News & Features > Women's Reproductive Health & Rights
D & C
eseng_123:
Hi po mga ate... bago lang po ako dto sa forum, kwento ko lang po yung experiences ko, bale 6 months na po kami kasal ni hubby (27 yrs old po siya,at 26 yrs old po ako), then b4 po kmi ikasal nabuntis po ako tapos na D&C po ako (4 weeks preggy), that was last Feb 2012, ang sakit po nung pangyayari, kasi ikakasal po kmi ng April nun, after po nun sumunod po ako sa kanya sa ibang bansa kasi OFW po siya, that was June 2012 sumunod ako sa kanya, then na-preggy po ako nun, tapos ganun na naman po, hindi po siya nagtuloy (3 weeks preggy po ako nun), so advice ng OB, i-plan daw kung gusto uli magtry magka baby, so wait kmi ng 1 month then nagtry kmi uli, tapos sa pangatlong pagkakataon, ganun na naman po, sabi ng OB may mga tissues na naiwan sa loob na kapag di na D&C ay maaring ma-impeksyon, so wala naman kmi nagawa ni hubby kundi sundin yung OB, kasi natatakot kmi na mas lalo po lumala kung maiimpeksyon pa, so last Saturday (Oct 20, 2012) ginawa ulit yung D&C sakin, ang hirap po at ang sakit, pero wala naman po kmi magawa, ang nasa isip po naming mag asawa ay kagustuhan po ito ng Diyos, at naniniwala kaming magasawa na God won't give us something which we cannot handle... ang tanong ko po ay eto, kasi uuwi po kmi ni hubby for vacation this dec1-16, 2012, posible po ba na okey lang ako na hilutin kahit 1 month pa lang ang nakakalipas after ko mad d&C ng pangatlong beses? balak din po kasi namin na magpahinga muna ng 6 months then magtry uli. Isa n nga po sa plan namin ang magpahilot, kasi naniniwala po kmi ni hubby dun, and then check up pa din sa OB para maadvice po kmi kung ano yung mga dapt gawin...salamat po, at sana po magka baby na tayong  lahat....
sofiameredith:
^hi sis, i feel sorry for your lost... ako nga 1 beses lang pero parang sobrang na trauma ako....i suggest sis other than hilot magtry ka na magpacheck sa repro endo hindi yung ordinary OB lang para magawan ka ng ibang test since 3 beses ka na nakunan ng sunud-sunod para malaman kung bakit lagi ka nakukunan. try mo basahin yung ibang threads about pregnancy kasi dun lang din ako nakakakuha ng mga inputs at mas maiintindihan mo yung pinagdaanan na mga tests ng ibang nating mga sisses dito just to have a baby din... :)
eseng_123:
@ sis sofiameredith - Oo nga po ate, wala naman po kami magawa ni mister ko, kasi yun yung payo ng doktor, na kailangn alisin kasi baka ma-infection. Pero di kami nawawalan ng pag-asa, kailangan namin labanan yung pagsubok na mga ganito, di dapat kami sumuko, at lalo pa sa sitwasyon ko na wala pa kami baby.. Magta-try kmi mag rest muna ng mga 6 months, then balak nga namin na pacheck sa pinas , do some tests kung ano dahilan nung mga miscarriages ko. Nag-ask na din kmi sa OB dito sa abroad, ok naman po yung position ng matres ko, tapos si mister naman, ok ang sperm count, kasi sabi ng OB di naman mabubuntis at magpopositive sa HPT kung low ang sperm count, natural lang daw na nangyayari un sa ilang mga girls, by the way di ko na yung nakaraan, kasi nangyari na po yun, iniisip namin ngayon ng hubby ko e yung future, at plan kung ano yung mga susunod na options, sana ate maging maayos, at ikaw po yung unang una kong babalitaan kapag naging healthy yung sunod na pregnancy ko, salamt po
sofiameredith:
^baby dust to us sis... i'm praying for another baby also. in His time ibibigay nya sa atin yun. sabi nga ni St. Pio "Pray, Hope and Don't Worry". :)
joannalissa:
Hi there sisses! I have always been a lurker on this page and ngayon lang ako nagka-lakas ng loob na magpost about my D&C experience. I feel for those who have undergone the said procedure. Share ko lang sa inyo guys.

I was 17weeks pregnant (1st) when I have my 1st ultrasound (prior check ups walang ultrasound pero naririnig namen un heartbeat ni baby through a device). That was October 10 this year, and we found out na wala ng heartbeat si baby. I was expecting na baka nagkamali lang si Doc (OB Sono kasi un doc ko so siya din ang ng U/S sa akin). The size of the baby was 15weeks so hindi na daw siya lumaki after nun. For me, yun na yung pinakamahirap na naexperience ko sa buong buhay ko. I grieved for 2 whole days. I was scheduled to go back sa OB ko after a week, 10/17/2012. When we went there, wala pa rin ako spotting, walang pains so may nilagay siya sa'kin na gamot para magcontract ang cervix ko. After 2 days, Oct. 19, wala pa din bleeding pero nilagnat ako. Pinaadmit na agad ako ng OB ko sa Paranaque Doctors sa takot na baka may infection na.

There, ininduce ako. Oxytocin was given thru IV, and then nginsert un OB ko ng Laminaria sticks (sobrang painful for me) twice on 2 consecutive days para bumuka un cervix ko. Oct. 22, wala pa din nangyayari so they opted for a D&C. Ang unang gusto ng OB ko is yung kusang lumabas un fetus para konting raspa na lang ang gagawin kaso no choice na kasi ayaw talaga lumabas nun baby ko  :'( I was crying before the procedure maybe because I do not like the fact na aalisin na un baby ko sa katawan ko  :'( Though I understand na kailangan na siyang alisin kasi delikado nga.

General and Local Anes ang nilagay sa'kin (spinal and thru IV) so tulog and numb ako the whole procedure. After more than 2 hours, nagising ako nasa recovery room na, may oxygen, BP and all and medyo groge. I cried again knowing na totally wala na un baby ko and at the same time concerned for myself, too paranoid na baka something went wrong during the operation that would affect my chances of getting pregnant again. When I woke up, my OB left already and was told that she will be back the next day. When I was more stable, binalik na ako sa room ko then dun ko nakita un fetus ng baby namen nasa small jar. It was such a pityful sight (sorry for TMI). Limbs and legs na lang ang nadistinguish ko, other parts hindi ko ma-picture. I cried again non-stop  :'( I was discharged the next day and was advised to take a number of medicines for 1 week to prevent infection and to relieve cramp pains.

Losing our very first baby was the hardest ordeal my fiance and I have faced. I have read that those who had undergone D&C must wait 2 cycles before TTC to prevent risks of having a miscarriage again. My OB told me na if I get pregnant agad after a D&C, ang tendency is pag dun siya nabuo sa part na naraspa na hindi pa fully nag-heal, mauulit lang yung miscarriage.

So there, sorry for such a long read  ;D
<< < (89/91) > >>
Navigation
Message Index

Next page
Previous page