi man lang nya ma-"Like" yung mga posts ko sa FB. Tapos kahit kaharap ako pinag-uusapan nila yung ex ni hubby.