just got back from the sale. true, nakakaloka ang pila. we were in line around 9:30ish, haba na ng pila nun. tapos may separate pila for BPI and nonBPI card holder. since may BPI cards kami, we did not pay the 50 bucks entrance na. may 4 sections- men, women, kids, and unisex. ang style eh, parang drug store. may table na nagseseparate sa staff at sa customer tapos you tell the staff what size and style you want. ang kaso, sa sobra dami ng tao, lalo na sa women section, nagkakagulo na. di din kasi maayos system nila. kulang yung staff na nag-aasikaso per customer. mas better pa siguro if they place all shoes by sizes, isang part puro size 4, the other size 5, etc and let the customer go kung san size sya. or place them by style, isang side puro cleo, isang side puro prima, etc and again, let the customer go kung anog type nya. eh since hindi ganun ang ginawa nila, ang daming tao na nakikisiksikan para marating yung unahan at mabigay yung order nila sa staff. in the end, naisip din ng event coordinator na nas better if they let the customer choose their own shoes and find their own sizes. wala nang harang na table. yung 1 staff nga feeling ko iiyak na sa sobrang di nya alam kung pano mag crowd control. siguro inisip nila kasi na mas organize kung yung staff yung maghahanap ng shoes for the customer. pero kung iisipin mo, parang mas better if you allow the customer na siya maghanap at magsukat at maghanap ng gusto nya. trait na yata talaga yan ng girls kasi pansin ko dun sa men, unisex and kids, parang ok lang sa kanila to wait for the staff to their their shoes. we got out past 12 na siguro, with two shopping bags! haha sayang nga walang malindi pero satisfied na din ako sa binili namin.

pahabol. isa din kainis yung staff na nakaassign sa women section. may isa silang staff or maybe medyo mas mataas na position, nakikita na nga niya na nagkakagulo na, nakatayo lang sya dun. tapos when we asked for a shoe, sabi ba naman nya, di daw nya trabaho yun. parang hello? undermanned na nga sila, wala pa syang gagawin. di naman siguro mababawasan ang "power" nya kung kukuha sya ng "order" ng customer. saka, pag sale or any other event, everybody should step up, regardless of position. andun lang sya, nakatayo, in front of customers. sana tumabi na lang sya. grabe talaga the experience. di magaling ang event management. hopefully, for people who will go tomorrow, mas maayos na.