me and my bf are using photoshop and illustrator cs3. di pa kaya ng pc specs namin mag cs4.
mahilig din ako sa vector arts. we have a collection na ginagamit namin sa paggawa ng designs.
sinubukan kong magvectorize dati, ang hirap pala grabe. sobrang tyagaan. so far, calla lily pa lang ang totoong vector image na nagawa ko. LOL. sana magkaron ako ng time na pag-aralan yung pag vectorize.
si h2b naman bihasa sa photoshop. part kasi ng trabaho nya eh. but i find illustrator easy to use for illustrations and designs. photoshop for photo editing.
may collection din si bf ng mga video tutorials. pinaka-ok yung from lynda.com kasi mga certified masters and experts ang nagtuturo. mas madali matuto pag video tutorials. wish i could share them kaya lang sobrang laki ng mga files. more than a year din inipon ni bf yung mga collections nya.
dati wala syang alam sa mga software na yan, magaling lang sya sa freehand drawing. pero because of these tutorials, bread and butter na nya ngayon ang graphics design/editing.