Get weekly updates via email!
tip of the day FRI 24 MAY 13
Don't blame heavy traffic or "Filipino time" if you're late for work. If you really want to be on time, make the effort to get up
Good House Keeping
31 DAYS TO HAPPY
A brand new look with more of the tried, tested, and trusted content you've been reading for 15 years!
Good Housekeeping
GIRLTALK

Author Topic: live-in or not?  (Read 14377 times)

izabelle

  • Extremely Happy Wife and Mom
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2492
Re: live-in or not?
« Reply #100 on: July 27, 2012, 10:52:37 pm »
whatever works best gorabells dun! hehe!

but kung ako, syempre it's a NO for me.. simply because i have high regards in marriage and i dont see the point bakit kailangan pang itest ang isang relasyon eh habang buhay naman kayo itetest ng challenges e :)

PERO.. for people na kilala ko na ginagawa ito, ok lang :) kung yun ang gusto nila at sa tingin nilang ok eh di go lang diba.. hindi ko man naiintindhan ang reasons nila pero i respect their choices in life. iba iba kasi ang tao.

charmedwitch776

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 281
    • personal blog entertainment
Re: live-in or not?
« Reply #101 on: July 27, 2012, 11:06:42 pm »
I think living together depend sa inyo ng partners nyo.

Sa ngayon kasi kabikabilaan ang hiwalayan parang mas okay na live-in muna to test the water kasi super iba na kasi when you're in same roof together 24/7 at super comfortable na sa isa't isa. Pag wala nang hang-up and limitation at wala na hiya to each other we tend to slip to our real self na minsan syempre pag boyfriend/girlfriend palang eh hindi natin napapakita yun buong buo na tayo. Syempre kasama nadin dun yun exposing everything about us diba ;)

pero point of view ko lang naman hehe
Reach for the star.
Charmedwitch

goddessjem

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 438
Re: live-in or not?
« Reply #102 on: August 10, 2012, 09:57:52 pm »
tie the knot muna. mas maganda ng yung katabi mo sa gabi gabi ay may basbas...

phatgirl

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 186
Re: live-in or not?
« Reply #103 on: November 27, 2012, 10:33:37 pm »
pwede humingi ng advice..ako kasi kami ng husband ko--yun na ang turing ko sa kanya kahit live-in lang kami--6 years na kami na magkasama as in simula nung naging mag bf/gf kami.tapos live-in kami ng 4 years hanggang ngayon..ok na ok naman kami.wala namn problema na may nang babae,inom ng inom,may textmates..sa ganun wala problema..sa family naman ng asawa ko,wala rin naman..kahit na minsan alam ko may inis kami sa isa't-isa,ok pa rin naman.tanggap naman ng family ni hubby na live-in kami..sa family ko ok lang kasi sila naman ang may pagkukulang kaya ako umalis sa amin..

sorry mahaba yung kwento ko pero sana pakinggan niyo :) kasi okay na okay naman.matagal ko ng gusto na sana dumating yung araw na mag propose sa akin partner ko..wala nangyayari na ganon..dati nung wala pa kaming baby,pero live-in na kami,pag binabanggit ko sa kanya na kailan kami magpapakasal,lagi sinasabi na "next year"or after 4 year,naka year 2012 na,pang 4 years as live-in partner may anak na kami na 2 yrs old,wala naman proposal.so nung mga time na di pa ko buntis,may time na nalulungkot ako kasi iniisip ko di yata ako papakasalan ng partner ko..hanggang sa nabuntis ako.ngayon mag 2 yrs old na panganay namin sa february.

sabi ng parents niya ikasal na kami bago ako manganak noon,ayaw ko ng ganun kasi di maganda yung ikakasal kasi buntis..para sa akin lang naman yon ha..tapos ayaw rin ng partner ko na ang gagastos family niya,ako rin ayoko,,kasi utang na loob pa namin yun sa kanila..isa pang dahilan,yung mga na-invest kasi namin na gamit,puro mamahalin,kaya parang nasanay na partner ko na lahat ng bagay na paghahandaan,mamahalin or kakaiba daw..sabi ko naman sa kanya pagdating sa kasal kahit civil ok naman sa akin,kasi wala naman ako masyado invite na friends.konti lang family ko..okay naman raw sa kanya..so ayun fast forward natin,,nito lang mga ilang weeks na dumaan,nababanggit ko sa partner ko na kailan kaya kami papa kasal,,sasabihin naman niya pag may pera na.lagi naman ganun.kung gusto niya pwede naman niya pag iponan.di naman kami mayaman or mahirap,pero may pera siya.kasi may sideline rin siya minsan.saka sana kahit man lang engagement ring kung gusto niya ako pakasalan bibigyan niya ako.yun lang okay na ako,mapatunayan ko na may balak nga siya..

ang isasagot naman niya wag ko hintayin para ma surprise ako..ilang taon na rin kasi ako naghihintay,di ko naman sinasabi sa kanya.hanggang kailan ba ako maghihintay.may anak na kami.pwede naman niya pag iponan.pag gusto may paraan naman eh.tapos sasabhin niya gusto niya bongga.wala naman ako pakialam kung bongga o hindi,di importante yon.palagi na lang pera yung dahilan pag tatanungin siya tungkol sa kasal na yan..sabi ko sa kanya minsan na 26 yrs old na ako,27 yrs old siya,may anak kami na mag 2 taon na..sabi ko sa kanya di ako aabot ng 30 yrs old na ganito live-in lang.syempre nahihiya rin ako.di naman ganito parents ko na nag live-in rin para maging ganito akoyung 6 years na magkakilala kami,4 na taon dun live-in kami,parang di ko naman alam kung may patutunguhan na kasal.kahit na okay na okay kami,di ako mag se=settle sa ganito lang na di kasal,lahat ng babae pangarap yon.puro pera kasi iniisip niya.bonggang kasal,ni hindi mo naman makita na gustong pag iponan..kaya parang naramdaman ko na kahit dumating yung time na mag propose siya,parang kahit wag na..kasi ako na yung nagsasawa kaka hintay.

ayka

  • independent , social butterfly & a
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 386
Re: live-in or not?
« Reply #104 on: November 28, 2012, 06:27:10 am »
definitely a no-no for me.
happy girls are the prettiest girls! ♥♥♥

Kady_14

  • Nanay ni Abudayday at Kutchikoy!
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1216
Re: live-in or not?
« Reply #105 on: November 28, 2012, 06:37:22 am »
^^ Mahirap talaga makipag-live in, usually ganyan ang kinakahinatnan, yung parang bakit pa papakasal eh ok naman na tayo.

Sabihin mo sa partner mo "Gusto ko ikasal tayo" hindi yung "Kelan tayo papakasal?" (Gets?) He must realize that this is what you want, you are not asking for his approval.

Hindi pwedeng kapag may pera na, kasi yan. Kung nasa plano, pinaghahandaan, pinag iipunan.

Nasa sa inyo yan ng partner mo sis, kung mahal ka nya talaga, ang anak nyo and alam nyang gusto mo yan and para na din sa baby nyo gagawan nya yan ng paraan.

Binasa ko ang post mo and palagay ko, hindi mo masabi sa kanya ang gusto mo.

phatgirl

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 186
Re: live-in or not?
« Reply #106 on: November 28, 2012, 01:12:23 pm »
^mahirap nga sabihin.kasi baka isipin namimilit ako.alam namin namin na pareho namin gusto yon.pero bakit kailangan pa kasi papatagalin pa.parang sakin lang kasi,ano bang paghahandaan masyado?di ka naman artista o popular na tao para paghandaan mo.minsan sinabi rin niya kasi na kasi raw yung family ko.sabi ko nga ano meron sa family ko?kasi nga raw di naman ako masyado ok sa family ko.sa family ko kasi lumayo rin ako,naging independent ako,hanggang sa nakilala ko siya nung may work na ko tapos pinag stop na niya ko sa trabaho dahil nagsama na kami..

kahit naman sa family ko ganun may problema,di naman niya kailangan isipin dahil ako naman ang pakikisamahan niya,di namn sila..siguro nahihiya rin siya sa parents na na makita na ganun yung family ko na di kami ok.pero alam rin naman ng family niya na di ako masyado close sa family ko.wala naman sila sinasabi..minsan nakaka frustrate rin kasi parang naiisip ko bakit ganon,ang mahal nga magbuntis,magpalaki ng bata.pero yung kasal di mapaghandaan.minsan nga pag naiinis ako pag kami lang ng anak ko dito sa bahay,naiisip ko pag umabot ako ng 28 to 30 yrs old na ganyan,iiwan ko talaga siya,isasama ko anak ko.kasi kung ganyan siya ayoko.kaya nga tama siya di siya yung tao na mahilig mangako,kasi baka nga wala siyang kayang tuparin..kaya ngayon ako,nahihiya ako sa sarili ko,sa ibang tao nahihiya rin ako minsan lalo na sa mga kilala namin.importante rin sa akin yung sasabhin nila.syempre mas masarap rin yung magsama kayo as totoong mag asawa,mas lalong masaya.mas papasok ang swerte..di kasi ganun eh.pag may pera siya,ang lagi pumapasok sa isip niya mag resign sa office niya,magpayaman,mag travel kami.wala nabanggit na magpapakasal kami.parang yun yung laging huli na ipa-prioritize niya.

Kady_14

  • Nanay ni Abudayday at Kutchikoy!
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1216
Re: live-in or not?
« Reply #107 on: November 28, 2012, 03:38:21 pm »
^ sorry ha, pero i don't buy the "kasi hindi ka ok sa pamilya mo" wala na sya paki dun dahil ikaw naman ang papakasalan nya and sabi mo nga nasa tamang edad na kayo so kahit saang simbahan eh legal na kayong ikakasal.

i wish you find peace and serenity sis, alam mo ko na alam mo ang sagot sa sarili mong mga tanung. minsan ngbubulag bulagan lang tayo sa mga bagay na ayaw natin marinig.  :-\

phatgirl

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 186
Re: live-in or not?
« Reply #108 on: November 28, 2012, 04:10:04 pm »
oo nga sis,ang daming alibi.naintindihan ko naman baka di pa siya ganun ka-ready.ayoko na nga lang i-open sa kanya ulit kasi sasabhin na naman niya maghintay ako.ayokong lumabas na naghahabol sa kasal-kasal.gusto ko lang maging official kami as husband and wife.kasi kahit sa kanila dati sabi nung isang bilas ko sa mommy ng partner ko na dapat pa-kasal na kami,ang sagot ng  mommy ni partner ko,baka raw ayaw ng anak niya magpa kasal kaya walang balak.masakit rin kasi na ganun yung naiisip nila.malay ko ba kung iniisip nila na baka ayaw rin sa akin ng anak nila.ewan ko.nakaka depress,nakaka frustrate..gusto ko  na nga lang ilipat sa ibang bagay yung isip ko.kasi nalulungkot lang ako eh.totoo lang itong dadating na pasko parang ayoko makisama sa kanila,sa family niya.mabait naman sila sa akin.pero parang gusto ko rin muna sa pamilya ko,ano naman sa akin kung di kasing bongga ng handa sa kanila,walang exchange gifts,walang pera.okay lang yon.kaysa naman makikisama ka sa kanila tapos feeling mo ikaw yung naiiba don.lahat dun mga mag asawa talaga,magpa-pamilya.tapos ako ganun lang.kung di pa kami magka anak,di naman sila ganyan na mas babait pa sa akin eh.kung di lang dahil sa anak namin,baka nga kahit wag na nila ako makita okay lang.ganun naman sa kanila eh.

latte

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 49
  • moving on
Re: live-in or not?
« Reply #109 on: November 28, 2012, 04:55:30 pm »
I came from a very conservative family kaya yung upbringing ko pagdating sa mga ganyang bagay masyadong closed. Live in is not allowed in our family. I grew up believing na dapat ikasal, na yun ang kailangan at nararapat. So nung magka bf ako at the age of 30++++, with a separated man pinanindigan ko na kailangan nyang maannul para makasal kami otherwise hindi kami puedeng magsama.  So nagpursige sya na ma annul ang kasal nya, ako yung nag ayos sya ang nagbayad tapos nagpakasal kami. After 3 months of being married may malaking gulo na, verbally/emo abusive sya, ang sakit magsalita, konting bagay galit na galit agad sya sa akin tapos lagi sya nang te threat na maghiwalay na kami. At first nakikiusap ako to give it a chance pa kahit alam ko sa sarili ko na wala naman akong kasalanan, laging ako ang nagpapakumbaba kahit hindi ako ang nagsimula ng away namin. I woke up one morning naisip ko bakit ko ba pahihirapan ang sarili ko sa taong ito na dahil lang sa KASAL kami??? If he does'nt know the meaning of respect I don't i have to suffer all my life just because we are married... so I have decided to separate. Then naghabol naman sya and asked for forgiveness, i gave him another chance pero after couple of months ganun na naman. So in short nakipaghiwalay na ko ng tuluyan.

ANO ANG NATUTUNAN KO? MARRIAGE is just a piece of paper sa dalawang taong hindi talaga meant to last. Marriage will not bind and is not a guarantee na magtatagal ang pagsasama ng dalawang tao. LIVE IN FOR ME NOW IS BETTER, to try if it's feasible. It's a way to see talaga kung ano ang ugali, at real intention ng bawat isa.  Akala ko noon kapag live in ang dalawang tao parang nag te take advantage ang guy dahil since nakukuha nya na lahat what for na magpakasal pa BUT now I believe  na when a guy really felt that true love sya mismo ang gagawa ng way para pakasalan ang babae kahit pa nakukuha nya na lahat from the girl. Kasi he knows na he could'nt afford to loose this person.  So he will surely do everything to lock the relationship. And the good thing for the ladies naman if nakita nya ang mga ugali na unacceptable she can say NO and not accept the marriage proposal.
« Last Edit: November 28, 2012, 05:14:52 pm by latte »

phatgirl

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 186
Re: live-in or not?
« Reply #110 on: November 28, 2012, 07:09:43 pm »
ewan ko ba.bahala siya kung ayaw niya o kung mag propose siya pag mamamatay na ko.gusto ko ng ilipat sa ibang bagay yung isip ko.naka set na ang utak ko na early next year mag aaral uli ako,mag culinary na lang ako,nag inquire na rin ako.siguro kailangan ko rin ng fresh air at makihalubilo sa ibang tao para di ko masyadong isipin yang kasal na ayaw niya ibigay.sabi ko naman sa sarili ko okay fine kung ayaw niya magpakasal wag,siya magsisisi hindi ako.pagsisihan niya na dadating yung time na mag propose siya,at ako na ang may ayaw.kasi parang nasasawa na ko.kung meron siyang reservations bahala siya.


yonamarie

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 36
  • Student Nurse. Mom. Future MD. FOREVER YOUNG :)
Re: live-in or not?
« Reply #111 on: November 30, 2012, 11:32:58 pm »
I voted for the "ok lang" choice kasi part of it would benefit the two persons pero if i'm not in the situation, i'd say no. I've been living with my bf for 8 months now. Reason is because we have a baby at an early age. I choose to be with him since mas malapit sa school yung bahay nila and mas easy access sa hospital in case of emergency. Para na rin, maalagaan namin pareho si baby.
So far, so good naman. pero sometimes, may mga di kami pagkakaintindihan. and sometimes I feel like a "border". Wala lang. I can't help it but sometimes, parang feeling "nakikitira" lang ako. Yung tipong, i cannot do all things. Mahirap din, lalo na't di ako mayari nung bahay. Sad lang din, whenever I miss my parents. I just hope things will get better eventually and sana magpropose na!!! :) hihi

 

ADVERTISEMENT
follow us
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
Featured Articles
Stay All Day: Easy Tips for Keeping Your Makeup in Place
The girls at Cosmo.ph offer these helpful tricks!
The Great Gadget Face-Off: Tablets vs. Notebooks vs. Tablet-Notebooks
Get the lowdown on these three popular gadgets and find out which one suits your taste the best.
5 Things You Should Know about Tapas
Learn more about these bite-sized snacks that are usually paired with drinks.
To Lend or Not to Lend: When Friends Borrow Money
What's your stand on lending money to your friends?
The Fast and the Furious: 3 Tips for Quickie Newbies
Sometimes, you just have to let your inhibitions go.
DMCI DMCI