hmmm... a few weeks ago, we had a client na nag-hold ng 7th bday ng son niya sa 2nd floor...4pm ang schedule ng reservation niya... as early as 11am, my team as well as the couple (our client) were already there para pagtulong-tulongan ang pagsi-set up... may mga items kasi na sa kanila manggagaling to incorporate with the decors na sa amin naman manggagaling...
actually, it wasn't my first time sa venue... madalas na ako doon pero first time ko na sa amin ang decor...
i am not just sure kung ganito rin ang experience nung ibang naka-subok na sa kanila... pero heto yung mga nakakalokang experience namin...
1. wala silang manpower na puwedeng ipahiram para tulungan yung client sa pagsasabit man lang ng tarpaulin ng client sa stage area... even yung care taker na ang laki ng katawan, pinanindigan na care taker lang siya at ni ilabas lang yung ladder nila na made of heavy wood material eh ayaw gawin...
2. mababa lang yung wooden ladder nila (though grabe sa bigat)... may scaffolding naman sila na puwedeng ipahiram pero ikaw ang bahalang mag-assemble...
3. sa kanila ang food pero you have to pay for the rental fee... just the same, you also need to pay for the sound system fee kahit hindi mo naman siya gagamitin... 50% lang ng mga ilaw na nakakabit dun ang bubuksan dahil kung bubuksan daw lahat, that will be another fee...
4. white linen lang ang meron sila at kung gusto mo ng colored table topper, you provide it yourself... which my client did... when being asked na i-set up na nang maayos yung mga tables and chairs, the lady crew asked back the client "ano'ng oras ba ang reservation ninyo? di ba 4pm? 1pm pa lang ah?"
5. when given directions ng gustong layout ng client sa arrangement ng mga tables, medyo padabog sa pagmo-move ng mga tables
6. hindi puwedeng baguhin ang puwesto ng buffet table... when asked why, basta daw... gusto kasi sana ng client eh nasa likod sana or nasa left side ng stage para naman hindi yung pagpasok pa lang eh yun na ang nakikita agad ng mga guests niya.
7. when the client asked for the owner or store manager, ang sagot lang sa kanya ay "wala eh"... when asked kung darating ba and what time, ang sagot ay "di lang namin alam"
ayan lang po... when it comes to food... mas type ko ang dad's than cabalen... pero nang malasahan ko yung food dito sa tramway, mas na-appreciate ko yung lasa ng cabalen... just the same, taste is subjective... i suggest you try dining in first kasi yun din naman ang isi-serve nila sa event mo... no difference at all.