gusto ko lang magkomento, kung madaling makabili ng bahay sa pinas bakit daming squatters? yung mga friends ko, may matatag na trabaho sa pinas pero hanggang ngayon umuupa pa rin, madalas nga kapos pa rin. kase ang sweldo sa pinas, hindi match sa standard of living. tungkol naman sa pag aaral dito walang dahilan para hindi ka makatapos, libre ang primary at secondary. pagdating sa kolehiyo, pwedeng study now pay later. hindi tulad sa pinas, makakapag aral ka lang ng libre kung scholar ka.
wala ngang karinderya dito, kase hindi kailangan dahil kaya mo naman bumili sa kahit anong klase ng resto kase ang karinderya para sa mga taong tight budget talaga. dito nga saleslady sa mga malls, naka-kotse pa.
tsk..tsk..siguro yung ibang nagsasabi ng negative, hindi pa nila naranasan mamuhay sa ibang bansa. pag andito na kayo, dun nyo malalaman, ang laki ng diperensya. oo, malaking adjustment sa umpisa pero once nakasanayan napakadali na ang lahat. napakalayo sa pinanggalingan natin. kaya nga naging first world country. sa first world country, oo mahal ang lahat pero kaya ng sahod kahit anong status mo sa buhay.