ako naman, di ko everyday ginagamit yung isang bag. i mean, if not everyday na nagpapalit ako ng bag, every other day. para lahat nagagamit ko, and di rin maluma agad. after using, pinupunasan ko if i know na nadumihan. then lagay ko dust bag tapos sa box. lahat ng designer bag ko naka-box, if walang box, naghahanap ako ng bag na pwede dun. pero with my pochettes na walang box, dun ko na rin nilalagay sa box ng malalaking bag. then never ko nilalapag kung saan-saan. as in todo ingat.
and since, dami na kong designer bags, actually not just designer, meron ding di ganun kamahal. it's just that i love bags, i have this cabinet/shelf na strictly for bag lang. pasadya yung cabinet, then glass facade. each layer for certain bag. pag yung mga hindi designer, samasama sa pinakababang layer. may humidifier (?) lang yung cabinet. i got the concept from ara mina.
sa marks or stains naman, nung bumili kasi ako ng gucci joy. limited edition yung color na binili ko. as in one color lang daw per gucci boutique (sabi ng SA). since friend ni hubby yun, may binigay siyang panlinis. but i can't read it eh. yung isa parang malapot na cream na for leathers (pwede daw sa LV) and then isa parang rubber lang, if tela yung bag, like gucci's.