Made a reservation for a 1.8-engine Elantra with 3 dealers last February pa; purchase order ang payment (good as cash). Until now, wala pa rin. Puro paasa lang na kesyo ako na raw ang sunod sa pila.
Then a few days ago, nabasa ko sa ElantraClub forum na pina-prioritize pala ang mga kumukuha thru in-house financing or trade-in.

Kaya naman pala never-ending ang paghihintay ko.

Nakaka-disappoint. Para kang nagmamakaawa sa kanila na magka-kotse. Komo't Car of the Year ang Elantra, sinasamantala nila ang mga interesado bumili.
So I've decided on cancelling my reservation once I get another car from this other car company. Kaninang morning lang nakausap ng husband ko 'yung dealer nung nag-walk-in siya sa showroom nila. What's good is makakapag-deliver na sila tomorrow.
I really like the Elantra, but I guess they don't want my money.
