Me too, i love ukay-ukay! My friend introduced me to this thing. At first, akala ko talaga hindi ko magugustuhan, kasi nga yung idea ko of an ukay-ukay store is yung maalikabok yung place at amoy moth balls mga damit. Hindi pala! From then on, naging ukay ukay addict na ako.
Sikat thrift shop dito sa Imus Cavite yung Khing Bhats. 4 na yung stores nila sa Cavite: 2 sa taas ng Puregold Imus, 1 Imus market, 1 malapit sa Chowking sa Imus bayan din). Sobrang okay yung store, sobrang laki niya, airconditioned, may mga couch pa, tska maayos yung mga fitting rooms. Tapos yung mga damit hindi amoy luma, as in well maintained talaga.
Everytime I go there, minimum of 5 blouses nabibili ko, prices range from 20 to 80 pesos. Yung mga dresses naman 120 pesos to 240 pesos. Ok din yung mga jackets nila. Makakatyempo ka ng Giordana, Zara, Marks & Spencer, G2000, etc.
Every time susuotin ko yung mga nabili ko from ukay-ukay, palaging may mga officemate ko na nagcocompliment sa akin. One officemate nga who frequents "Mango" shops thought na Mango yung tatak ng isa kong top, super madetalye kasi. Sobrang bihira na ako ngayon bumili sa mga malls, depende na lang kung sale talaga.
Try nyo din mga sisses! Basta lang piliin nyo yung Ukay-Ukay store na pupuntahan nyo. Hindi nyo naman kelangan magtiis sa mga mababaho at maalikabok na stores kasi marami na ngayong thrift shops na airconditioned at nasa malls na. Happy shopping!