pwede humingi ng advice..ako kasi kami ng husband ko--yun na ang turing ko sa kanya kahit live-in lang kami--6 years na kami na magkasama as in simula nung naging mag bf/gf kami.tapos live-in kami ng 4 years hanggang ngayon..ok na ok naman kami.wala namn problema na may nang babae,inom ng inom,may textmates..sa ganun wala problema..sa family naman ng asawa ko,wala rin naman..kahit na minsan alam ko may inis kami sa isa't-isa,ok pa rin naman.tanggap naman ng family ni hubby na live-in kami..sa family ko ok lang kasi sila naman ang may pagkukulang kaya ako umalis sa amin..
sorry mahaba yung kwento ko pero sana pakinggan niyo

kasi okay na okay naman.matagal ko ng gusto na sana dumating yung araw na mag propose sa akin partner ko..wala nangyayari na ganon..dati nung wala pa kaming baby,pero live-in na kami,pag binabanggit ko sa kanya na kailan kami magpapakasal,lagi sinasabi na "next year"or after 4 year,naka year 2012 na,pang 4 years as live-in partner may anak na kami na 2 yrs old,wala naman proposal.so nung mga time na di pa ko buntis,may time na nalulungkot ako kasi iniisip ko di yata ako papakasalan ng partner ko..hanggang sa nabuntis ako.ngayon mag 2 yrs old na panganay namin sa february.
sabi ng parents niya ikasal na kami bago ako manganak noon,ayaw ko ng ganun kasi di maganda yung ikakasal kasi buntis..para sa akin lang naman yon ha..tapos ayaw rin ng partner ko na ang gagastos family niya,ako rin ayoko,,kasi utang na loob pa namin yun sa kanila..isa pang dahilan,yung mga na-invest kasi namin na gamit,puro mamahalin,kaya parang nasanay na partner ko na lahat ng bagay na paghahandaan,mamahalin or kakaiba daw..sabi ko naman sa kanya pagdating sa kasal kahit civil ok naman sa akin,kasi wala naman ako masyado invite na friends.konti lang family ko..okay naman raw sa kanya..so ayun fast forward natin,,nito lang mga ilang weeks na dumaan,nababanggit ko sa partner ko na kailan kaya kami papa kasal,,sasabihin naman niya pag may pera na.lagi naman ganun.kung gusto niya pwede naman niya pag iponan.di naman kami mayaman or mahirap,pero may pera siya.kasi may sideline rin siya minsan.saka sana kahit man lang engagement ring kung gusto niya ako pakasalan bibigyan niya ako.yun lang okay na ako,mapatunayan ko na may balak nga siya..
ang isasagot naman niya wag ko hintayin para ma surprise ako..ilang taon na rin kasi ako naghihintay,di ko naman sinasabi sa kanya.hanggang kailan ba ako maghihintay.may anak na kami.pwede naman niya pag iponan.pag gusto may paraan naman eh.tapos sasabhin niya gusto niya bongga.wala naman ako pakialam kung bongga o hindi,di importante yon.palagi na lang pera yung dahilan pag tatanungin siya tungkol sa kasal na yan..sabi ko sa kanya minsan na 26 yrs old na ako,27 yrs old siya,may anak kami na mag 2 taon na..sabi ko sa kanya di ako aabot ng 30 yrs old na ganito live-in lang.syempre nahihiya rin ako.di naman ganito parents ko na nag live-in rin para maging ganito akoyung 6 years na magkakilala kami,4 na taon dun live-in kami,parang di ko naman alam kung may patutunguhan na kasal.kahit na okay na okay kami,di ako mag se=settle sa ganito lang na di kasal,lahat ng babae pangarap yon.puro pera kasi iniisip niya.bonggang kasal,ni hindi mo naman makita na gustong pag iponan..kaya parang naramdaman ko na kahit dumating yung time na mag propose siya,parang kahit wag na..kasi ako na yung nagsasawa kaka hintay.