Hi sis megansmomma, wala po yun.

magkaiba po ng way agn paseo de sta rosa and Ek. If you are from Manila, sa may sta rosa exit. ang paseo po right turn while ang EK left turn.
Ito po ang sinasakyan namin pag galing manila.
From CUBAO
JAM Transit and JAC liner - sa cubao po, may terminal po ang JAC and JAM halos magkatapat po sila sa may kamias sa ilalim po ng flyover, ang JAM sa southbound and JAC sa northbound. Sakay po kayo ng byaheng BALIBAGO.Sabihin niyo lang po sa kondoktor na ibaba kayo sa Waltermart yung papuntang EK. pagkababa niyo po ng bus, marami na pong tricycle sa may waltermart( hindi ko nga lang alam kung magkano ang singil nila), pero kung gusto niyo pong sumakay sa may terminal ng tricycle meron po siya sa may side entrance po ng waltermart(between goldilocks and mcdo) 8 pesos po siang tao, o pag special trip po 32 pesos. wala pa pong 1 km ang layo ng waltermart sa EK.
meron din pong terminal ng JAM and JAC sa may LRT buendia, and terminal po ng JAM sa may ilalim po ng LRT station. same din po sakay po kayo ng BALIBAGO.
Pag pa-uwi naman po marami naman pong dumadaan na bus sa tapat ng Waltermart na byaheng Cubao and LRT Buendia.