Get weekly updates via email!
tip of the day FRI 22 AUG 14
Lessen the load on nature! Bring your own silverware instead of using plastic forks and spoons for lunch.
  • Good House Keeping
    Forever young Cheska Garcia-Kramer talks about her stay-gorgeous secrets, mommy bliss, and the surprising success of #TeamKramer in the August issue a.k.a. the Anti-Aging Special of Good Housekeeping!
    Good Housekeeping
  • Women's Health
    Build the confidence to strut in a pair of jeans with our 28-day pound-shedding, lean muscle-building workout, and learn the best cuts for your body type with our easy style guide.
    Women's Health
GIRLTALK

Author Topic: Re: Parking in front of the house ( sino ba ang mas may karapatan mag park?)  (Read 19031 times)

simplelife

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 365
  • life is too short
Re: Re: Parking in front of the house ( sino ba ang mas may karapatan mag park?)
« Reply #20 on: September 15, 2009, 01:49:56 AM »
we don't usually allow people to park in front of our house kasi malay ba naman namin kung bomba ang nakalagay sa sasakyan nila at bigla nalang sumabog lalo na kung hindi naman nagpaalam at bigla nalang pumarada sa tapat namin!

missywitchy

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 152
    • Best Philippines Travel Guide
Re: Re: Parking in front of the house ( sino ba ang mas may karapatan mag park?)
« Reply #21 on: September 15, 2009, 02:26:59 AM »
makikisingit lang.....


Yeah public property ang mga kalsada....pero this is what people don't understand. Ke me batas o wala...

...Nobody has the right to obstruct your right of way. Kung hinarangan nya yung tapat nyo, as the owner of the house me karapatan kang magreklamo.

Regarding dun sa palakasan sa Barangay, dapat pumunta ka. Alam mo kung bakit? kasi lalong lalakas ang loob nyan, iisipin nila na natatakot ka. At ang mga Barangay officials ngayon di na nila pwedeng gamitin ng basta basta ang kapangyarihan nila lalo na at wala sa tama ang kinakampihan nila, kasi pwede na sila makasuhan for abuse of power.

Next time advice mo mga kasama mo sa bahay na kapag me nakiparada sa tapat nyo, paalisin agad. Kapag ayaw, itawag sa barangay, kapag tinanong sila sa barangay, sabihin lang na di kasi nila kakilala at natatakot sila na baka masasamang loob o baka magnanakaw etc.. Walang matinong tao ang papayag na mapagsabihan na "baka kriminal sila" para lang sa parking space. Kapag nag-insist na taga duon sila, madali namang sabihin na di nyo sila kakilala at nag-iingat lang naman kayo.

Lastly (this is applicable only to that buwisit na kapitbahay na nagpa-barangay sa iyo)

Kapag binuwisit ka ulit nung kapitbahay mo na yon, at nag park ulit sa tapat mo, I suggest you call the police, say an unidentified car is parked in front of your house. Sure maiistorbo ka...pero mas malaking istorbo rin yun sa kanya. (sabihin mo natatakot kayo kasi baka me bomba na yun sa loob o baka nakaw yun madamay pa kayo or worse baka me patay sa loob etc.) Kapag nagkaharap kayo, sabihin mo lang na di mo alam na sa kanya yun, na di mo sya kilala etc., let him go through all the trouble of explaining himself to the police. Madadala na siguro yun at di ka na uulit na buwisitin ka.

Overly dramatic I know....pero remember this, kapag umulit pa yan, ibig sabihin nanandya na yan. So the best solution is to give him a dose of his own medicine. Do not confront...do not damage his property.....do not cause a scene....use legal means.... but make sure he suffers a bit of humiliation while pretending you mean no harm and is just concern about your family's safety.  ;)

kryzteta

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2081
  • GT Registered Seller #17
Re: Re: Parking in front of the house ( sino ba ang mas may karapatan mag park?)
« Reply #22 on: September 15, 2009, 04:03:21 AM »
MAI2, kung ako at the unfair mercy of a bully like that with the backing of the barangay pa!  haaayyyy... pag nakita kong naka park sa slot ko... gagasgasan ko coche nya or let out the air of his tires....

I am guilty! lol!

One of the first houses yung bahay ng lolo ko sa subdivision namin.  Mga 1968 pa ata, then around 1994 may nagtayo ng townhouse sa tapat.  Naging friendly with us yung developer kase may hidden agenda, alam nya in the future magiging paradahan ng tenants nya yung side namin.  Nangyari nga.

Ang nakakainis may bisita kami na nag park sa harapan nila while the driver was there waiting for my mom to come out.  Katukin ba naman ng guard nila para paalisin.  Nainis talaga ako, sinigawan ko ang gwardya, eh san paparada yung bisita namin??  5 slots kinuha nila?? 1 lang na walang pang 10minutes pumarada papa alisin nya?

Then mga 3-4 years ago meron silang pasaway mag park, umaabot na tail nya sa driveway, imbis na madali lang makalabas ng gate papahirapan pa kami.  Ilang beses ko ng pinagsabihan yung guard na ipaayos ang parada pero tigas pa rin ng ulo.  So there was this one time na same as the threadstarter, umuwi ako ng madaling araw, malakas ang ulan pagkita ko half ng sasakyan nya nakaharang sa driveway.  Sa inis ko ginasgasan ko nga.   
After that naisip ko naku baka madaling araw na din sya umuwi tapos she plans to park properly naman early in the morning.  Aba hapon na nakaharang pa rin ang bruha.  After nun umayos na sya sa parada. lol!

Oh and also meron na kaming mga harang na ginawa, yung bakal post na nakabaon sa cemento siguro mga 20" diameter, napaka bigat nun.  Para naman may 2 slot na maiwan for us. Guess what?  Tinatanggal pa rin nila.








krnmprl

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 382
Re: Re: Parking in front of the house ( sino ba ang mas may karapatan mag park?)
« Reply #23 on: September 15, 2009, 05:53:50 AM »
pet peeve ko to.ang harapan ng bahay mo is part of your space. sa neighborhood namin nobody can get away with parking infront of my house on a regular basis. miski once kinekwestyon ko na. i strongly suggest you do what the previous poster advised. na ireport sa pulis na may unidentified person na hindi mo kilala na palaging naka park at aaligid aligid sa bahay mo. kapal ng mukha to park infront of your house and may lakas pa ng loob ibaranggay ka. grrrr.

trinity94

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 549
  • Google and Mr. Webster are the best defense!
Re: Re: Parking in front of the house ( sino ba ang mas may karapatan mag park?)
« Reply #24 on: September 15, 2009, 08:57:29 AM »
makuwento ko lang:

when my mom was alive, she always made sure that nobody parked in front of our house, kahit wala kaming sasakyan... ang reason nya always is emergency purposes... sabi nya, paano daw if biglang kailangang tumawag ng ambulance or firemen... kahit madaling araw, talagang kumakatok yan para paalisin yung mga naka-park sa harap namin...

e meron pa ring mga pasaway... so what she did was, magsusunog yan ng dahon a few steps away from the parked car... of course, puro usok lang yun pero syempre kinakabahan din yung may-ari ng car... then nung bawal na yung pagsusunog, she placed naman yung drum na basurahan dun sa harap namin and placed a no parking sign... another style she used is putting those big rubber pots sa daan... sabi nya, at least may harang na siya, at kung may emergency man, okay lang banggain...
If you can't keep your Integrity ONLINE, what does that say about the person you are OFFLINE?...

READ. UNDERSTAND. REACT INTELLIGENTLY!


I love to be Hated, specially when I'm Right... ;

caddie

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 62
Re: Re: Parking in front of the house ( sino ba ang mas may karapatan mag park?)
« Reply #25 on: September 16, 2009, 04:26:43 AM »
oh my ghadd napaka stupido naman ng kapitbahay mo na yan.. walang nga siguro rules about that.. so ibig sabihin din ba non wala nadin siya manners at hahayaan niyang mag ugaling unggoy siya na walang alam na repsect.. hello tapat nyo yun noh..ikaw dapat ang mag reklamo ikaw ang magpa barangay sakanya.. may rights ka

maimai_09

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 468
  • floating in the air
Re: Re: Parking in front of the house ( sino ba ang mas may karapatan mag park?)
« Reply #26 on: September 17, 2009, 01:27:01 AM »
thanks mga sisses ang dami kong natutunan from sa mga opinion niyo guys.

orangelove

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 120
Re: Re: Parking in front of the house ( sino ba ang mas may karapatan mag park?)
« Reply #27 on: September 22, 2009, 08:13:54 AM »
nakakainis nga yung ganyan. kelangan talaga ng common sense, respeto at courtesy. sa village din namin ang daming sasakyan, meron garage pero para sa isang sasakyan lang pero 3 ang sasakyan nila... kami 2 car garage pero 4 ang sasakyan so kapag ako magpapark sa labas ng bahay i make sure na sa tapat lang namin at hindi nakatapat sa garage ng tapat namin na bahay. syempre paano sila makakapasok o kaya makakalabas kung may possibility na matamaan ang sasakyan ko. pero yung katapat bahay namin hindi ata naiisip yun... once palabas ako ng garage muntik ko na magasgas yung sasakyan nila kasi nakaharang sa lalabasan ko... syempre pag nagasgas yun sila pa yung magagalit. :(
Life is all about timing. The unreachable becomes reachable, the unavailable become available, the unattainable attainable. Have the patience, wait it out. It's all about timing.

missjoan

  • Techie Gas Gurl and a
  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 129
Re: Re: Parking in front of the house ( sino ba ang mas may karapatan mag park?)
« Reply #28 on: September 22, 2009, 02:20:40 PM »
hey, i like the idea na kunwari worried ka sa car na nakapark sa harap ng bahay mo and you will call a police to check it. =) haha. i can imagine, mamumutla sa hiya at inis yung may-ari.


freeswan

  • I am the new superhero!
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 4188
  • I am a beautiful swan
    • Swan Princess
Re: Re: Parking in front of the house ( sino ba ang mas may karapatan mag park?)
« Reply #29 on: September 22, 2009, 03:52:10 PM »
before, we rented out an apartment so yung buong harap sa kalsada, nagagamit namin for parking. now we transferred to an aparment/mini condo. so just imagine a space that's like 5 meters long with a mini condo sharing about 5 residents. wala itong parking so we park only in front of the building. now, we have this epaloid neighbor who always parks his car in front. we don't mind since meron naman vacant space sa kabila. now, when we come home early and sees that the space in front of the building is vacant, we park our car their. this epaloid neighbor who lives on top of our unit wakes us up in the middle of the night to let our car move to another space. ano siya hilo? so there i was, shouting at him, screaming like a crazy woman at 2am. minura ko talaga siya. sabi ko, bakit? binabayaran mo ba yang lupang yan? sayo ba yan? did you know that it is publicly owned? it's not yours so wala kang karapatan na paalisin kami dahil parehas lang tayong tenant! first come, first serve basis yan. mind you, he was like 15 years older than me.

then just this weekend, we were so tired kasi we had a long weekend from laguna, nagpark kami sa harap ng building. fiance woke up at 4am to go to work, abah ang mokong hinintay talaga kami magising. he was already at the gate waiting for my fiance to leave to park his van dun sa space.

at ito pa malupit, yesterday, when we arrived, his little motor (scooter) was in that space to reserve it for his van. sabi ko bababanggain ko talaga yan pangit niyang motor.
I am happy. I am blessed. I feel loved. I am in love.

aquacharly

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 4617
Re: Re: Parking in front of the house ( sino ba ang mas may karapatan mag park?)
« Reply #30 on: September 22, 2009, 04:15:49 PM »
FREESWAN -- I will do harm to that scooter!  LOL, very tempting.

So let this be a lesson to others.  Urge your barangay/village/condo association to have parking rules. 

IF you float the idea that the barangay/condo association or village where the condo or townhouse is can EARN from regulating the street parking slots... yan magkaka rules kayo bigla.  In Valle Verde2, where 1 of my condo rentals is... technically, nobody owns the street hindi ba... Naku, what the association of our townhouses did was... to segment-ize the sidewalk with paint, put numbers on each slot; and even on the street -- tapos, "lease" this out on an annual basis. 

So, LOL!   if your townhouse say has 2 slots avaiable on the sidewalk, and 1 slot available on the street... it is in your interest to lease all 3 or else, magkakaroon nang gisingan.   

Then, stickers are distributed after paying the parking lease fees, with numbers thereon corresponding to the leased slots.  Pagka hindi match nakita ng association guards... eh, they talaga wake up the car owner and demand it be moved... (may penalty pag ganyan you cause the rightful lessor inconvenience -- your parking lease fee goes up by 20% per slot the next year).. or they have it towed.  No kidding.

Now, the above rules came back after a lot of ill will, awayan, tutukan over parking.  LOL   So, when a new group came to control the Association... na convince nila the majority to buy into the new rules... in the interest of peaceful co-existence.  So far, it works.   My tenant has no complaints.

Kasi nga ganoon, may mga walang modo tapos isip nila nasa lugar pa sila.. kaya kelangan ng rules.  If 1 starts it, there will be others will follow the lead for the imposition of parking rules. 

simpleann

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 252
Re: Re: Parking in front of the house ( sino ba ang mas may karapatan mag park?)
« Reply #31 on: September 22, 2009, 04:32:31 PM »
sis maimai - the argument is very clear, Respect and Courtesy lang yan, tapat ng bahay mo so mas may karapatan ka!

kLeng

  • sassycHic!
  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 121
  • k l e n g s k i
Re: Re: Parking in front of the house ( sino ba ang mas may karapatan mag park?)
« Reply #32 on: September 29, 2009, 01:29:25 PM »
nakuuu.. ito ang matinding nagpapainit ng dugo ko palagi hehe.. about sa parking na ito.. kasi ang bahay namin sa front may vacant lot.. then yoong sa kaliwa naman namin ay billiards and small kainan.. so laging madaming nagpupuntang mga estudyante (aside from were' 3 blocks away from a university). so kami naman 2 ang car ang isa naka grahe at ang isa sa labas ng gate ko ipina park.. aba.. at pag uuwi ako sa hapon itong tapat ng gate namin sa vacant lot ay puno ng sasakyan.. so pag nag park ako sa tabi ng gate namin double parking naman.. so what i did nagpagawa ako ng sign bords na no parking on both side.. at bawal magparada sa tapat ng bahay. ipinaskil ko sa tapat ng gate namin.. somehow yoong ibang nakaka intindi ay hindi nagpapark.. but these students matitigas ang ulo.. sige pa rin sila.. one time nga dumating ako.. so alangan namang ako ang umalis e tapat naman ng bahay namin yun.. nag park ako sa tabi ng gate namin.. so double parking na naman. ay naku.. hindi ko talaga inalis.. maya maya may dumaang suv din.. busina siya ng busina.. sa loon ko naman bakit ako ang aalis e tapat ng bahay naman namin itong parking ko. So ýon, naglabasan ang mga me ari ng car na nasa kabilang way at inalis nila mga sasakyan nila. Okey lang naman kasi kung ang mga may ari ng car ay andun lang sa place na yon eh.. kaso ang nakakainit ng ulo is..nasa schools sila.. at iniiwan lang car nila dun.. what if emergency di ba? at gamitin namin [ang nasa garage na car eh di hindi kami makalabas.. nakuuuuu!!!!
« Last Edit: September 29, 2009, 01:31:45 PM by kLeng »
No Tengo Mas Que Darte (I have n0thing t0 give y0u but my heart)

kryzteta

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2081
  • GT Registered Seller #17
Re: Re: Parking in front of the house ( sino ba ang mas may karapatan mag park?)
« Reply #33 on: September 29, 2009, 08:12:57 PM »
^Naku nakakapang gigil yan! 
I live in a townhouse, may sari saril namang garage pero yung isa kong neighbor nung first night nila after moving in nakaharang ang parada sa main gate, hirap ilabas nung sasakyan namin.  It was 6am and I was going to be late for a bazaar.  Katok na ako ng katok pero walang nagbubukas, sa inis ko na iwan ako ng note na "Please Park Properly".
A week later marinig rinig ko na masama daw loob sakin, bakit hindi na lang daw ako kumatok.  Hyelllowww??  Sana hindi sya nagpakasarap ng tulog para narinig nya ang katok ko.

maimai_09

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 468
  • floating in the air
ang sarap ng feeling na ang daming tao na nakakarelate hindi lang pala ako ang may dilemma sa ganitong klaseng problem.

thanks mga sissess... appreciate all the things you shared.

hazelbrown_eyes27

  • Miss NO pushover!
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 942
 Mas may K ang MAY ARI ng bahay! abah! what if may emergency at kailangan umalis? tatawagin mo pa driver ng kotse na yun. UNWRITTEN RULE na yan. NEVER Block the driveway! If asked if you own the space..." di amin ang pavement na yan, pero since  driveway namin ANG SAKOP nyan... ano sa tingin mo?" if  they insisted... ask them " bakit may claim stub ka?"
Dont even bother explaining! I cant believe you.

bzmom

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 303
same pala to sa bagong lipat naming kapitbahay, bwicit ako everyday nalang dun nagpark sa tapat ng house namin

janixx

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 480
  • i can feel it
    • http://www.femalenetwork.com/myfn/avatar
this is something na nakakalabas talaga ng temper.

sakuragi

  • IT Consultant
  • GUYTalker
  • GirlTalker
  • *
  • Posts: 131
  • Harmless innocent
kung magiging technical, walang law na magbabawal magpark sa harap ng di mo bahay. But if magkapitbahay naman kayo, alam naman nila na may car yun may-ari ng bahay so if alam kong may car yun kapitbahay ko di ako magpapark sa harap nya but kung sandali lang ako, pwede pa rin ako magpark dun. Courtesy and respect lang sa mga magkakapitbahay. If may magpark sa tapat mo, alam mo na bisita lang yun. You can put "no parking sign for security reason", nakita ko lang ito sa makati :D
...Unauthorized Access!!!

akthung

  • GUYTalker
  • Super GirlTalker
  • *
  • Posts: 1583
mag share lang ako on how things run from where i'm at. a lot of laws naman sa pinas are borrowed from other countries.

sa amin, laging may pavement at may lawn, so the area from your mailbox, to the curb belongs to the Government and it does not belong to you. therefore cars can park momentarily. Government utility vehicles can park momentarily (official business, while say, fixing your neighbors power line). The public, can use your driveway para mag mane-ubra. U-turns are highly discouraged the country that i am in.

However. It is your responsibility to take care of the area in front of the house. Ikaw dapat ang mag mow ng lawn and keep it free from basura.

But despite all of what i've written above, basic courtesy and common sense still rules. as much as possible iniiwasan mag park sa harapan ng kapit bahay. kadalasan nagpapaalam pa. specially pag may parties.

and in some cases pwede mo din ireklamo, depende sa circumstance. and yung "baranggay" will tow that car.

simply put, kahit saan ka pumunta, common sense lang na iwasan mag park sa harapan ng bahay ng ibang tao.
I'm a baby Arhat. An Arhat has a well developed intuition, advanced mental powers, highly refined emotions and a strong desire to contribute personally to the uplifting of humanity.

 

ADVERTISEMENT
follow us
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
Featured Articles
5 Steps to Financial Fitness in Tough Times
Instead of grumbling about the plight of the peso and dwelling on the negative, try these helpful tips to stay afloat. Remember--a little discipline goes a long way!
You're the breadwinner: Now what?
You want the freedom to spend your money as you wish but you know that if you don’t bring home the bacon, no one else will.
Getting money-wise: Why women are naturally capable of managing cash
She works hard for the money but she doesn’t know how to invest it. Here, Pearlsha Abubakar tells us why women are capable of managing their money well, but don’t. Read and get smart with your money.
Never go broke again! The FN guide to financial freedom-forever!
Fear not bankruptcy or eternal dependence on your parents (or a man!). There's a financial strategy for everybody. Read and get money-wise.
Wise up: Start your own business!
Tired of living from paycheck to paycheck? Why not go into business? Read on and find out how just a little cash can become a lot.