Wow! Baler Thread!

Went there last week. We stayed for 5 days sa house nila Hubby sa Maria Aurora. Dun sa bayan kami tumutuloy since sobrang luma na yung isang house sa barrio. Malapit lang sa kanila yung Balete Park.

Which, by the way, was so huge, the first time I laid my eyes on it, nangilabot ako. Honest! Kasi makulimlim pa nun dahil signal number 2 sa Aurora. hehe. Kaya kami inabot ng 5 days dahil dyan kay bagyong Bebeng.
2nd and 3rd day, we ate at Bay's inn. Ok ang food. Affordable. What we liked best was the mixed seafood with tofu and the seafood rice and i forgot all the others. LOL 7 kami and we paid 1,600. Solve! Busog kung busog. I think we ordered waaaaay over what our tummy can handle. Hehe Per viand nila ranges from 120-200. Pwede na. Wag nyo lang kaming gayahin na nag fiesta galore. Natuwa lang masyado!

But for the following day, we just had merienda kasi bumalik lang kami for swimming.
Kakatakot yung alon!

Yung niece ko na 8 years old, dun lang sa hangang hita ko dinadala kasi pagdating ng alon, lubog na lubog na sya. Tapos pagbalik ng alon, tatangayin ka pa sa malayo. Scary sa lalo sa hindi marunong lumangoy.

But mind you, may isang marunong lumangoy na malakas ang loob na muntik ng tangayin ng current. He was upto to his neck when the waves came in right after the other. So he wasn't able to go back to where he was standing at. He just waved dun sa mga kasama nya asking for help "oy, oy tinatangay ako!" Grabe, nakatingin na lang kami kasi sunod sunod na yung waves. Buti na lang may native dun na nagsu-surf nearby. Nag glide na lang sya dun sa lalaki at pinakapit sa board nya. Tapos sinabihan kami na medyo umiiksi yung interval ng waves so we have to move a few meters off that spot. Buti may isang area dun na kahit sunod sunod yung alon, maliliit lang at nagbreak na. So hindi na masyado scary.

That was my first time in Baler. Although second time in Maria na. I will invite some friends there if they're upto the loooong ride. Thank goodness for bonamine. Kung nagkataon, nagsuka ako sa zigzag road!
