^^ at ^... marami pong nagwho-wholesale ng diapers. pero ang pinaka-sikat yata is yung sa OC cruz. sensya na sis rikki, di ko din alam exact address at contact number nila.
nung nalaman ko kasi na mas malayo pa kesa blumentritt eh di ko na inalam kung saan sila. i-figured kasi na matatalo ako sa gas o pang-taxi kung sa kanila ako kukuha.
ang technique ko is not to stick with one supplier but to always canvass kung saan na pinaka-mura. kagaya ngayon, bumalik na ako sa business na ito altho di pa talaga full-swing. naisip ko lang kumuha ulit ng a few extras to sell pagkuha ko ng diapers for use ng anak ko.
dati ke Miano ako kumukuha... me description about her yung isang sis dito.

until nakahanap ako ng mas murang supplier na pwede ko pang tawaran!
sorry, di ko ma-disclose kasi di ko din alam where dahil nanay ko ang kumukuha ng diapers. nakita lang din daw nya then nagtanong siya kung magkano at ano terms. so ayun, dun na ako kukuha pag me pang-capital na ako ulit.
bumalik ako sa business na 'to kasi kahit barya-barya lang ang kikitain kung sa subdivision lang magbebenta eh better pa din yun kesa patulugin ko yung pera sa bangko na kahit isang taon na eh hindi kikita ng 100 yung 5,000 na pwede kong ilagay sa diapers.

kaya mga sis, go sa diaper business! sayang din ang konting kita!
