hi everyone.
joongie, asa sucat ka lang ba? kitakits minsan. i think i have time this weekend...

ano ge? maki? others?
tungkol sa walang tatanggap na parish sayo, naku, mali yan. nung nagpabinyag ako sa ibang parish, ang requirement lang nila is yung "endorsement letter" from your parish (sa residence mo). hindi pwedeng hindi ka nila tanggapin at hindi rin pwede na tanggihan ng parish mo na gumawa ng endorsement sa gusto mong parish. ganyan yung sa parish namin, aba ayaw akong bigyan ng endorsement! inaway ko yun secretary ng pari, ala akong paki, kasi mali yon. buti nga magpapabinyag eh. nung una, ang kausap nila nanay ko, what I did was call the Archdiocese of Manila kasi balak ko talagang kausapin ang Cardinal nun, pramis. I asked them, and told them what my parish said, sabi nila hindi nga pwede yon. if gusto mong sa ibang simbahan, ok lang, as long as they provide an endorsement to the other parish pero hindi sila pwedeng huminde. o, edi pumunta ako dun sa office sa parish namin at kinausap ko sila, sabi hindi daw talaga pwede, aba, chaka ako nag-i-ingles tapos sabi ko tumawag na ako sa RCAM (Roman Catholic Archdiocese of Manila) at nakausap ko si Monsignor so and so and he said that they can't deny me my request. Tameme sila! mga walanghiya. I got my endorsement and my son was baptized at a parish na gusto ko.