Get weekly updates via email!
tip of the day SUN 26 OCT 14
Worried about your performance at work? Find a mentor and ask for guidance. Learning from a senior will help you get better at your job.
  • Good House Keeping
    Judy Ann Santos-Agoncillo returns to our cover this September issue and gets candid about money, marriage, and motherhood.
    Good Housekeeping
  • Women's Health
    Drop two sizes fast—with simple exercises you can do at home! This month's ultimate weight-loss special shows you how. Plus, real women share how you, too, can shed and keep off excess weight for good.
    Women's Health
GIRLTALK

Author Topic: Starting a diaper distribution business - NO ADVERTISENTS! NO SELLING!  (Read 87372 times)

msals2007

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 668
    • http://www.myshmyshoppinghaven.multiply.com
I am so interested with this business.

Got more encouraged with the thread under Parenting where lots of moms really opt to buy cheaper diapers. Saka I think this is a good business kasi karamihan naman ng parents gumagamit ng diapers for their babies. Lahat ata nakadisposable diapers na, konti na lang ang gumagamit ng cloth diapers.

Anybody here who is into this business? Please share us tips on how to start this kind of business, capital needed, where to source the supplies, mark-up, income, etc.
« Last Edit: April 16, 2009, 05:35:21 PM by lelila »

angelbox

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 103
Re: Starting a diaper distribution business
« Reply #1 on: January 22, 2009, 12:26:01 PM »
hey sis, this is my current business. share ko lang experience ko (which has been quite positive)

i opened my store mid-november 2008. i started out with detergent, fabric softeners and dishwashing liquid. e yung supplier ko also sells diapers so on my second purchase, dun ako kumuha ng diapers. kumuha lang ako ng 2 bags per size (lahat dryfresh magic, kasi yun ang brand ng nephew ko  :D ). i wanted to test the market (my neighborhood) muna. nag mark up ako ng plus 10 to 15 pesos per bag (di ako masyado makapagmahal kasi merong diaper store one tricycle ride away from our place. i wanted to be a bit cheaper or at least competitive). nag-offer din ako by piece (7 to 7.50 per piece). in less than a month, halos naubos yung nabili kong 2 bags per size (except newborn. walang bumili  :o). since ok ang feedback, on my next purchase, bumili na ako ng 10 bags per size (still dryfresh). in a month, nakabenta ako ng around 3-4 bags per size (or roughly15 bags). this is just our immediate neighborhood and a few friends. and isang brand pa lang ang dinadala ko. pag bumalik na ulit ang capital ko, i intend to purchase other brands (im reading the forum here about diapers  ;) ) and advertise online.

ang set-up ko sis, my store is in our garage (may grills, hindi labas-pasok ang mga tao). nakadisplay lahat ng goods, including the diapers, may tarpaulin announcing our products and may pricelist na naka-paskil. house helpers namin ang nagbabantay ng store. may buzzer/bell yung store para tatakbo lang sa tindahan helper namin pag may bibili. i usually stay at the store pag weekends.

"bagito" pa ako sa biz na `to sis, so konti pa lang ang ma-she-share ko sa yo. pero so far, the response has been quite positive, kaya na-encourage ako na "mag-expand" by carrying more brands. tsaka masarap yung feeling pag may mga bumabalik-balik kasi dun mo malalaman na nagustuhan nila ang products mo.  :)

sa una sis, mabagal ang tinda. tsaka i was giving away a lot of samples to friends as a form of advertising.pero ngayon, may regular customers na and there's enough cashflow para mapalaki and ma-diversify ko ang inventory ko. maliit lang ang capital sis, around Php 200 per bag of 30s (kasama na transpo), so depende na sa `yo ilang diapers mo gustong simulan. as to income sis, hindi ko pa masabi exactly kasi i don't get money from my business pa. gusto ko muna i-expand until around 30-50T na ang worth ng store ko (hindi yon lahat diapers ha :) ) before i start giving myself a salary.

msals2007

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 668
    • http://www.myshmyshoppinghaven.multiply.com
Re: Starting a diaper distribution business
« Reply #2 on: January 22, 2009, 01:30:24 PM »
Thanks for sharing your experience sis. Saan ba nakakabili ng mga wholesale na diapers. And do they also carry yung mga brands na tinitinda sa market?
Actually ang balak ko din sa bahay lang. Kasi mahal ang rent ng commercial space.

Mas maganda nga saan sis if you carry many brands para madaming pagpipilian di ba. Parang maganda talaga etong biz na eto kasi ang diaper nauubos, at bibili at bibili sa iyo mga moms sa kapitbahay ninyo as long as okay ang quality ng tinda. Mabilis ang movement ng items, no?

vincseth02500

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 59
Re: Starting a diaper distribution business
« Reply #3 on: January 22, 2009, 02:29:08 PM »
hi sis angelbox!!!!

i'm inspired sa story mo and right now i am thinking of doing the same thing kasi wala naman nagbebeta ng diapers dito sa village namin.  Pwede po bang share mo where ka kumukuha ng diapers para kahit papaano eh makapag start na din ako since small capital lang naman ang kailangan...

thanks a lot!!!

msals2007

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 668
    • http://www.myshmyshoppinghaven.multiply.com
Re: Starting a diaper distribution business
« Reply #4 on: January 22, 2009, 02:38:46 PM »
Question ulit, di ba may mga binebenta din na branded pero cheaper like mamy poko, etc, pero wala sila sa original packaging nila. Saan pala nanggagaling yung mga ganun. Factory rejects ba yun? Kung reject, okay lang kaya na ibenta pa rin.

I’ve been reading the other thread mukhang satisified naman sila pero I am just curious kung saan kinukuha yung supplies ng ganung brands na wala sa original packaging.

Also, di ba sa divisoria may mga nagbebenta din ng diapers, wholesaler din ba sila. Would any body know kung saan naman kumukuha yung mga sellers sa divi ng supplies kasi I’msure mas mura dun di ba.

angelbox

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 103
Re: Starting a diaper distribution business
« Reply #5 on: January 22, 2009, 03:25:41 PM »
i get my supplies from OC Cruz (read the diaper threads, maraming mga sis na dun bumibili). di ko alam mga sis ang exact address and hindi rin helpful ang telephone number kasi hindi sila nagbibigay ng prices over the phone. what i can share is how i commute going there... i take LRT 2, baba ng recto. paglabas ng recto station, sakay ng pedicab, sabihin "sa bilihan ng diapers". alam na ng pedicab driver yon. P50 ang binibigay ko for pedicab. you know you're there kasi sa kalsada pa lang andami nang diapers tsaka may mga "kargador" na naka-t-shirt na OC Cruz. the diaper store is behind the big sari-sari store, also owned by OC Cruz.

tiyaga-tiyaga lang mga sis, kasi maraming taong namimili at parang pier ang dating ng sistema nila  ;D medyo matagal bago ka ma-accommodate ng tindera. para mabilis, bring your own pen and paper para pag alam niyo na kung anong gusto ninyo bilhin, kayo na ang maglista ng bibilhin niyo (brand and ilang packs). if you wait for your turn pa sa tindera, matatagalan kayo. after listing them down, give your list to the tindera, sabihin ninyo i-compute niya kung magkano. malamang sabihin niya na ibigay mo muna sa mga naglalabas ng orders para malaman kung lahat ng nasa list available. ako i insist na icompute muna kasi parang nakakahiya mapalabas tapos isosoli ko kasi lagpas na sa budget ko. pag nacompute na, i give the list sa mga boy na naglalabas ng order (sila yung mga naka-Tshirt ng OC cruz) make sure you remember the face of the "boy" better yet, get his name. if you don't, malilito ka kung sino na yung kausap mo. pag nailiabas na ang orders mo, ibabalik sa yo ang list and gagawan ng tindera nag resibo yung orders mo. then you'll pay dun sa loob ng sari-sari store. si mrs. cruz and her daughter lang ang authorized tumanggap ng pera. pag labas mo, papakita mo yung receipt mo sa checker then sabay ninyong ichecheck kung kumpleto yung orders mo. after that, ako, kumukuha na ko ng cab pauwi  :) medyo matagal ang cab tsaka hassle kasi lalakad ka pa nang kaunti towards the main street (tutulungan ka naman ng kargador sa mga pinamili mo). pero ok naman, nakakauwi naman ako parati.

meron silang branded and unbranded. yung branded naka-pack talaga like sa grocery. yung unbranded, naka-clear plastic and usually packed in 30's.

at the very start, slightly discouraged ako kasi parang mahina. tsaka puro tanong lang, hindi naman bumibili. puro pa ako give away ng samples sa mga kaibigan. pero nung napapansin na ng mga tao yung store ko, they started coming, to the point na minsan alas 6 nang umaga, hindi pa kami bukas, nagdodoorbell na sila :o meron na rin pumupunta sa amin na naka-kotse, so alam ko dumadayo pa siya just to buy. nag put up rin ako ng blogsite, meron na ring isa na nagorder sa akin who got my number sa website. aliw na aliw ako nung last purchase ko from the supplier. when i got home and inayos ko yung paninda ko, i had to add two more shelves (mga nakatmbak lang na lumang gamit sa bahay) to display may goods. i saw and felt that my store was actually growing.  i come home every weekend lang, weekdays nasa apartment ako near my office. masaya umuwi pag friday night at magbilang ng pera  ;D


iampennylane

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1140
Re: Starting a diaper distribution business
« Reply #6 on: January 22, 2009, 03:34:32 PM »
hi sis angelbox! very helpful yung post mo thanks! kasi kami ni hubby iniisip din namin tong business na to. we are here in manila pero we want to put up sana a store dun sa province namin since they are not yet familiar na meron palang mga unbranded diapers. How much sa tingin mo yung starting capital? And dou you think hindi kaya ako lugi if magbabayad kami for the cargo para dalin sa province? and lastly, sa OC ba do they give wholesale price? thanks!
I am anti-"text-talk". I support good grammar. I am part of "Save the vowels" movement". For your sanity and mine, type out your DAMN words.

Thank you.

msals2007

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 668
    • http://www.myshmyshoppinghaven.multiply.com
Re: Starting a diaper distribution business
« Reply #7 on: January 22, 2009, 03:48:28 PM »
Kakainspire ka naman sis angelbox. So wholesaler din pala ang OC. Malimit ko ngang mabasa sa kabilang thread. Sa kanila na kaya ang pinakamurang supply? Yung mga fitti, etc na brands na nababasa, locally made lang ba yun?

angelbox

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 103
Re: Starting a diaper distribution business
« Reply #8 on: January 22, 2009, 04:14:51 PM »
^^ they sell a bit cheaper pag maramihan :) tsaka  kahit paisa- isa tingin ko sis mura na talaga tinda nila compared sa, say, diaper depot.

not really sure about profitability of shipping to the provinces because i've never tried it. pero i believe (but im not sure ha) you can make arrangements with OC cruz about having your goods shipped to your provincial outlet. hindi niyo na kailangan i-pick up. just pay (i guess for the goods and cost of shipping) and sila na bahala mag-ship. that way, madali na for you to compte how much magiging mark up mo. talk to mrs. cruz na lang or her daughter about it.  :)

nakakamangha din yung OC cruz. my mom started buying there siguro around 5 years ago pa, for personal consumption ng family. sabi niya, the store started out na isang bahay lang. now they own yung buong space sa likuran na tindahan (which is pretty big). then this january, we found out they also got na the three-door, 2-floor apartments across their store to house their diapers. so i do believe sis they already have a set system for shippping, kung ganun na sila kalaking business.

^ sis, di ko alam kung san gawa yung products nila. you can ask naman. accommodating naman si mrs cruz and daughter niya ("knot" yata ang pangalan), yun nga lang mahihiya ka rin to take up too much time kapag maraming nakapila.

angelbox

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 103
Re: Starting a diaper distribution business
« Reply #9 on: January 22, 2009, 04:30:35 PM »
btw, i think pag may problema, pwede niyo naman isoli (although i've never had to). yung sa akin kasi, hindi diapers, but yung soap bars na nabili ko may bali. sabi ni mrs cruz dalhin lang daw, papalitan nila. so i guess that should apply din sa diapers? pero yung sa amin, hindi na namin sinoli yung sabon, ginamit na lang namin sa bahay :D

msals2007

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 668
    • http://www.myshmyshoppinghaven.multiply.com
Re: Starting a diaper distribution business
« Reply #10 on: January 22, 2009, 04:37:10 PM »
Talaga, kakainspire naman. Lalo tuloy akong naexcite magbusiness. Baka makabili din ako ng madaming properties. Hehe.

So hindi lang pala diapers lang ang tinda nila? [textspeak!]-ano pa? Minsan nga punta ko dun. Kaya lang parang madami atang tao palagi, no. parang dito na lang sa gtalk ang dami ng suki ng OC. And based sa posts mo, mukha ngang mabait talaga yung may-ari. Kaya siguro madami ding suki kasi bukod sa mura, accommodating pa. Usually pag ganyang madaming bumibili, masusungit na yung mga may ari na nagtitinda. Yung tipong matatakot ka ng magtanong.

angelbox

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 103
Re: Starting a diaper distribution business
« Reply #11 on: January 22, 2009, 04:56:12 PM »
mabait naman sila mrs cruz, although yung mga tindera slightly antipataka (pero tingin sa pagod na rin). baka sis dinadatnan ko lang na maraming tao, saturday afternoon kasi ako. baka pag weekdays tapos morning, wala masyado. ewan ko lang.

i also buy their powder detergents, sanitary napkins, laundry soap bars, liquid bleach, tissue rolls, cotton, fabric conditioner, dishwashing liquids, etc. dami pa sis. they specialize in lesser known or non commercial brands kaya anlaki ng mura.

mga sis, update kayo sa thread when you actually start your biz. para share-share tayo ng experiences  ;) lalo na kung may makita pa kayong mas murang distributor!  ;D

iampennylane

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1140
Re: Starting a diaper distribution business
« Reply #12 on: January 22, 2009, 05:49:25 PM »
naexcite naman ako hehe i use din kasi unbranded nappies for my 6th month old via and very affordable talaga and nice quality. i order from a fellow gtalker din. last month pa kami ni hubs nagpaplano na magput up ng ganito kaya lang di matuloy tuloy hehe hopefully by february makapag start na :)

Kakainspire ka naman sis angelbox. So wholesaler din pala ang OC. Malimit ko ngang mabasa sa kabilang thread. Sa kanila na kaya ang pinakamurang supply? Yung mga fitti, etc na brands na nababasa, locally made lang ba yun?

sis alam ko most of them are made from thailand, malaysia, china and japan :)
« Last Edit: January 22, 2009, 06:04:44 PM by iampennylane »
I am anti-"text-talk". I support good grammar. I am part of "Save the vowels" movement". For your sanity and mine, type out your DAMN words.

Thank you.

angelbox

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 103
Re: Starting a diaper distribution business
« Reply #13 on: January 22, 2009, 05:57:54 PM »
btw, sarado ang OC Cruz pag sunday.

kawaiimom

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 77
Re: Starting a diaper distribution business
« Reply #14 on: January 22, 2009, 09:30:54 PM »
I just opened my diaper store in Bulacan two weeks ago. I got my supplies from  OC cruz pero pag sunday wala sila kaya sa blumentritt ako around 5 to 10 peso diff sila per pack. Mas mura parin kay OC, yung iba same lang.  Pampers and EQ dry maliit lang ang difference sa Puregold at SM, like 245 kay OC 255 sa SM, 260 sa Puregold.  Pero yung mga mommy poko malaki ang mura kay OC.

My pov, ok ang biz kung (1.) wala kang nirerentahang lugar at pinapasweldong tindera like kung sa bahay lang (2) otherwise magtinda ka pa ng ibang products or make it really big like wholesaling kasi free delivery kay OC kapag 100T ang purchase mo.  Maliit lang kasi pwedeng itubo sa mga generic diapers kasi magiging mas mahal pa sya sa mga branded like pampers.  Mabalke pa ang diapers kaya pag bumili ka either taxi ka o dala ka ng sariling sasakyan, added expenses din yun.  Sa isang pirasong diaper ang reasonable na pwede mong ipatong ay 0.75 to 1.5 pesos only.  Kaya sa store ko mas mabenta ang diapers ko pero mas malaki ang tinubo ko dun sa mga kikay, household,cp products ko from divi na times 2 or times 3 ang pwede kong ipatong.

Now research ako sa mga distributors ng diapers ( those na nagsusuply din kay OC cruz at sa blum).  I already got 3 suplliers. Medyo malaki ang capital like per truck load ang minimum purchase costing 100T per truck load. Pero sa tingin ko mas ok ito kesa sa patingi tingi lang.

raspberryglace04

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 253
    • Content and Beyond
Re: Starting a diaper distribution business
« Reply #15 on: January 23, 2009, 12:21:23 AM »
^^ you took the word right out of my mouth! ganyan din ang ia-advice ko sa papasok sa business na ito.

i did this for a couple of months, pero lately tinigilan ko na kasi sa isang pack ng diaper ang kikitain mo lang is P15-20 lang (tinitingnan ko din kasi presyo ng mga online sellers at pumaparehas ako ng presyo sa kanila), so kung malayo ang supplier mo ng diaper luge ka sa gas or sa taxi. kakainin yung tubo mo.

kami kung kumuha sa may blumentritt minimum ng P5000. tapos sa bahay lang then kung me um-order sa office dinadalan ko. pero yun nga, kahit P5000 na yung kinukuha ko talo pa din ako sa gas ng kotse namin since sa Novaliches kami nakatira.

sa tingin ko unless makakakuha ka ng bultuhan talaga at free delivery, parang hindi profitable masyado dito. or magbenta ka pa ng iba like yung suggestion na kumuha ng saleable items sa Divi na pwedeng patungan ng 2x or 3x sa presyo.
Signature edited.

msals2007

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 668
    • http://www.myshmyshoppinghaven.multiply.com
Re: Starting a diaper distribution business
« Reply #16 on: January 23, 2009, 08:38:36 AM »
Mahirap nga kung magrerent ka ng space then diapers lang ititinda mo. Unless big volume talaga ang bentahan, konti lang ang mark up.

Now research ako sa mga distributors ng diapers ( those na nagsusuply din kay OC cruz at sa blum).  I already got 3 suplliers. Medyo malaki ang capital like per truck load ang minimum purchase costing 100T per truck load. Pero sa tingin ko mas ok ito kesa sa patingi tingi lang.

Sis, yung P100k per truckload, assorted na yun? Malaki ba difference ng price compared sa OC?

iampennylane

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1140
Re: Starting a diaper distribution business
« Reply #17 on: January 23, 2009, 09:35:27 AM »
^^sis you mean to say di ka na benta diapers ngayon?
I am anti-"text-talk". I support good grammar. I am part of "Save the vowels" movement". For your sanity and mine, type out your DAMN words.

Thank you.

snugglebug

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 42
Re: Starting a diaper distribution business
« Reply #18 on: January 23, 2009, 09:48:35 AM »
nakakainspire naman kayo mga sis! parang okay to ah. try ko din magresearch tungkol dito.

goodluck sating lahat!

vincseth02500

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 59
Re: Starting a diaper distribution business
« Reply #19 on: January 23, 2009, 10:40:50 AM »
so sis what can you advice us kung ano ano ang dapat naming bilin dun aside from the diapers? (i mean yung mabenta)

and what brands po ang binibili nyo sa diapers?


 ???

 

ADVERTISEMENT
follow us
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
Featured Articles
5 Steps to Financial Fitness in Tough Times
Instead of grumbling about the plight of the peso and dwelling on the negative, try these helpful tips to stay afloat. Remember--a little discipline goes a long way!
You're the breadwinner: Now what?
You want the freedom to spend your money as you wish but you know that if you don’t bring home the bacon, no one else will.
Getting money-wise: Why women are naturally capable of managing cash
She works hard for the money but she doesn’t know how to invest it. Here, Pearlsha Abubakar tells us why women are capable of managing their money well, but don’t. Read and get smart with your money.
Never go broke again! The FN guide to financial freedom-forever!
Fear not bankruptcy or eternal dependence on your parents (or a man!). There's a financial strategy for everybody. Read and get money-wise.
Wise up: Start your own business!
Tired of living from paycheck to paycheck? Why not go into business? Read on and find out how just a little cash can become a lot.