single mom here

the very 1st moment n nalaman ko na preggy ako ininform ko agad si bf.at 1st ok sya, sinasamahan nya ko sa ob and when we found out that i'm at the high risk pregnancy, i decided, and he agreed, na umuwe ako sa province namin while he's finding a way to inform his parents tsaka pinsan ko lang kasama ko sa apartment kaya mahirap talaga for me. and when i'm already here na nagpalokoloko na, tapos saka sinabi sakin na di pa sya ready maging family guy. imagine ako pa mismo nagsabi sa mom nya over the phone na preggy ako. akala ko magiging ok lahat but when dad asked them to come over just to talk at para kahit papano may makita naman yung mga kapitbahay namin kung sino ang daddy naku dami na nila dahilan, kesyo walang magaasikaso ng business, blah blah. i tried to understand them, muka naman kasing kapanipaniwala dahilan nila until sabihin sakin ng mommy nya na "bata ka pa naman makakahanap ka pa ng iba. hindi lang naman ikaw ang nagkaganyan" she even said "sana sinabi nyo agad sakin ni _____ nung maliit pa yan para nagawan ng paraan, may tita syang head nurse sa pampanga" ( parang gusto nya ipaabort? ). OMG napatahimik talaga ako, di ko inexpect yung ganung words sa isang ina. that made me decide to let myself be a single mom. sabi pa nila kung gusto ko raw talaga tatanggapin naman nila ako punta na lang raw ako manila at susunduin nila ako punta sa bahay nila. tama ba naman yun e alam nilang buntis ako tapos ako pa talaga uutusan nila. nung sinabi ko na ayoko, ayun di na sila nagparamdam.
nung nanganak ako ininform ko dad ng baby ko kasi pre-term baby sya, grabe hanggang text lang nagawa nya. di man lang tumawag kahit na alam nyang nakaincubate yung baby namin. tapos nung nalaman nya na almost ok na si baby namissing in action na naman.
ang pinakanakakaloka todo post pa sya ngayon sa fb ng pictures nila ng gf nya, which i found out pangalawang gf na nya simula nung nabuntis ako. hayyyy ang kati nya wagas ang pagkahipon

di ko sya inaunfriend, gusto kong makita nya yung greatest blessing na tinanggihan nya

at first it was really very difficult, and yung mga tanong at mga chismis ng mga chismosang walang kwenta make it harder pa. pero aminin natin mga mommy mas namomotivate (sa lahat ng bagay) tayo because of our babies

BTW 3 months na ang baby z ko and i'm happy, my family's happy. super spoiled sya ng dad ko
