Possible potential problems that lead to baha:
Maling construction ng sidewalk, hindi nilalaliman ang drainage system. May drainage nga maliit, masikip at barado. Walang sistema ng cleaning ng drainage. Laging tintaasan ang kalsada, causing the flood to go to the residential areas. Walang harang ang mga drainage system, so ang ending pag may tubig diretso sa loob ang basura, walang filter.
Wala na ang mga canals na dapat ay tumutulong para sa maayos na pagdaloy ng tubig. Either tinayuan ng bahay ng mga squatters, tinayuan ng police station, baranggay hall, private buildings at kung ano ano pa. Barado rin ang mga natitira pa dahil sa basura.
Walang sistema ng tamang pagtatapon ng basura, may pagkukulang ang mga tao ang gobyerno dito, dati nagparactice din ako ng segragation kaso tinamaan ng katamaran pero itry ko ulit ito ipractice para in my own little way makatulong ako. Kaso minsan masasabi mo rin na paano ka gaganahan kung ang gobyerno wala ring matinong batas ukol sa proper waste management.
Illegal Logging, pagputol ng maraming puno para tayuan ng pabahay ang mga bundok that causes landslides and pagbaba sa mababang lugar. Imbes na makatulong din ang mga puno sa pagsipsip ng tubig wala na sila.
Attitude ng mga tao. Balat nalang ng candy na kaya namang ibulsa at itapon sa proper waste can hindi pa magawa, ikakalat talaga. Sa nakikita ko ngayon, hindi lang squatters na ang gumagawa nito, kahit mayayaman, magaling din magkalat. No wonder kung bakit pati mayayaman binabaha na ngayon.
Ano pa ba..