dahil napunta sya sa inyo ng super bata, hindi ko isusuggest na paliguan na agad sya kasi dagdag stress ang paliligo, ngayon pa na biglang naiba sya ng environment at a very young age. wait ka na lang sis na mag2months sya or 2 1/2mos, better yet at 3mos, tapos warm water ang gamitin, handa ka na rin ng blower para mabilis matuyo. kelan yung vaccines nya? 1 week na walang ligo after bakuna. Punasan mo na lang muna sya ngayon tapos tuyuin mabuti para di ginawin. Pwede rin gawing dry shampoo ang cornstarch + bakingsoda, mix mo lang tapos apply mo sa katawan nya, rub mo mabuti ng cloth para matanggal ang oils and dirt, pwede rin suklayan para maalis yung powder.