Hi again mga sis. Yung son ko 22 months old na pero hindi parin sya nakakalagpas ng 5 oz per feeding pero every 4-5 hours sya nagmi-milk. Kahit sa gabi pag tulog sya, kelangan parin nya dumede mga twice or thrice. Nido Jr ang milk nya ngayon. Ang hina kumain ng solids. Ang vitamins nya Cherifer and Pedzinc. I asked his pedia kung pwede ba ichange vitamins nya to something na appetite stimulant, wag na daw kasi ok naman daw weight gain ni baby. Ang problema eh yung height so OK ang Cherifer.
Ang favorite ng anak ko e Sinigang na Baboy, ang hilig nya papakin ang sitaw. Hindi naman pwedeng yun lagi diba?? Hehe. Lahat na ata ng ulam na masabaw, yun lagi ang niluluto ko, paulit ulit lang kasi mahilig sya sa sabaw. Kaso may mga araw talagang hindi nya feel kumain. Dalawa o tatlong subo lang ayaw na. Kaya pagkaganun, tinatry namin maya't maya pakain.
Naiisip ko na nga magpalit ulit ng milk. Galing na kasi kami sa Promil at GPA, pareho nyang pinagsawaan. Pinag try ko sya ng Lactum, hindi nya type. Siguro natatabangan. Subukan ko ipa-try ng Enfagrow kaso parang katulad din ata ng Lactum ang timpla nun. Hindi pa ako pwede mag fresh milk kasi wala pa kami ref, masisira agad yung milk, sayang naman.