oh my gosh tagal ko nagbackread sa topic na to kasi yung aso ng bf ko tadtad ng kuto! nahawa sa mga aso ko. kaya napahanap ako pampatay ng kuto. wawa kasi eh. wala kami budget pang frontline kaya hanap ng cheaper option. nung una di ko pa alam san makakabili, one time naglalakad lang ako may nadaanan ako tindahan ng food ng manok, meron sila sevin around, Php75 lang, tapos yung malathione mga 25 pesos lang ata, pero suggestion nung girl sevin kasi mashado matapang malathione, nung tinry namin yung malathione matapang nga...masakti sa ilong!!!! pinangspray na nga lang sa dingding pero tinigil din ng bf ko pagspray kasi sobra tapang eh may mga bata sa kanila.
then yung sevin suggest sa min yung last banlaw ng aso, bubuhusan siya ng sevin na nakahalo sa tubig...yung isang balde ng tubig mga 2 tbsp ng sevin.....pero nung ginawa namin parang walang effect mashado. kaya since nabasa ko dito yung hinahalo sa cornstarch. kaya bumili ako gawgaw hinalo ko sa sevin, nakamask na ako at gloves hah, nilagay ko sa aso ko, medyo makalat nga lang. overnight ko lang nilagay, tapos ngayon pinaliguan ko na, kita ko pagsabon pa lang andun na yung mga kuto kasama na ng bula...mas effective pala yun.
to think akala ko wala na kuto kasi walang malalaking kuto after mabanlawan before ng sevin na may tubig, pero nagkakamot pa rin sila, kaya kahapon konti lang binudbod ko dun sa aso namin na malaki....kasi wala na ko makita......tapos kanina pinaliguan ko..oh my gosh dun ko nakita ang dami pala niya maliliit na alaga kita ko, habang sinasabon ko sha yung mga bula may mga kasamang maliliit na kuto. hay. i'm so happy
