Get weekly updates via email!
tip of the day SAT 20 SEP 14
Unmotivated while you work? Give yourself incentives for completing each task, like 10 minutes on Facebook or Twitter—or for bigger achievements, a trip to Starbucks.
  • Good House Keeping
    Judy Ann Santos-Agoncillo returns to our cover this September issue and gets candid about money, marriage, and motherhood.
    Good Housekeeping
  • Women's Health
    Drop two sizes fast—with simple exercises you can do at home! This month's ultimate weight-loss special shows you how. Plus, real women share how you, too, can shed and keep off excess weight for good.
    Women's Health
GIRLTALK

Author Topic: tiktik -- true ba?  (Read 167946 times)

thebratinella

  • shopaholic, obsessed mummy, happy wifey and
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1892
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #420 on: April 29, 2011, 03:14:07 PM »
cityhunter, bakit sabi nila kumukulo yung oil pag may aswang? paano nangyayari yun? matagal na ako nacucurious how it works.
Happiness is a choice.

CityHunter

  • Non Timebo Mala
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3077
  • Angel Oracle, Feng Shui and Reiki Master
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #421 on: April 29, 2011, 04:40:50 PM »
There are certain items in this world that when exposed to the presence of the unnatural would react in a certain manner.  In feng shui, one reason why the loupan is used isn't only to determine the auspicious and inauspicious directions AND locations but also to check if such presences are present.  For the magnetic needle WILL react to their presence.  Sa oils used for such ay may mga hinahalo diyan which react to the presence(s) of such.  Now, yun oil is simply to make it more noticeable sa mga untrained eyes. 

Example.  Not unless one has been trained in the use and reading of the old school blood pressure instrument hindi mo maintindihan what those readings are.  The same applies here.  Now, isipin mo yun oil is simply a more user friendly tool.  In our example isipin mo the traditional blood pressure instrument has been replaced by a digital one.  Mas easier to read and kung high-tech pa ay may magsasalita or even a printout. 

Actually, one doesn't need such naman kasi each of us has a built-in warning device - our sixth sense.  Yun lang some of us choose to ignore or tune it out kaya hindi lang napapansin. 

I'm sure yun iba sa inyo nanonood yun mga ghost hunting shows.  You'll note na temperature is another way to determine the presence of such.  Yun iba naman use animals. 

Now, why is it parang hindi natutuloy yun attack then.  As just like a thief caught by the perimeter alarm so rin sila.  Unfortunately, dahil passive lang ang provided measure of defense ay these unnatural beings will try to find another way to get to you.  Some would ask then that you carry in your person such items which are in a way okay rin.  Unfortunately, what if yun na-encounter mo is more than the usual?  The bottle will simply explode dahil hindi na niya kaya i-contain yun chi presence of such.  The same applies sa thermometer, etc. na hindi na kaya yun kailangan nila i-read. 

I can't say what the contents are as it varies from one to another (and syempre secret na rin yun and even if I don't use it ay I respect rin those who do as not all use this for bad o selfish motives).  Ang masasabi ko lang ay if it works as advertised ay don't be contented with just that.  You've just realized you've been a target by the unknown and its high time you call upon Big Brother.
Quality Higher Than Price!

rianne_mallows

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1452
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #422 on: May 02, 2011, 09:50:19 PM »
so sad.. nung isang araw lang nasabi ng pinsan ng asawa ko (super close ko yun).. parang may something daw sa kanila kapag gabi.. hindi niya nalinaw kung aswang or tiktik.. so nishare ko yung mga prayers at salt bath at asin sa windows and doors as pangontra..

kanina nag text hubby niya.. sumakit daw tiyan tapos nung sa hospital wala ng heartbeat yung baby.. 7 months na, sayang talaga.. hanggang ngayon so sad talaga...

not sure kung dahil dito yun pero diba.. ang hirap idismiss yung possibility.. pero baka din may ibang factor pa.. kaso OT na

 haay..
hindi naman ako masamang tao
sadyang kapag nasasabi ako ng totoo
tumatama at tumatagos sa pagkatao mo

CityHunter

  • Non Timebo Mala
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3077
  • Angel Oracle, Feng Shui and Reiki Master
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #423 on: May 03, 2011, 08:53:38 AM »
Hi, rianne mallows.

We share in your sadness in the loss of your relative's baby.  Yes, we can't say we should discount the possibility that that may have been caused by the unnatural although we too must look on factors that may have contributed to that naturally.

A combination of what you've shared to them usually works more so if coupled with the circle of holy light then messaging a request to the angels for protection and other assistance.  Yun latter is actually the job of those who wish to protect the subject.

However, callous it may seem we should not see this as a totally sad event.  IF one is targeted as a prey by such unnatural forms then that subject will be so for the rest of his or her life and even in death.  This is why we should consecrate our departed to Him so that they can be protected even in death.  For in death there is life and release from further harm though we have to do our part to insure the child's soul go to Him.  Again, be reminded that the commodity that only has value in the afterlife is our soul.  You cannot bring your wealth to the afterlife but the very makeup of your chi is what will decree the sum of your karma.  Yun prayers natin is a boost to the departed(s) chi. 

It is also why we have the norm to make bantay to the dead although the meaning is getting lost already (and some would rather use the occasion to make money or simply make kwentuhan.)
Quality Higher Than Price!

supertears

  • Newbie
  • *
  • Posts: 17
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #424 on: May 10, 2011, 09:51:24 PM »
naexperience ko na to nung bata pa kami. nasa bakuran kami nung maid nung tito ko. mga 7 pm. nakaupo ako non sa may kainan nila, nung makarinig ako ng parang tumutulong tubig sa gripo na pa-patak patak. yung mabagal na patak ba sa tubig. kakaiba yung lakas ng tunog saka ang dinig ko, parang nanggagaling sa itaas ng bubong.tinignan ko [textspeak!] gripo nila e sarado naman. tapos biglang parang may kumisap sa banda don sa dulong bakuran nila nung matitigan ko, aso! yung kumikisap palang yun sa madilim e mata nung aso. itim na aso at malaki, parang kasing laki ng German Sheperd. nakaupo pero ang laki talaga nung aso! nagtaka kami nung maid, saan galing yung aso? e bakuran namin to. kung dadaan itong aso sa harap di pwedeng hindi mapansin kasi matao sa bahay namin, marami kami dito. tapos yung maid, binato nya yung aso, di man lang umalis yung aso. nakatingin lang siya sa amin. "chu!" sigaw pa nung maid tapos kinukumpas-kumpas pa niya kamay niya.pero di kumikilos yung aso. tapos nadinig ko na naman yung mabagal na patak ng tubig sa itaas. nadinig din yun nung maid, pumasok siya sandali sa bahay pagbalik may dalang walis ting-ting. pinapalo niya yung walis ting-ting sa mga haligi nung bahay. tapos ayun, agad umalis na yung aso.tumakbo palayo. tapos sabi nung maid, tiktik daw yung nasa bubong. ibon daw yun. kaaway ng aswang. pag daw nasa bubong ang tiktik nasa lupa ang aswang. kung nasa bubong daw ang aswang, nasa baba naman daw ang tiktik. pangontra daw sa aswang yung walis tingting.

yndy

  • vanidosang prinsesa at
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 695
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #425 on: May 20, 2011, 01:59:01 PM »
Share ko lang sisters...

Nagkakatakutan nagyon kanila Mommy. They live in Sta Mesa. Nagkwento kasi yun manicurista namin last Sunday nun andun ako. Sabi niya Thursday night may mama daw na parang aswang. She said mukhang nagpapanggap daw na bulag. Yung mga anak niya kasi, nag iinuman sa sala nila then umakyat yun anak niya na girl and ang sabi "Mama tignan mo yung mama sa labas nakaka takot ang hahaba ng kuko."

Nun ni flashlight daw nila mula sa taas nagulat siya kasi yun mama para daw bulag tapos nagbabaybay siya sa wall.. yung kinakapa niya yung wall and nagsasabi daw na saan ba yun daan parang ganun. Kita daw nila nun ni flashlight na yun kuko was parang 2-3 inches ang haba. Kinilabutan daw siya kasi nun lang siya nakakita ng ganun kahaba na kuko and parang ayun nga nagpapanggap na bulag daw.

The next day nagtatanong sila sa mga kapitbahay pero wala naman daw nakakita dun sa mama. Yung house pala nila ay sa may dead end and bago dumating sa kanila madami madadaanan na bahay. Sabi aswang daw dahil sa kabilang bahay may buntis daw.
What doesn't kill you makes you stronger.
http://www.mywedding.com/raffyatyndy

FOURever

  • My username does not fit me anymore :X
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 4457
  • Anything could happen.
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #426 on: May 20, 2011, 02:56:02 PM »
^that IS so creepy!
I like games well played :)

qt_ben17

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2553
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #427 on: May 21, 2011, 12:05:15 PM »
eh pano nga naman kasi makakapag kuko yun eh bulag nga diba?

atsaka sa angle ng kwento  niya eh nakainom yung anak. baka sobrang lasing yan at nasapian ng spirito ni red horse kaya may mga illusions na.

wag tayo masyado maniwala sa mga sabi sabi. ako, maniniwala lang pag nasaksihan yan ng dalawang mga mata ko.

naalala ko yung sociology class ko nung college, sabi ng prof ko na gawa gawa lang yan ng mga spanish friars para takutin yung mga pilipino at magsamba sa katolikong simbahan. ang kapalit? ikapo. edi may kita ang simabahan. dun daw nagoriginate ang mga idea ng mga aswang, tiktik, kapre, manananggal, etc

pero yung idea ng ghosts iba yun, dun naniniwala talaga ako. :)
« Last Edit: May 21, 2011, 12:07:57 PM by qt_ben17 »
eto na naman sila, "mas better" , "pinaka the best"

hello29

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 129
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #428 on: June 01, 2011, 02:56:32 PM »
ako naniniwala sa tiktik, naranasan ko kasi, eheh TS, taga makati din ako, that night, kming tatlo lang ng panganay kong anak at brother ang nasa house, i am 8months preggy that time then, nsa taas kami ng bahay, andun kasi ang kwarto, tas around mga 1-2am may kumakalabog sa bubong, e gising pa ko, hehe di din ako gaano makatulog kasi ang likot na din ni baby sa tyan, tas nagulat ako yung bintana gumagalaw, yun yung capiz style pa, e yung labas nun me grills so naiisip ko kahit na malakas na hangin di uubra na mapagalaw ang bintana, ginawa ko lang nun binuksan ko lang ang ilaw, then dasal at sleep, hehe tas the next night kapatid ko nman ang nakarinig, kaya ayun, the next night ulit dun na ko nagsleep sa parents ko, hehe wala kasi si hubby nasa abroad that time.

maletcute

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 324
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #429 on: June 04, 2011, 01:39:07 AM »
true to sis, naexperienced ko na many times sa province lalo na pag preggy ang mga sisters ko non.

SuperNix

  • Probationary
  • Posts: 2
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #430 on: June 04, 2011, 07:47:25 AM »
Buntis lang ba ang tinitiktik?

May weird experience kasi ako a few months ago.

Hating gabi na yun, papasok ako ng room ko biglang may nag 'tiktitktiktik' na ang lakas tapos bandang bintana ko. Yung bintana ng room ko, medyo malapit sa kisame. Tapos after nun, parang may lumalakad sa bubong namen. Nung una, inisip ko,  baka pusa. Kaso parang ang tabang pusa naman nun kasi ang lakas nung pag apak sa bubong..

Yung sumunod, mag 3am, may nag 'tiktiktiktiktik' ulit bandang bintana ng room ko.. Sobrang natakot na ko kasi ilang beses gumanun.. Ginawa ko, binuksan ko yung ilaw tapos nag dasal ng nag dasal.. Tapos lagi ng ganun.

After reading your stories kasi, similar siya sa experience ko. Yun nga lang, wala namang buntis dito. Hindi ko lang ma alala kung yun ba yung time na namomoblema ako kasi delay na ko ng one month.

Nung nagkaroon na ko, nawala na yung ganun.

vani88ty

  • Newbie
  • *
  • Posts: 27
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #431 on: June 05, 2011, 06:17:32 AM »
ako din may na-experience na ganito, though hindi naman ako buntis nung nangyari iyon. pauwi nako sa house galing sa gimmick. around past 11pm na iyon. hindi nako nagtricycle pauwi ng bahay kasi nagtitipid ako. so, mula sa gate ng subdivision naglakad ako papunta sa house which is around 2 streets from the gate. well-lighted naman ang subdivision at that time at walang kahangin hangin noon. nasa kalagitnaan ako ng kahabaan ng street nang biglang humangin ng malakas papunta sa direction ko! at parang may something sa ulunan ko pero mataas ang distance niya from my head. hindi ako tumatango kasi ayaw kong makakita ng ano mang creature pero alam kong merong something doon kasi may pagaspas na parang ibon pero malaki kasi maingay ang pagaspas, may tunog. kung maliit lang na ibon, hindi naman ganoong kalakas ang sound ng paglipad ng pakpak. dahil naka tingin lang ako sa dinadaanan kong kalsada, may shadow sa floor na parang dahon ng coconut tree, parang pakpak na malapad, na parang dahon nga ng coconut tree. E wala namang puno ng niyog doon sa nilalakaran ko! may puno doon pero hindi siya coconut tree kundi mango tree kaya imposibleng magkaroon ng ganoong shape iyong shadow. parang nanghihina na ako noon at hindi makapaglakad. nanlalamig na rin ako kasi nabigla ako sa pangyayari. pero, nilakasan ko ang loob ko, nagdasal ako ng "our father, hail mary at glory be". malakas ang pagdadasal ko hanggang makauwi ako ng house. patapos palang ako ng our father, wala na siya, umalis na. kinuwento ko iyon sa mga tao sa house, may buntis pala doon sa street na iyon. nagkataon lang siguro na napadaan ako kaya na-feel ko siya. metro manila ako nakatira mga sisses at sa subdivision kasi namin, tahimik na tahimik na pagdating ng 6pm. medyo nagkakaroon lang ng sound o ingay sa subdivision kapag may nagvivideoke na kapitbahay or ka-subdivision pero most of the time, tahimik na. pati yapak ng naglalakad sa kalye maririnig sa sobrang katahimikan. kaya nga minsan pagnasa terrace ako, na-iimagine ko na baka bigla nalang may mag-appear sa terrace! buti nalang may aso kami at nilagay namin siya sa terrace! 

slovy

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 593
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #432 on: June 05, 2011, 07:14:24 PM »
^^ oo karamihan sis. Mga preggy at yung mga may sakit, mabango daw sa kanila yun.


Hindi po sila supertitious, they really exists. The best na panlaban sa mga yan is yung oil na para lang talaga sa mga yan at sabi nga nila yung buntot ng pagi daw. Pwede na rin bawang at asin, mabaho kasi sa kanila yun. Pero yung oil mas maganda kasi bumubula talaga pag tiktik. Proven ko na iyan sa province namin.
The only way out of the labyrinth of suffering is to forgive!

junichi406

  • Your Premium Choice
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 224
  • JGK
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #433 on: June 07, 2011, 02:59:37 PM »
Parang joke time lang yung thread na ito. hehe

Philippine Horror stories lang ito. Imagination lang ito ng tao  ;D

myfashionlife

  • Newbie
  • *
  • Posts: 16
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #434 on: June 25, 2011, 02:03:22 PM »
true ito...nakarining na nga ako... :o

batjy

  • Probationary
  • Posts: 6
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #435 on: June 25, 2011, 05:28:51 PM »
re: oil/ lana

saan pwede makakuha/ makabili nito?


SnowCross

  • Probationary
  • Posts: 1
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #436 on: July 04, 2011, 10:02:34 AM »
Gaya ng iba naparegister ako dito ng wala sa oras hoho. But before I go further, LALAKI po ako. Around 2am kanina i was searching about "PANGONTRA sa ASWANG/TIKTIK, hanggang sa napunta ako dito sa forum. Nabasa ko po lahat ng stories dito, most of them I can say na narinig ko na, mostly from my parents and mostly ang biktima mga babae na buntis. Heto po kwento ko, nangyari lang po kanina July 4, 2011 around pass 12 midnight. Nakasanayan ko na kasing bumili ng pagkain sa labas ng gabi at nakasanayan ko rin na lagpas 12 midnight ako bumibili. Hindi ako taga rito sa subdivision dito sa Laguna, pero more than 6 months na rin ako dito, nakikitira ako sa tropa ko. I'm originally from Baguio City. Since ayaw lumabas ng bahay ang tropa ko at medyo naging anti-social (nanaba kase, nahihiya ng magpakita sa tao lols) ako na ang bumibili ng pagkain pag inuumaaga kami sa harap ng pc kakalaro ng online games, matagal ng ganito ang routine namin halos 12 midnight ang lunch namin dahil 5am kami nakakapagbreakfast, gawaing palamunin talaga kami hoho. Night shift kumbaga, balik sa kwento, bumili ako sa 7 11 ng pagkain kaninang pass 12midnight, I don't expect anything na may mangyayari kase naging routine ko na nga ang paglalakad at bumili ng pagkain sa labas pag nagugutom. Di ko alam kung gano kalayo ang 7 11 from the house pero halos katumbas na rin ito ng isa at kalahating yosi pagnaglalakad patungo doon. Nung pauwi na ako, normal pa rin naman hanggang sa makarating ako sa bungad ng bahay, binuksan ko na ang gate at ni-lock. Habang naglalakad ako papuntang side door since nakalock ang main door from the inside, at mahaba habang lakarin pa from the gate to the side door (ganun kalaki ang bahay) narinig ko na ang di ko dapat marinig. Isang mahaba at walang putol na ..ikikikikikikikikikikikikikikikikkkkkkkkkkk. From that moment on alam ko na kung ano yun, hindi ako maaaring magkamali, sa totoo lang hindi ko nagawang igala pa ang mata ko, hindi ko nagawang hanapin kung saan sya nakapwesto, basta ang alam ko tumayo ang mga balahibo ko. May dala pa akong ice cream, tig P15 sa 7 11, mix flavor sa sugar cone, ang balak ko sana tawagin sa labas ng pinto ang tropa ko para kumuha ng basahan kase tumutulo na ang ice cream at baka madumihan ang sahig at langgamin hoho. Pero dahil sa TIKTIK na narinig ko dumiretso na ko hanggang kwarto kahit nagkanda tulo tulo na ang ice cream. kinwento ko ito sa tropa ko at natawa na lang sya pero sinabihan nya ko na nood muna kami ng tv sa sala habang nagla-lunch kami sa ganung oras. Hindi pa rin ako mapakali, hanggang sa binuksan na ng tropa ko nag main door para tignan at pakinggan kung andun pa ang tiktik. Meron nga palang aso sa loob ng bahay, lumabas ito pero hindi naman tumahol, normal lang din yung behavior ng aso pag labas. Nung sinabi ng tropa ko na wala naman syang naririnig, pinapasok na nya ang aso sabay sarado ng pintuan, pero halata din ang kaba sa kanya na may halong curiosity at sinabihan pa ako na guni guni ko lang. Pero nagdecide tropa ko na wag na kami manood ng cable dahil boring daw mga palabas, mag online games na lang daw ulit kami. Sumunod na rin ako kahit alam ko sa sarili ko na tiktik talaga ang narinig ko. Hanggang ngayon 10 am na wala pa rin kaming tulog, hindi na kami makatulog. Kanina gising na tyahin nya  at nakwento ko ang nangyari, sabi ng tyahin nya meron daw talaga dito sa subdivision nila. Ngayon iniisip ko kung nagbago na ba ang gusto ng mga tiktik? o aswang? Kung dati ay mga babaeng buntis ngayon ba ay wala na silang kasariang pinipili? HOHO curious talaga ko. ITO ang unang pagkakataon na nakarinig ako ng tiktik, pero hindi ito ang unang pagkakataon ng nakaranas ako ng di pangkaraniwan. Naranasan ko na rin dati ang masitsitan ng di nakikita, naranasan ko na rin makakita ng multo sa hagdan. Sa totoo lang malakas ang loob ko pagdating sa multo, hindi ako takot, pero sa aswang eh ibang usapan na lols. Sana ang naranasan ko kaninang madaling araw ay yun na ang una at huli sapagkat problema ko na naman pag nagutom kaming mamayang hating gabi, lols, kaya kelangan ko ng pangontra.

Salamat po at naway patnubayan tayo ng Poong Maykapal.

FOURever

  • My username does not fit me anymore :X
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 4457
  • Anything could happen.
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #437 on: July 04, 2011, 07:24:55 PM »
^natawa ako ng konti pero sana di mangyari yan sakin. Haha. Dala ka ng asin, bawang at buntot ng pagi. Lol. Pero seriously, yan lang alam kong pangontra
I like games well played :)

imyourangel

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 815
  • Keep dancing like we're twenty-two ♥
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #438 on: July 05, 2011, 01:04:04 PM »
eh pano nga naman kasi makakapag kuko yun eh bulag nga diba?

atsaka sa angle ng kwento  niya eh nakainom yung anak. baka sobrang lasing yan at nasapian ng spirito ni red horse kaya may mga illusions na.

wag tayo masyado maniwala sa mga sabi sabi. ako, maniniwala lang pag nasaksihan yan ng dalawang mga mata ko.

naalala ko yung sociology class ko nung college, sabi ng prof ko na gawa gawa lang yan ng mga spanish friars para takutin yung mga pilipino at magsamba sa katolikong simbahan. ang kapalit? ikapo. edi may kita ang simabahan. dun daw nagoriginate ang mga idea ng mga aswang, tiktik, kapre, manananggal, etc

pero yung idea ng ghosts iba yun, dun naniniwala talaga ako. :)


Me too! I believe in ghosts, but not dun sa mga aswang (kapre, tiktik and the likes)

CityHunter

  • Non Timebo Mala
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3077
  • Angel Oracle, Feng Shui and Reiki Master
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #439 on: July 05, 2011, 05:51:18 PM »
Hi, atiragram. 

A bit hard to understand yun post mo as a lot got covered by "textspeak."  However, try ko what I could to answer your question.

You are asking if may form of retaliation sa iyo for what you did to protect your dog?  It would really depend on the kind of actions you did but per your narration malabo mangyari.  You did not invite it nor bargained with it so there is nothing to bind you to it. 

Hindi ko lang maintindihan yun pagkahid ng kutsilyo sa pader.  That destroys the blade - sayang lang.  If its to destroy the chi being generated by whatever form there may be ay it may have served some purpose but its the wrong tool for that.  Mas ideal kung bell or sa New Age ay windchimes.  For best results, strong prayers confidently said out loud in that area is what should use.

Be happy that your dog wasn't afraid of it else iyong place mo na then ang target nila. 
Quality Higher Than Price!

 

ADVERTISEMENT
follow us
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
Featured Articles
5 Steps to Financial Fitness in Tough Times
Instead of grumbling about the plight of the peso and dwelling on the negative, try these helpful tips to stay afloat. Remember--a little discipline goes a long way!
You're the breadwinner: Now what?
You want the freedom to spend your money as you wish but you know that if you don’t bring home the bacon, no one else will.
Getting money-wise: Why women are naturally capable of managing cash
She works hard for the money but she doesn’t know how to invest it. Here, Pearlsha Abubakar tells us why women are capable of managing their money well, but don’t. Read and get smart with your money.
Never go broke again! The FN guide to financial freedom-forever!
Fear not bankruptcy or eternal dependence on your parents (or a man!). There's a financial strategy for everybody. Read and get money-wise.
Wise up: Start your own business!
Tired of living from paycheck to paycheck? Why not go into business? Read on and find out how just a little cash can become a lot.