Get weekly updates via email!
tip of the day THU 23 MAY 13
If being in transit causes you to get dizzy, prepare yourself well before the bus leaves. Choose a comfy seat and make sure to take a
Good House Keeping
31 DAYS TO HAPPY
A brand new look with more of the tried, tested, and trusted content you've been reading for 15 years!
Good Housekeeping
GIRLTALK

Author Topic: DOG: Care, Health, and other Tricks  (Read 16929 times)

angeLven

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 115
Re: DOG: Care, Health, and other Tricks
« Reply #180 on: May 21, 2013, 01:30:56 pm »
ayun! nakabili ako sa pet supply store (forgot the name) sa 3rd Floor ng Cash and Carry. P75/tablet Iverex ang brand

Normal lang ba na after deworming lumalambot ang poop tapos may blood for about a week? ganyan kasi ang napapansin ko sa beagle ko, dun sa isa namin dog di ko napapansin kasi nasa province sya at sa labas ng bahay namin sa province sya nagroroam.

abuanddiego

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2606
Re: DOG: Care, Health, and other Tricks
« Reply #181 on: May 21, 2013, 01:48:24 pm »
angelven, 65 lang per tablet sa dogs and the city, bumili ako last Sunday. Anong weight ng dog mo? per 10kg ang 1 tablet, baka half lang magamit nyo, may extra half ka pa. Sa pet express by the box ata sila.

Yung paglambot ng poop at onting blood, sign yan na may worms sila. Pero sa experience ko di pa naman kami inabot ng 1 week na ganyan after magdeworm, usually days lang tapos balik normal na. Try mo pa-stool test baka meron syang bacterial infection. Samin kasi noon parang salmonella, dami binigay na gamot.

twelve, nagseselos nga ako kasi pag may girl doggie, nakakalimutan nya ko hihi. mahal naman sa clinic na yan, ano kayang klaseng dewormer gamit nila ;D

Say it like you mean it!

angeLven

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 115
Re: DOG: Care, Health, and other Tricks
« Reply #182 on: May 21, 2013, 02:17:56 pm »
5 kgs sya last week. sa clinic na pinagdadalhan ko sa beagle ko, 350 ang dewormer :( although feel ko mura na yung vaccines nila (compared sa vet ng dog namin sa province)
5 in 1 350, antirabies 250
dapat ko pa bang ibigay muna sa kanya yung dewormer or ipatest ko na sya muna? haist
feeling ko masamang impluwensya sa kanya ang mga dogs namin sa province, isa lang kasi dun ang dewormed and fully vaccinated e. kapag nga nasa province tiyaga tiyaga na lang akong maglinis after him dahil ayaw ko syang palabasin, ilang oras silang nagtatahulan tapos parang nagkakasugat pa sya dahil sa kagatan nila :(

twelve5

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2210
Re: DOG: Care, Health, and other Tricks
« Reply #183 on: May 21, 2013, 02:41:40 pm »
abuanddiego, ganyan din yung pogi ko. pag nakaka amoy ng pwet ng girl, di ako pinapansin. hehe... overcharging lang yung vet kasi na-mention ko na VIP talaga pinupuntahan naming vet. misconception kasi is mahal sa vip.

angeLven, in my experience naman, minsan lang mejo soft stool tsaka 1-2 days lang after deworming. yung blood naman, parang i dont recall my dogs experiencing it... baka madaming parasites yung dog mo? do you see worms everytime na dine-deworm sya? although di ko rin alam if may connect yun. hehe.


angeLven

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 115
Re: DOG: Care, Health, and other Tricks
« Reply #184 on: May 21, 2013, 02:45:38 pm »
hindi ko nakikitaan ng worm yung stool nya after deworming, chinecheck ko din talaga pero yung last part ng poop nya may blood. ayun nga almost 1 week then back to normal na. ngayon ko lang sya nakitaan ng worms. ask ko nga clinic how much ang lab test para handa ako sa pagpunta ko.

just called the vet, hindi na daw kailangan ipatest since sure na positive na for worms. ipapadeworm ko sya bukas then may additional na gamot na ipapadala then check again after 1 week.
« Last Edit: May 21, 2013, 02:57:08 pm by angeLven »

twelve5

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2210
Re: DOG: Care, Health, and other Tricks
« Reply #185 on: May 21, 2013, 03:36:13 pm »
^ usisain mo yung vet.... ask what you expect to happen after nung gamot. anong normal side effects and ano ang di normal na kelangan ng immediate medical attention.

ganyan kasi ako sa vet namin. ang kuket ko.. ayoko kasing nagpa-panic pag may nangyayari after bigyan ng meds. pag sumuka or lbm, expected na may picture yan at pinapakita ko pa sa vet.  ;D

anyway, sana maging ok na doggie mo.

abuanddiego

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2606
Re: DOG: Care, Health, and other Tricks
« Reply #186 on: May 21, 2013, 04:46:41 pm »
^^ang mahal ng 350 na deworming ah, rate na yan for big dogs. I agree sa obvious ngang meron syang worms kasi kita naman sa signs, pero may cases kasi na kailangan muna itreat bago ideworm lalo kung may infection. ganun nangyare kay abu dati, antibiotics muna tapos pag sumigla at nabuo ang poop dun ko pa lang pwede ideworm. ang stool test usually nasa 150-200 lang.

pag nasa province din kami medyo ilag ako sa mga dogs doon, nangunguha kasi sila ng food kung san-san at lupa yung tinatapakan, mas prone sa worms at alam kong di sila nagpapavet dahil nasa gitna sila ng bukirin haha! Kaya todo bantay na lang ako pag magwawalk kami kasi I let them to roam freely, makalanghap man lang ng fresh air at makatapak sa lupa ang mga mokong paminsan hehe
Say it like you mean it!

angeLven

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 115
Re: DOG: Care, Health, and other Tricks
« Reply #187 on: May 21, 2013, 05:34:20 pm »
Thanks sa concern mga sis. Okay naman ang poops nya ngayon, firm and no (visible) traces of blood. nangyayari lang iyon mga 2 days after sya ideworm tapos almost 1 week then back to normal na na madaling pulutin.
kung wala lang akong outing this weekend hindi ko muna sya iuuwi ng province e. every weekend umuuwi kami e. gusto ko din sanang nakikipaglaro sya sa ibang dogs kasi di ba part of socialization yun

nagtatanong naman ako sa vet (minsan) like the first time we went there after ko sya makuha, kakadeworm lang din nya nun, sinabi ko may blood yung stool nya. ask ng vet kung kelan pa (siguro since blood sa stool can also be signs of other fatal diseases) nung nalaman nya na 1 week ago pa yun and wala na, okay lang daw yun. wala pa rin namang pagkakataon para maging matanong ako dahil puro vaccine pa lang ipinupunta namin doon. ngayon pa lang

buti na lang din may pagkaOC ako, always wash hands and feet after handling my puppy. nakakadry na nga ng skin e. although napaparanoid pa rin ako na baka pati ako nagkaworms na din :(

abuanddiego

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2606
Re: DOG: Care, Health, and other Tricks
« Reply #188 on: May 21, 2013, 11:48:11 pm »
^naku di ka nag-iisang dry ang kamay, ako rin tumigas na ang palad kakahugas ;D 
dakutin mo na lang right after magpoop, ako minsan iniinspect ko pa mabuti pag may napansin akong kakaiba, walang diri-diri haha!

gusto ko rin sana sila ihalo sa ibang dogs kaso natatakot ako baka mag-away puro males kasi.
speaking of deworming, weird yung shih tzu ko binigyan ko ng half tablet few weeks ago then few days after medyo lumambot ang poop at parang may mucus. ngayon medyo nawala na pero bibigyan ko sya ulit ng half tablet para makasiguro
Say it like you mean it!

twelve5

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2210
Re: DOG: Care, Health, and other Tricks
« Reply #189 on: May 22, 2013, 01:56:29 am »
 frequent handwashing + antibac soap = lola hands ako  :P

 hirap ng hands-on pet owner. maski  ako i never realized na its too much work pala. parang may human baby ka rin. dati kasi mom ko and maids ang nag-aalaga ng dogs. ang role ko lang was lamutakin sila.

then in 2009 ako mismo nag alaga ng 4 pups. haggardness!!!!  i had no maid. ako mismo nag sweep ng pupu, clean ng vomit.  kanda duwal ako nun. di pa sanay ang ilong sa halimuyak.  hehe  ;D  but no regrets. sanay na rin sa lahat ng kadiri.  basta armed with disposable gloves, paper towels at alcohol.  ;)

my pogi was dewormed last weekend. lugi na naman ako kasi parati naman walang nilalabas. or baka microscopic?  ;D mas malinis ata talaga ang indoor pets.

abuanddiego

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2606
Re: DOG: Care, Health, and other Tricks
« Reply #190 on: May 22, 2013, 07:13:14 am »
^kung indoor naman sila at di palagala, okay lang kahit abutin ng 6months ang next deworming. or pastool test muna kayo bago magdeworm para sulit.

kami naman kahit si abu ang indoor, parang sya pa yung mas lapitin ng worms. napansin ko na to, kahit anong diet, lagi na lang sya yung may signs sa poop. consistent yan ilang beses na rin sya naglbm at tinakbo sa vet dahil dito. basta pag inabot kami ng mga 4months or more after the last deworming sched, nagkakamucus ang poop nya tapos lalambot. minsan kahit gusto ko syang pagalain to sawa para masanay sa dumi, di ko magawa kasi dumudumi at bumabaho sya, eh kasama ko sa bahay at pinapatong ko sya sa kama ko. at hello wala kaming yaya, ang hirap kaya magtuyo ng shih tzu!

nakakahiya makipag-holding hands ano? haha! ayaw ko na ngang mafeel ng iba ang kamay ko, minsan kahit may iaabot lang, hiyang hiya ako kasi mafefeel nila ang lola palms ko hahaha!
pero it's all worth it naman, chaka na kung chaka ang kamay pero at least we have bragging rights ---certified hands-on doggie moms tayo ;D
Say it like you mean it!

twelve5

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2210
Re: DOG: Care, Health, and other Tricks
« Reply #191 on: May 22, 2013, 08:17:16 am »
^ huhu wag naman lola palms. too much na yun. hehe... dapat moisturizing soap nalang gamitin natin kesa antibac. too harsh kasi yung may alcohol... then mas ok kung mag moisturizer talaga after every hugas. pero magiging magnet naman hands sa balabibo. nyek.

yes, sis, every 6 months na deworming nila ngayon kaya mejo tipid na rin.  :)


eta: may yellow fabric/towel/rag na binebenta to dry dogs. actually ginagamit din sa cars yun. i dunno if effective nga sya talaga.
« Last Edit: May 22, 2013, 11:25:34 am by twelve5 »

angeLven

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 115
Re: DOG: Care, Health, and other Tricks
« Reply #192 on: May 22, 2013, 07:28:25 pm »
tama kayo mga sis. hirap pag hands on sa doggies tapos gusto mo talagang naaalagaan sila. sanay kasi ako na ang mga aso nasa labas ng bahay. typicall aspins kahit na cute pa sila like our two adult aspins na half aspin half whatever mabalbon na breed. tapos puro bigay/hingi. kaso nainlove ako talaga sa beagle at noong nagkaroon ako talaga nafeel ko ang pagiging mommy ko sa kanya at sa isang puppy namin na nauna kay beagle. lahat ng gastos, sakit ng ulo, pagdisiplina ako. hands on din ako sa mga aso namin sa province, nagpapaligo, nagpapakain pero not like parang baby ko sila. na-stress talaga ako lalo na kay Tytus (got him 1 month before Radley- the beagle). ayaw nyang kumain ng dog food, kaso nasa province sya di ko sya masubaybayan. napauwi talaga ako, tapos naglabasan yung mga rashes ko na due to stress. hindi rin sanay ang mga nasa bahay na medyo high maintenance ang aso, basta yung papakawalan lang sa labas tapos papakainin. madaling sumuko. nalampasan na namin yun. Si raldey naman lives with me dito sa M.Manila. mas kampante na ako kasi mas nasusubaybayan ko sya. pero malaking adjustment at mas malaking gastos. All worth it naman especially kapag nahuhug ko sya. Madiriin din talaga ako, natural na maarte. pero natiis ko ang "fragrance" na dulot nila nakakahiya na nga lang tumanggap ng bisita dahil talagang alam ko iba na ang amoy ng tirahan ko kahit anong linis at pag-spray ang gawin ko.
Edit: sabi pala ng lola ko nang dumalaw sya samin last Sunday, bakit nasa loob ng bahay ang aso? sabi ko sa nanay ko, naku pasalamat sya at hindi kami nagpang-abot dahil papahalikan ko sya kay Radley bebe hehe

Got Radley dewormed na kanina. Same price, 350. may binigay na tablet sa kanya (1 whole), then inject ng what I think is vitamins (forgot to ask pero ganyan yung kay Tytus kapag dinedeworm sya pero sa vet namin sa province 350 deworm + 100 vitamins at according sa sis ko na nagdadala sa dog ko sa vet ni hindi naman daw wineweigh si Tytus  >:( ) then the vet gave me 2 sets of 1 and 1/2 na table para bukas and sa Friday continuation ng pagpurga sa kanya. Wrong timing pa nga dahil wala ako ngayong weekend. The vet adviced me na wag ko munang iuwi si Radley sa province kaso sabi ko I have to dahil wala ako ng weekend. sabi ko sabihan ko mga tao sa bahay na wag syang palabasin. pwede pa rin daw kasi na baka nasa ilalim ng slippers ang eggs ng worms although we use a different set of slipper para sa labas at sa loob possible pa rin naman siguro yun.

suggest din ng vet na ideworm ang mga puppies namin (6 weeks old) dahil pwedeng cause of death ng puppies yun. Eksakto naman I bought Papi dewormer last weekend and I gave it to them last Sunday. I asked my sis today if may napansin ba sila na worms na lumabas sa puppies, meron nga daw.
« Last Edit: May 22, 2013, 08:09:46 pm by angeLven »

 

ADVERTISEMENT
follow us
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
Featured Articles
Stay All Day: Easy Tips for Keeping Your Makeup in Place
The girls at Cosmo.ph offer these helpful tricks!
The Great Gadget Face-Off: Tablets vs. Notebooks vs. Tablet-Notebooks
Get the lowdown on these three popular gadgets and find out which one suits your taste the best.
5 Things You Should Know about Tapas
Learn more about these bite-sized snacks that are usually paired with drinks.
To Lend or Not to Lend: When Friends Borrow Money
What's your stand on lending money to your friends?
The Fast and the Furious: 3 Tips for Quickie Newbies
Sometimes, you just have to let your inhibitions go.
DMCI DMCI