ako pure luck siguro ang reason kung bakit ako naka punta sa US, lalo na wala akong relatives dito.
i applied for a US tourist visa late 2008. Being single and unemployed i thought i would be denied. kung di ba naman luck ang tawag sa pagka approve ng tourist visa sakin. i think kaya ako nabigyan kasi nakita sa passport ko na every year kami nagtatravel ng mom ko.
In 2009, nag travel kmi ng mom for for 3 weeks sa west coast. wala akong relatives sa US tapos yinaya ako ng college classmate ko tumira sa kanya para mag hanap ng magpepetition. ang hirap kasi nakikitira din pala sya sa sis in law nya. so nagpaiwan ako sa US then 1 month later, nakahanap ako ng employer na nagpetition sakin ng H1B. Wala kami kilala sa company na yun. Filipino yung adminsitrator nag walk in lang kmi ang tinanong ko kung nagpepetition sila. sabi nya why not. nandito ka na rin lang naman wag ka na bumalik sa pinas. lol ang condition lang nya, ako gagastos sa lahat including lawyer and other fees.
Mahirap ma-approve ng H1B pero with luck again, after a few months, na approve yung H1b ko. April kami umalis ng philippines then by november nagwowork na ako full time. sobrang hirap ng first 7 months sa US. wala ako work, naghihintay lang kung ma approve yung h1b tapos nagbabayad pa ako ng rent sa house na tinitirhan ko. nag companion ako sa matanda for 3 hours/day para lang pandagdag sa allowance na pinapadala ng mom ko. wala pa akong car so kung mag grocery ako nag bus ako dala dala madaming groceries. pati pag babysit pinatulan ko na rin noon.
after 3 years of living in the US, i think it was all worth it. got married here and now i have a permanent green card. hubby and i are now about to buy our first house and start a family.