Get weekly updates via email!
tip of the day THU 20 JUN 13
Having trouble keeping up with your schedule at work? Don't be afraid to ask for help. It will lessen your load and give you room to
  • Good House Keeping
    It's our newlywed special!
    Check out Cheska and Doug Kramer on the cover of our June issue! Find out how to turn stress into energy, and more about the Kasambahay Law!
    Good Housekeeping
  • Real Living
    Small Spaces and Organizing
    From the A-Z of decorating to 78 small space secrets, creating the ideal hope just got easier with the June issue of Real Living.
    Real Living
GIRLTALK

Author Topic: I Hate my Mom!!!  (Read 52321 times)

harlet

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 604
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #360 on: October 15, 2012, 08:31:09 am »
sis green-aholic, good for you at nagkasundo rin kayo ng madir....kami rin ng nanay ko, ok na....kasi ikinuha ko siya ng unit malapit dito....i guess, yun lang ang solution para matahimik kami...yung magkahiwalay kami ng tirahan.....ang lakas niyang maka-stress, araw-araw....nakasimangot, di ko kaya yun, saka mabigat sa buhay....sa magkakapatid, sa kin niya lang pinapakita ang mga pagdadabog niya....pagsisimangot....pero sa bunso never....to think na ako nagme-maintain sa kanya....wala sa kin yung ang bunso paborito niya...ang sa kin lang, respeto na lang ang ibigay niya sa kin bilang anak na nag-aalaga at nagpo provide ng lahat ng kailangan niya.....

we're ok now kasi pag pumupunta ako dun sa place niya, matino ng kausap, di tulad dati, parang laging me sapi, hehe....ang problema ko, nawala na yung amor ko sa kanya....i just wish bumalik na rin yun in time....naaawa rin ako sa kanya kasi me sakit, pero pag naaalala ko yung mga ginawa niya sa kin....di ko maiwasang mainis....
When you make the biggest mistake in your life,
something good comes from it.......

biancaBien

  • Newbie
  • *
  • Posts: 10
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #361 on: October 25, 2012, 08:43:24 pm »
Nakakarelate ako dito,kakaaway lang namin ng mama ko ngayon,bwisit na bwisit na naman ako!!!!kala mo ibang tao kung maningil ng utang sa amin!!mabuti pa sa ibang tao na lang ako nangutang kesa sa kanya kasi pag ibang tao kahit Singilin
Ka hindi nakakasama ng loob to think na alam naman niyang kakalabas lang ng ospital ng anak ko hindi marunong umintindi tapos sasabihin pa gusto daw lagi kami iniintindi!!!
Sumbatera pa!!!lahat ng naitulong sa amin isusumbat!!!kung ano ano pa sinabi sa kin walangya daw akong anak!walang utang na loob daw ako!eh siya???[textspeak!] mga pangiistorbo niya sa amin twing magpapasama siya sa kung saan saan???di niya iniisip na kailangan magpahinga asawa ko galing sa trabaho tapos pag di mo siya sinamahan magagalit siya???!!!!bwisit talaga!!!!galit na galit talaga ko sa kanya!wala na kong nagawang tama lagi na lang ako maldita lagi ako madama kahit na ako lang naman talaga katulong niya kahit anong problema!!!walan siyang kwentang lola ng mga anak ko!hindi niya mabantayan kesyo di niya kaya kunsumisyon daw at di siya makagawa pag iiwanan dun mga apo niya kaya never kami umalis ni hubby na si kasama [textspeak!] mga kids naman kasi pag iniwan mo sa kanya di pa kami nakakalabas ng gate nagrereklamo na siya!!!!nakakainggit ibang lola halos gusto tumira sa kanila mga apo niya pero siya wala siyang ka amor amor sa mga apo niya,tapos pag magkaaway kami magiinarte!!!kesyo isusugod sa ospital eh arte niya lang naman yun!!!plastik siya kunyari miss niya mga apo niya pag di ko dinadala sa kanila pag magkaaway kami eh ni hindi nga niya maalagaan mga apo niya!sorry mga sis pero talagang yan ang nararamdaman ko sa kanya ngayon!

Purple_Power

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1663
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #362 on: October 26, 2012, 07:11:33 pm »
^It irritates me hearing from parents na sabihan ka walang utang na loob. In my case hindi naman Mom ko but my dad. Pero duhhh!!!! Utang na loob? Nanghihingi ng kapalit sa pagiging magulang? Kung may consideration pa nga siya hindi na nga siya dapat naniningil lalo na kung pang ospital pinag-uusapan. Hindi naman luho yan eh! buhay na ng tao pinag-uusapan.

green-aholic

  • Every girl needs a good guy who can help her laugh when she thinks she'll never smile again.
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 970
  • She dreamed of paradise
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #363 on: October 26, 2012, 09:35:30 pm »
sis Harlet, keep hoping na in time magiging ok din ang lahat sa inyo ng nanay mo. ako kase, hindi ko din inakala na ganito ang mangyayare dahil me sapi din nanay ko dati. naku basahin nyo mga dating post ko, kapareho nyo lang ako. :)

sa tingin ko, ang distance ang makakapagwork out ng lahat. nasa manila sila, dito lang kame sa batangas pero i think that made it na maging ok kame sa isat isa. syempre, siguro narealize ng nanay ko na nakakamiss din pala na wala kameng magkapatid sa manila kaya yun. minsan kase di din sila ok ng bro ko pero mas madalas kame. kaya yun. baka it would work for all of you too, i hope. :)
Me: gives relationship advice, yet is unable to ever have one.

annd

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 101
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #364 on: November 29, 2012, 10:22:36 pm »
sometimes i hate my mom pero it never came to a point na super hate or like hate-hate kaming dalawa. ako kasi, i have the best mom kahit alam ko na minsan, may pagkukulang sila sa akin. pero ako, naisip ko, may pagkukulang din naman ako bilang anak sa kanila at never ko sila narinig na sumbatan nila ako. ang akin lang, intindihin na lang natin sila kasi syempre, matanda na sila. at tayong mga anak, sa atin sila umaasa. ewan ko, ako, forever akong may utang na loob sa mama at papa ko. oo, may misunderstanding minsan, pero at the end of the day, bali-baligtarin mo man ang mundo, magulang mo sila. nanay mo yan. :) ako, kung bibigyan lang ako ng choice, gusto ko na lang magresign sa work ko at alagaan na lang sila. sabi ko nga, kahit hindi na ako makapag-asawa, aalagaan ko na lang sila. pero sabi nila sakin, malakas pa sila at kaya pa nila mga sarili nila. by the way, middle child ako. 2 girls and 1 boy. lagi sinasabi nung mga kapatid ko, ako ang paborito, pero ako minsan, feel ko, mas paborito sila. pero ako, na-appreciate ko yung bigla na lang sila mag-iiwan ng pera sa pinsan ko kasi baka nagkukulang daw ako sa pang-gastos ko. pero hindi naman ako humihingi. yung binibilhan ako ng mga accessories. nakakatouch lang kasi yung mga ganung kaliit na bagay, naalala nila ako. yun lang mga sis, medyo off topic na ako. haha pero ang akin lang, sumunod tayo sa 10 commandments. love your parents. :)

Priceless

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 266
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #365 on: November 30, 2012, 02:17:51 pm »
Based on what I've  read so far, let me summarize what I think the perfect MOTHER/FATHER/PARENT would be:

1. Agree sa lahat ng gusto natin; dapat pabor sa lahat ng desisyon natin, boto sa boyfriend/asawa/partner. Walang nang masyadong tanong tanong tungkol sa background nung tao.
2. Bend backwards to make things happen. Mangutang, mangholdap, magtrabaho 24x7 para may maiprovide basics pati narin ang luxuries sa buhay o kahit ano mang gustuhin o kailanganin natin
3. Dapat walang favoritism, or kung meron man, dapat tayo ang favorite.
4. Dapat walang expectation for us to do well or succeed in life. Or kung meron man, dapat mababaw lang para madaling tuparin.
5. Dapat may bahay or ari-arian na ibibigay sa atin. Libreng tira sa bahay, including all the amenities (kuryente, tubig, internet, aircon, maid); Car na parating puno ng gas (driver is optional). Kung may asawa man tayo, libre pa rin ang patira sa bahay including amenities - they should accommodate and give us the best room in the house and be welcoming to the husband and any kids.
6. Kung kailangan natin ng pera, at gipit tayo, dapat willing silang magbigay or magpautang. Kung pautang dapat kung kelan lang natin kayang bayaran ang utang. At dapat walang interest. Dapat walang tanong tanong kung saan gagamitin ang pera or kelan magbabayad. Dapat open line of credit.
7. 24x7 on call to be maid/yaya/driver/nursemaid for our children. Tutal mga apo naman nila yun. Walang reklamo dapat na matanda, may sakit sila at dapat wala silang ibang plano sa schedule nila or wala silang ibang pinagkakaabalahan which will make them unavailable for baby sitting duty.
8. Automatic na ang apo nila ang pinaka behaved, pinaka cute, pinaka mabait na bata sa mundo. Sila ang lolo/lola kaya dapat wala silang ibang emosyon or opinyon tungkol sa bata kungdi adoration and love. Pero kahit ano pa man yang emotion or opinyon nila, dapat isikreto nalang nila muna or worst case scenario, ipaalam muna nila sa atin kung okay lang ba yung emotion or opinion nila.
8. Wala silang karapatang magdisiplina or magturo ng kahit ano sa apo nila. Everything needs to be reviewed and approved first by the parents.
9. Dapat wala silang sakit o ano mang daing sa buhay nila. Mas nakakatanda sila sa atin so dapat pinagipunan nila ang sarili nilang pangangailangan sa buhay (pati na rin ang buhay natin kasi nga mga anak tayo at kanino pa tayo dedepende kungdi sa mga magulang).
10. Kahit na anumang kapalpakan o pagkakamali ang nagawa natin sa buhay natin, dapat tanggapin nalang nila at wag silang magsasalita ng anumang makakadagdag pa sa stress natin. Ang responsibilidad lang nila ay makinig.
11. Maging masaya sila para sa atin kung masaya tayo. Kung may problema man tayo or hindi magandang nangyayari sa buhay natin, dapat ready silang makinig at magsolve ng problema natin. Kung hindi nila masolve ang problema natin, shut up nalang sila. Pero that doesn't mean na hindi na tayo pwedeng mag labas ng problema/hinanakit/sama ng loob sa kanila. Kumbaga, dapat maging emotional receptacle sila.

Siguro someday may makakaimbento na "Mommy/Daddy" Tomagochi toy na meron ng above qualities.

monbla

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 216
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #366 on: November 30, 2012, 03:15:10 pm »
Don't blame people for hating their mothers.

There's no such thing as maternal "instinct" and bad mothers do exist. Only morons think they don't.

Yung mga taong may hinanakit sa parents nila, the last thing they need is for people to shame them for harboring hinanakit. You don't know them. Their parents are not yours, nor a reflection of your own motherhood. They are not attacking all mothers, just theirs, so don't take offense and don't invalidate their feelings.

It's not all as simple as just love OR hate. These are not mutually exclusive feelings.

Priceless

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 266
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #367 on: November 30, 2012, 03:22:40 pm »
I'm not blaming or passing judgement to people who hate their parents. I know some really bad parents and I know a lot of really bad children. I do not claim to have perfect parents, I am not a perfect mother, nor a perfect child and I do not expect a perfect child as well.

My point is that sometimes we are very critical of our parents but do not take stock of our own failings as children/people/human beings.

miss_o

  • Stay beautiful!
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 203
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #368 on: November 30, 2012, 04:08:21 pm »
Don't blame people for hating their mothers.

There's no such thing as maternal "instinct" and bad mothers do exist. Only morons think they don't.

Yung mga taong may hinanakit sa parents nila, the last thing they need is for people to shame them for harboring hinanakit. You don't know them. Their parents are not yours, nor a reflection of your own motherhood. They are not attacking all mothers, just theirs, so don't take offense and don't invalidate their feelings.

It's not all as simple as just love OR hate. These are not mutually exclusive feelings.


very well said sis.. atleast dito nailalabas ang sama ng loob sa mga magulang natin esp for people na walang mapagsabihan ng sama ng loob nila.. kaya dito na lang nasasabi kung ano man sama ng loob sa kanila..
I am what I am!

hisana

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 715
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #369 on: November 30, 2012, 04:23:34 pm »

Monbla and miss_o, I couldn't have said it better myself.
"I think I'm paranoid."

Purple_Power

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1663
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #370 on: December 01, 2012, 11:21:40 am »
This is my ideal mother to me or I believe she should be like this  ;D

1. Be a mother to your child not a boss that you are going to dictate everything that your child must be like this and like that.

2. She should not have favoritism, or else dyan magsisimula ang gulo sa pamilya lalo na sa magkakapatid hanggang sa magkakaroon na ng malaking gap.

3. She should be the one who will influence more about moral values and right conduct, hindi lang advises. bale wala ang advise kung ikaw mismo ang nakikitaan niya na walang credibility. In other terms mas nakakahiya siya. If you're objective as a mother is palakihin ng maayos ang anak mo then you yourself as a mother ay dapat maging maayos rin and give your child proper treatment. Para hindi maligaw ang landas.   

4. As a parent she is really obliged to give responsibilities to her children especially in basic needs like food, shelter, and education.

5. Huwag ipamukha sa anak ang pagpapakahirap niya sa trabaho lalo na kung nag-aaral ng mabuti ang anak.

6. Huwag magreklamo kapag humihingi ng gastos ang anak for the school projects. Gusto mo siyang maging educated diba? At lalong gusto mo rin siyang makatapos? Ganun talaga kasama yan sa pag-aaral niya ang school project.

7. Educate and explain the importance of education especially when it comes of learning in school. Huwag siyang i-pressure na mag-aral para lang makakuha ng high grades tapos para lang maging first honor siya. Competitive rin ang pag-aaral paano kung natural born genius ang classmate niya na kaya niyang maging 100 ang grade sa lahat ng subject kahit hindi siya nag-aaral? Worst case I won't be surprise na makakaramdam ng insecurity ang anak instead of being happy sa achievement ng ibang tao and appreciate ang kakayahan ng iba.

8. Discipline the child in proper way kapag may ginawang pagkakamali.

9. Listen to the problems and explanation of their child and avoid arguing. If you keep on arguing as a mother there will be a point na maglilihim na lang ang anak mo. 

10. Avoid expectations dahil kadalasan dito nagkakaroon ng challenge at may mga dahilan kung bakit meron ibang expectations na hindi natutupad. You will end up disappointed lang kapag nag expect ka nang husto.

11. You must be a mother who is supposed to defend and protect your child especially when someone is putting down to them that at times it might affect the child's self esteem and dignity. If a father or your husband is being rude to your children then you must defend them. I won't be surprise kung ikaw mismo as mother ang magsusuffer sa ibang ugali ng asawa mo. Kasi bumabalik lang yan eh! Kailangan ka ng anak mo pero ikaw wala kang nagawa?  ???

12. Understand the feelings of your own child. Kung ma-heart broken dapat damayan mo siya. Huwag parating sisisihin sa mga pagkakamali niya.

13. Huwag siyang pagbalingan ng galit mo sa ibang tao.

14. Yes! you must really save for your retirement. Huwag mong singilin ang anak mo sa mga obligasyon na ginawa mo sa kanya. You have the right to ask help from your child but don't obliged them to help you. Sino ba ang nagdesisyon na mag-exist siya sa mundo in the first place? Kapag sinigil mo siya then parang lang siyang naging bayad utang na literal.

15.  Supportive to the career and decisions of the child.

16. Referring to #3 as a parent you must influence and give respect to your child. You should earn it from your child and not just teaching the child. Paano niya malalaman ang kahulugan ng respeto kung ikaw parati mong binabastos ang anak mo?

Remember kung ano ang ginagawa ng mas nakatatanda ang siyang magiging tama sa mata ng bata.

I am not expecting my mother to be...........

1. Magbigay ng luho sa mga anak
2. ipag-aral sa mamahaling eskwela
3. maging dependent sa kanila all the time hanggang sa pagtanda.
4. paburan at kunsintihin ang pagkakamali ng anak
5. spoiled ang mga apo
6. hindi dinidisiplina ang anak.
7. perfect parents.
8. maging mayaman sila bago pa tayo nag exist sa mundo.


ayami

  • happily married and a
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2098
  • 愛してる、ハ二ー!とても大好きよ。
    • Memoirs of my Friendster Blog :)
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #371 on: December 01, 2012, 12:20:28 pm »
^ very well said! :) super agree.

annd

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 101
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #372 on: December 02, 2012, 03:38:28 pm »
I'm not blaming or passing judgement to people who hate their parents. I know some really bad parents and I know a lot of really bad children. I do not claim to have perfect parents, I am not a perfect mother, nor a perfect child and I do not expect a perfect child as well.

My point is that sometimes we are very critical of our parents but do not take stock of our own failings as children/people/human beings.

i agree with this one. i dont have a perfect parents, meron din sila pagkukulang and as ive said before, meron din naman ako pagkukulang bilang anak. pero as much as possible, im trying my best to be the perfect daughter kasi alam ko, they are trying their best to be the perfect parents.

for me, siguro, may mga times na nakakagalitan tayo or meron mga misunderstandings, pero sa isip ko, para sa atin din yun and for us to be a better person.

just mt 2 cents.

Evo29

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 114
  • I Love you Valkyrie!
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #373 on: December 20, 2012, 03:46:09 am »
Pakiramdam ko super unappreciated ako pagdating sa nanay ko. Pakiramdam ko hindi siya proud and never enough yung mga achievements ko sa standards niya. She just recently started a small business. Sa umpisa pa lang ako na yung nag push sa kanya na gawin yun, ako yung umaattend sa mga seminars dati kapag hindi siya nakakapunta, ako yung secretary, assistant, manager, alalay, accountant, driver niya. Hindi ako nanunumbat pero kung magsalita siya para wala pa rin akong nagagawa at naitutulong sa kanya.

I don't hate her, pero hopeless na ako na mapalapit pa ang loob ko sa kanya kasi hindi man lang niya makita yung pain na na-caused niya sa akin mula pagkabata. Ngayon ko lang din narerealized na siya yung naging dahilan kung bakit may phase din sa buhay ko na sobrang baba ng kompiyansa ko sa sarili ko at nagseek ako ng approval galing sa ibang tao, kasi never akong naging secure sa pagmamahal niya.
« Last Edit: December 20, 2012, 04:04:17 am by Evo29 »
Kill them with your kindness:)

green-aholic

  • Every girl needs a good guy who can help her laugh when she thinks she'll never smile again.
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 970
  • She dreamed of paradise
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #374 on: January 03, 2013, 01:09:26 am »
Last year nagsisimula na naman nanay ko, tiis lang!!  >:(
Me: gives relationship advice, yet is unable to ever have one.

jhenpretty

  • I am now a certified..
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 992
    • NLigtas
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #375 on: January 03, 2013, 05:39:06 pm »
After more than a year, nagparamdam siya nung christmas by making a missed calls. Tapos nung new year, she sent a message, "Happy new year.."
♥ I love you. I am who I am because of you. You are every reason, every hope, and every dream I've ever had, and no matter what happens to us in the future, everyday we are together is the greatest day of my life. I will always be yours.♥

piatos

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1023
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #376 on: January 04, 2013, 10:12:55 pm »
kapatid kong bunso pala utos tapos sesegunda naman ang mama ko.  Trip nilang utusan ako lol

Shadow Angel

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 479
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #377 on: January 06, 2013, 10:50:08 am »
^ako hindi naman hate ...badtrip lang..

*un feeling na gusto nya lahat ng kita ko sa kanya... Ganun all my life nag mag start ako magwork sa knila napupunta lahat ng kita ko ako nag paaral sa sarili ko nun college pati sa 2 younger sisters ko
Ngyon iba na rin ako naghihigpit na ako ng pera pagdating sa kanya
* ako na nga nagpagawa ng house namin ang dami pang sinasabi kahat ng bilhin ko pagkain man o gamit sa house may pintas ex. Pagakain na galing sa restaurant sasabihin ano ba parang kulang sa lasa para sa akin tama lang mahilig kasi sya sa maalat
* feeling nya sya lang ang tama walang mabuting manugang sa kanya lahat may pintas sya pati bf ko walang patawad talaga
* nagrereklamo ubos lagi pagkain sa ref. ilang beses ko naman nakikitang pinamimigay  :(ang pagakain sa kapit bahay nag mamayabang lang
* inggetera ang gusto nya may anak sya nasa abroad panay ang pilit nya sa amin na mag ibang bansa
Kasi lahat ng kapatid nya petitsyon ng mga cousins ko sya na lang naiwan dito karamahin sa mga kapatid nya pabalik-balik na lang
* naiisip ko dati hindi mana lang nila ginawa ang lahat para pag aralin ako ganun kita ko kaya naman nila.. Kundi pa ako mag sariling sikap tapos kung maka demand ng pera parang sya nagpaaral sa akin
* tinulungan ko sa negosyo nila akala ko pag ok na at stable na ang business hindi na manghihingi kaso ganun pa rin puro hingi pa rin.. Nauubos ang kita kakapunta ng mall at pag kain sa labas nanlilibre pa ng kapit bahay masyadong maluho bili ng bili ng accessories palagi nasa galaan kung saan saan tapos panay ang reklamo wala na sya pera minsan kakarindi na
* tsismosa lahat na kang ng kapit bahay alam ang kwento tapos puro pintas kahit anak nya panay ang pintas nya sasabihin ang kapatid mo ganyan ganyan grabe kapatid ko yun ginaganun nya
* pati pamilya nya tsismis nya sa kapit bahay naritinig ko.
* araw araw nag mumura pati mga apo nya sinasaktan kahit ako nun bata laki sa palo kurot sampal at sabunot pero ngayon hindi na nya magagawa takot sya layasan ko sya pano nya masusunod luho nya.


Ang masasabi ko lang malapit na akong mapuno...
« Last Edit: January 06, 2013, 11:54:21 am by Shadow Angel »

freelancer_babe

  • I'm a
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1897
    • The Lady Programmer
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #378 on: January 06, 2013, 11:00:22 am »
Bati na kami ng nanay ko. We haven't spoke for years and yet live in one roof.

We argued for many petty differences.

Maybe she now realizes I'm all grown up.

Ang sarap ng feeling ngayon na bati na kami. Nabunutan ako ng tinik. We still argue but we now try to meet and resolve conflicts in the middle. Siguro kasi I'm not getting younger na rin kasi.
Catch a man a fish and you can sell it to him. Teach a man to fish and you ruin a wonderful business opportunity. (Karl Marx)

minaco_aino

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 152
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #379 on: January 22, 2013, 01:55:58 pm »
Glad I found this thread para mailabas ang inis ko... I'm trying my best not to hate my mother. Pero parang inuubos nya talaga ang pasensya ko.

Sobrang diktador at pakialamera. Daig pa si Hitler. Mas maluwag pa ang Martial Law. I'm already 30 years old for heaven's sake.

- pagtulog ko gusto nya sya masusunod. Dadating ako ng bahay around 8pm. Kakain ako. Gusto nya pagkakain ko matulog na ko agad kasi may pasok pa daw ako kinabukasan. Maryosep! Pwede magrelax muna at makipaglaro sa anak ko.  (Sa bahay kasi nila kami natutulog pag wala si hubby.  Stay in kasi si hubby sa work nya for 3 days. Yung sarili naming bahay beside lang ng bahay nila. ) Ayaw nya kami kumuha ng kasambay kasi ayaw nya ng ibang tao sa bahay.

- pagpasok ko sa opisina gusto nya sobrang aga ako pumasok. Gusto ko explain minsan ang  meaning ng OT at flexi time. di ko alam kung hindi nya alam ibig sabihin nun o ugali na talaga nya magdikta. Gusto ko sabihin na magkakaiba ang policy ng bawat kumpanya.

- pati paliligo ko gusto nya may oras. Haller!

- bawal manood ng tv sa gabi. Dapat off na pagdating ng 10pm kasi maaga pa daw bukas. Same as paggamit ng computer. Natatanong ko sa sarili ko, ilang taon na nga ulit ako?

Ms. Know-It-All.

- ayaw na ayaw kong magkwento ng mga nangyayari saken kasi hindi sya papatalo. Ang sagot nya lagi, "ako nga ganito eh, ako nga ganyan eh." O sige kayo na. Kayo na ang magaling. Hindi sya listener na nanay.

- feeling alam nya lahat. Dapat aminin nya sa sarili nya na may mga bagay na alam ko at hindi nya alam.

May favoritism.

- Kahit hindi nya aminin, nararamdaman ko na favorite nya yung pangalawa kong kapatid. Yung kapatid ko na yun marami na syang narating na lugar. Nagagawa lahat ng gusto. Nasasagot nya si Mama ng basta lang na hindi nagagalit. Etong nanay ko, nagjoke lang ako kagabi sa anak ko na, "anak gusto mong pumunta ng Baguio?" Ang sagot ba naman saken ng nanay ko, "tumigil ka nga, ang dami nyo ng napuntahan. Kami naman ng Papa mo." Jusko! Choice nyong magmukmok sa bahay. Gusto namin ng asawa ko mamasyal. Yung hindi namin naranasan dati kaya wag kayong magbitter bitteran dyan. Bakit yung anak nyong isa hindi nyo pakialamanan.

- Magboboard si sister, sya pa nagpack ng gamit. Binilan pa ng kung ano ano. Pati ko pinapatulong sa pag aayos. Excuse me, may inaasikaso po akong 2-year old na anak.

- Nasira yung kotseng ginagamit ni sister, yung hinihiram nya sa friend nya. Ayaw magcommute. Nagpaalam saken si sister na gamitin yung kotse naming magasawa. Okay samen. Sabi ko lang, gagamitin yan ng kuya mo next week ah. Ang sabi ni mudra, bakit nya gagamitin. Hmmmm... kotse namin yan, pera namin yung pinambili nyan, kami nagpapagas. Wala kayong K magtanong ng ganyan. Gagamitin namin yung kotse NAMIN kung kelan namin gusto at kung saan namin gusto pumunta. 

Naku pasensya na mga sis. Malapit na ko sumabog eh. Marami pa yan...
« Last Edit: January 22, 2013, 02:09:16 pm by minaco_aino »

 

ADVERTISEMENT
follow us
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
Featured Articles
FN Exclusive: Behind the Scenes at Doug and Chesca Garcia-Kramer's Cover Shoot for Good Housekeeping
See what happened during this lovely couple's shoot for the magazine's June 2013 issue.
Wedding Wear Decoded: How to Dress for Beach, Garden, and Hotel Weddings
Get into a celebratory mood with these chic options!
Which novel would make for a great rainy day read?
The rainy season's upon us! Stay warm and cozy indoors with a great read. Take this quiz to find out which novel suits you best.
Carolyn, Enid, and Elizabeth: the Perfect Rainy Day Companions
FN staff writer Jen shares how rainy days helped shape her childhood.
Pop of Pink: Two Fab Makeup Looks Featuring Leona Lewis x The Body Shop
We shine the spotlight on the cruelty-free products with this tutorial.
DMCI DMCI