update lang mga sis, sa mga kumukuha palang ng building permit, may bagong requirement na inimplement just last month lang daw at isa kami sa tinamaan neto, isang factor bakit nadedelay ang evaluation ng bldg permit namin... hay!
you should get a certificate of construction for safety and health, from DOLE. mandatory ito before magproceed ang evaluation sa city hall... tigas ng mukha nung isang engineer sa DOLE, kausap ng husband ko kahapon, may isa silang requirement na hinihingi sa amin to proceed, pwede daw sila na gumawa P3k ang hiningi! kapal talaga. pwede namang yung engineer namin ang gumawa neto ang kaso it would take another week na naman kung magpapabalik balik ang papers, sayang ang araw na lumilipas... sobrang incovenient kasi ang office nila nasa Taft Avenue pa. sa offer ng engineer ng DOLE na yan, this coming friday ina-assure nya mare-release ang certificate. kaya pikit matang pinatulan ng husband ko ang offer niya. kanya kanya talagang gimik lalo na ngayong palapit na pasko.... tsk tsk tsk.
ang advise sa amin, upon release, isu-submit ito sa city hall tsaka palang tatakbo ulit ang papers for evaluation then for payment na ng bldg permit.
hay!!!