^hi sis congrats on your puppy.
Normal naman na matakaw ang puppies. At meron talagang asong PG

but yung Alpo and other grocery brand dogfood, hindi maganda ang quality. meron kasi silang grains and by-products--which are unhealthy for dogs. At ito yung rason kung bakit nagkakaproblema most dogs sa skin, coat, poop, overall health. Grains are fillers, pampabusog lang but very little to zero nutrients ang nakukuha ng dogs kaya mapapansin mo madami ang poop. Hindi kasi naaabsorb ng katawan since they are carnivores, wala silang digestive enzymes for plant matters.
Yung stool eating pwedeng sign of malnutrition, since wala gaano nakukuhang nutrients sa Alpo, sa poop na lang kinukuha yung kulang. Cat's poop is very rich in protein, so pwedeng sa protein talaga sya kulang. Pwede ring sign of boredom, kulang sa exercise kaya yun ang napagdiskitahan or territorial reasons-may mga dogs na ayaw ng ibang scent kaya inaalis nila at baka ang way nya is through eating the poop.
I highly suggest na magpalit kayo ng brand, backread ka lang sis marami kang makukuhang info on how to spot a good brand from a bad one. Marami samin gumagamit ng Acana and Orijen, sila rin ang isusuggest ko kasi maganda ang ingredients at wala pang recall. Pero ako I add meat and veggies kahit premium dogfood ang Acana, di kasi ako kuntento sa dogfood lang. I feed homecooked meals and raw meat din kasi.
Yung stool eating, tignan nyo kung mawawala kung magpalit kayo ng brand. But since sanay na sya sa poop, mahalaga na isupervise nyong mabuti para di na ituloy ang balak nya. gawa kayo ng negative reaction pag magsniff ng poop, sigawan, tapikin, make a loud noise para maassociate nya yung negative signs sa poop. Make sure din na linisin agad ang poop para di na nya malapitan.