naku ako naman super naniniwala ako dito based on personal experiences na rin. meron sa amin nito, marami.
ito una: iyong kapitbahay namin manganganak na mga 11pm na un, iyong isang anak na 18 y/o, mga ganong oras na din nakauwi galing eskwela, di nya alam na manganganak na pala mom nya. Bago pa sya pumasok ng bahay nila, may malaking pusa syang nakita sa may roof nila, nagtaka sya, ba't naman ang laki? pero deadma pa rin nya. di rin nya sinabi sa loob na may nakita syang malaking pusa. habang ire ng ire na iyong mom nya, sa may bubong nman ang ingay-ingay. ang akala nong tatay, mga magnanakaw(kasi minsan ng pinagtangkaan dati) so tumawag ngayon sa police, dumating naman agad iyong mga pulis, so un nireport nila na parang may tao sa bubong so pinagmasdan muna nila, pinalibutan ng mga pulis iyong buong bahay baka daw makatakas. may malaking puno kasi ng mangga don sa may likuran. iyong isang cop, sabi meron nga akong nakita na parang nagkukubli so nag warning shot sila, natakot yata iyong ekek, lumitaw. malaking pusa talaga sya di ako pwedeng magkamali dahil nakita ko din. sabi nong husband nong nanganak "bumaba ka jan, bwisit ka" sabi naman ng pulis, "bumaba ka jan, kung ayaw mong masaktan" so bumaba naman, pusa sya ha, don sa may puno ng mangga sya dumaan. alam nyo nong nasa lupa na sya, naging tao na na sya namang kapitbahay din namin, sa pag transform nya walang nakakita, pero inamin nya na sya iyong nasa roof, sobrang hinang hina sya, muntik pang bugbugin e kung di lang napigil ng mga pulis.
sa ngayon lalo syang tumindi, once pala na nakalipad ka na daw, grabe na raw iyon, hindi na daw babalik sa normal, ek-ek ka na raw talaga. totoo nga kasi ngayon, lalo pa syang tumindi at saka nanghahawa sya.