hi sis marsie, iba-iba kasi ang rate ng driving schools. ang pinaka mahal eh yun sa 'karwa'. regarding naman sa rate, iba-iba din, meron 1 week lang (yun tinatawag nilang refresher course, usually yun mga may license na sa pinas eto ang ine enroll nila or yun mga natapos yun full course tapos bumagsak sa lahat ng test). meron din 2 weeks lang, at yun full course syempre which is 5ohrs. pero di ka na aabot dyan kung sa 1st test mo eh pasado ka na. kung madaling pumasa ang babae? hmmm..kasi yun isang ka officemate ko, nag full course sya sa karwa pero bumagsak sya sa lahat ng exam, kaya nagpahinga muna sya ng 2 weeks tapos nag enroll ulit ng 1 week, ayun pumasa na sya. yun sister ko naman sa ibang driving school nag enroll, malapit lang sa airport (i forgot the name) yun unang exam nya bagsak sya, yun pangalawa pumasa naman na sya. so depende yun sa police na magpapa exam sau.
yun sa license naman ng hubby mo, ang alam ko basta may license ka within sa GCC na hindi pa expired eh pwede mong ipa convert sa qatar, babayaran mo lang yun id. ganon kasi yun sa 2 officemate ko na galing ng saudi. si hubby ko naman may license sa pinas, ang advise nung sa office namin mag take sya ng exam kahit di na mag enroll kasi allowed ka ng 1 exam basta may license ka na di expired ha. kaya lang di nag take ng exam hubby ko, nag enroll pa din sya nung 2 weeks kasi medyo alanganin sya sa mga roundabout. ayun naka 2 take sya bago pumasa.

base lang ito sa mga experience ng mga ka officemate ko at ng hubby ko ha. baka yun ibang sis natin may mai share pa.
