I have a dilemma, well actually, my stupid cousin's dilemma.
My stupid cousin (yes she's stupid so i don't feel guilty for calling her stupid) got pregnant with an SOB who is already married. Di sya separated ha, STILL married pa rin ang guy. In fact, 3 years pa lang ata sya married. Hindi mayaman ang guy, hamak na empleyado lang. He's 28 and my cousin's 25 ata. What's worse, my cousin KNEW about the guy's status but still continued with the relationship as if it didn't matter. In fact, ang kerida kong pinsan ay parang proud pa sa fact na nabuntis sya ng stupidong lalaki.
Sa sobrang kakapalan ng mukha ng lalaki at ng stupid kong cousin, nagimbento sila sa tita ko (na nanay ng cousin ko) na di pa raw sila pwede magpakasal kasi nga di pa daw ready. Bulls(#@*( di ba. Nagsinungaling pa ang mga gag0. Fortunately, my sister can't take it anymore so sinabi nya sa mommy ko real ang situation kaya nalaman ng buong angkan namin na kerida nga itong pinsan ko.
Anyway, my question is, can the wife sue my cousin? Even if my cousin's stupid and all, I'm still concerned about her welfare. My cousin and the guy don't live together. I assume, umuuwi pa rin ito sa asawa. Pero ang press release ng lalaking gag0 ay naghilaway na DAW sila. Tita ko ay SUPER bait, to the point na nakakainis na dahil hinayaan nyang magkita pa rin yung cousin ko at yung lalaki even if my tita found about the real status of the guy. Natatakot kasi tita ko na lumayas ang cousin ko eh mahal na mahal ng tita ko yung stupida kong pinsan.
Kapag ba kahit hindi live in, basta may anak, pwedeng kasuhan ang kabit at yung lalaki? Sa totoo lang, my friend akong nakulong because of adultery at ako ang nagbail sa kanya so I know kung ano pwede mangyari sa cousin ko kapag pinagpatuloy nya katang@han nya. Plus, yung asawa nung guy, may kilalang politicians eh baka mamaya may masama pang mangyari sa cousin ko.
I want them to split up, but what can I do, hamak na pinsan lang ako. My mom can't do anything since my aunt really loves my cousin so much na my aunt even tolerated the guy's mothereffing presence in her house. Bob0 pinsan ko dahil hindi nya alam ang repercussions ng mga pinagagawa nya. Sana mabasa nya ito.
Sorry haba ng dilemma ko.