Hindi ang Diyos ang nagbibigay ng trials sa atin. Hindi tayo sinusubok ng Diyos. Hindi sa Kanya galing ang mga pagsubok. Hinding-hindi.
minsan ang Diyos ay sumusubok din sa atin kung paano tayo katibay sa ating buhay at pananampalataya.
1 Pedro 4:12-13
Mga minamahal,
huwag kayong mangagtaka tungkol sa mahigpit na pagsubok sa inyo, na dumarating sa inyo upang kayo'y subukin na waring ang nagyayari sa inyo'y di karaniwang bagay. kundi kayo'y mangagalak, sapagkat kayo'y mga karamay sa mga hirap ni Cristo ; upang sa pagkahayag ng kaniyang kaluwalhatian naman ay mangagalak kayo ng malabis na galak.
1 Pedro 1:6-7
Na ito ang totoong ikinagagalak ,
bagama't ngayo'y sa sandaling panahon kung kailan ay pinalumbay kayo sa muli't muling pagsubok , upang ang pagsubok sa inyong pananampalataya na lalong mahalaga kay sa ginto na nasisira bagama't ito'y sinusubok sa pamamagitan ng apoy , ay masumpungan sa ikapupuri at ikaluluwalhati at ikararangal sa pagpapakahayag ni Jesucristo.Apoc 3:10
Sapagka't tinupad mo ang salita ng aking pagtitiis, ikaw naman ay aking iingatan sapanahon ng pagsubok , na darating sa buong sanlibutan ,
upang subukin ang mga nananahan sa ibabaw ng lupa.
Santiago 1:3-4
Yamang nalalaman na ang pagsubok sa inyong pananampalataya ay gumagawa ng pagtitiis. At inyong pabayaan na ang pagtitiis ay magkaroon ng sakdal na gawa , upang kayo'y maging sakdal at ganap, na walang anomang kakulangan.
Zacarias 13:9
At aking dadalhin ang ikatlong bahagi sa apoy, at sila'y dadalisayin ko na parang pilak na dalisay ,
at sila'y susubukin ko na parang pagsubok sa ginto. Sila'y magsisitawag sa aking pangalan at aking silang didinggin: Aking sasabihin , Siya'y bayan ko ; at Aking sasabihin , Ang Panginoon ay aking Diyos.
Awit 66:10
Sapagka't ikaw , Oh Dios , tinikman mo kami : Iyong sinubok kami na para ng pagsubok sa pilak.