Get weekly updates via email!
tip of the day SUN 21 DEC 14
Going out in the sun? Never underestimate the power of sunscreen! It helps prevent blotchiness, spider veins, and premature wrinkles.
  • Good House Keeping
    End your year on a sweet note with the December issue of Good Housekeeping magazine!
    Good Housekeeping
GIRLTALK

Author Topic: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?  (Read 70269 times)

SnowBall

  • Love my Stars!
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2535
  • yebah!
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #20 on: February 23, 2008, 03:19:08 PM »
biktima kami ng tsismis dati, as in kung ano anong kabalbalan ang pinagkakalat about us, nanahimik lang kami, eventually lumabas din naman ang totoo, o eh di yung mga nagtsitsismis sa amin dati eh natameme.

Wala ka naman magagawa sa mga pasaway na makakating dila na mga yan eh, awayin mo yan eh di lalo lang sila nangigil na itsismis ka, kaya quiet ka na lang, karma na maniningil sa kanila.
POV lang, Walang Personalan ;)


"Don't get down in the mud with the pigs. You will both get dirty and the pigs will love it."

aquacharly

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 4748
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #21 on: February 23, 2008, 08:59:50 PM »
The less interaction, the better.  Try not to talk to her anymore.  If you encounter her outside,  just smile or say hi -- that's all and keep on moving.  If she drops by your house,  tell her sorry but you have to go to the bathroom you have lbm or something so she leaves.

Amphitrite

  • wife, mom, student, wedding planner &
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1034
  • Magickal Muse
    • Magickal Muse
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #22 on: February 24, 2008, 04:32:53 AM »
Dami ganyan dito sa amin.

Deadma lang, kapag dumadaan kami at pansin namin na pinag-uusapan kami eh kinakawayan namin para mainis lalo. Hehe! Inggit lang sila.
My blog, My thoughts, My passion, My Life

Home of Rajon Labradors

True magick transcends intellectual ability.

ellheym

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 380
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #23 on: February 25, 2008, 09:29:18 PM »
mabuti na lang nakatira ako sa lugar na walang pakialamanan. hindi ko nga nakikita ang mga kapitbahay ko at hindi din nila ako nakikita. so far hindi ko yan nararanasan. pero kung sakali sa akin mangyari deadma na lang.
Work like you don't need the money, love like you've never been hurt, live like there is no tomorrow, dance like no one is watching. http://elegancepiece.com/

trixie*tyra

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 111
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #24 on: February 26, 2008, 02:34:26 PM »
The best thing  to do is IGNORE.  Mga inggit lang yan.  I used to stay in a family compound.  And my in laws were always making pakialam.  It irritated them more when they felt that I didn't care/mind about what they said about me.

sellie

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 62
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #25 on: February 26, 2008, 04:38:10 PM »
hay naku, ako nga bihira lang ako lumabas ng bahay pero nai tsismis pa rin ako ng inggitera kong kapitbahay.  may party akong inatendan minsan dito sa kalye din namin.  aba parating pa lang ako dun eh tsinitsismis na pala ko ni inggitera.  sabi dun sa isang bisita "ah yan, di lumalabas ng bahay yan.  laging naka duster...lalabas lang yan para magtapon ng basura.  mukhang katulong"  :-[  o di ba panalo ang chika nya!  ano ang ginawa ko?  wala, deadma lang.  eh totoo naman yung sinabi nya eh.  hahaha!  pero nung minsan may ginawa yan na di pwede palagpasin sinugod ko na at tinalakan.  lahat ng galit ko sa kanya nilabas ko that moment.  pati yung pang ookray nyang ginawa sa akin nung party eh inungkat ko din  ;D

fairy princess

  • MOMTREPRENEUR
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 929
  • *SOAR HIGH*
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #26 on: February 26, 2008, 04:39:10 PM »
Deadma lang... yan lang kasi ang kayang gawin ng mga taong walang magawa sa buhay. Tsk...tsk...
"It's never too late to be what you might have been..."

cher.liman

  • verdadera muneca
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3024
  • NATABUNAN NG PM!
    • Word for the World
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #27 on: February 26, 2008, 06:34:18 PM »
aha! expert ako dito. oooopps hindi ako ang chismosa. ako ang victim.

lahat na yata ng klase ng chismis meron tungkol sa akin. kesyo may lalaki ako, gay ako, nagda-drugs ako at drug runner pa daw ako at take note, international drug runner pa.  ;D ;D una apektado ako kasi may growing son pa ako at that time. fear ko baka maapektuhan ang growing-up years nya psychologically since single parent ako. hindi ko pinabayaan na maapektuhan ang buhay ko, katuwiran ko bakit ko papatulan ang mga anay ng komunidad ko.  ::)

ano ginawa ko? deadma lang lahat. wala akong obligasyon na i-prove sa kanila na mali ang mga chismis. house-work-house-work lang ang drama ko. now!? kumakain na sila ng alikabok sa paligid ko. kahit hindi ko kailangan ng serbisyo nila, sila na mismo ang lumalapit para tulungan ako sa mga whatsoever. kung baga prisintada na sa akin. but still, hindi ko sila binibigyan ng passes para maging close sa amin ng anak ko.  :P

para sa akin ang mga taong pre-occupied sa mga chismis sila ang mga taong gusto kang i-over-power kasi feeling nila mas may power ka kesa sa kanila. power play lang baga. kung papatulan mo, nagawa nila ang mission nila. magpapa-talo ka ba sa evil side?     



Ang galing ng sagot mo sis! Dapat nga ganito ang gawin. Ako kasi would depend on how bad they are trying to ruin me, yung tipong for example involved na ang asawa ko or whatever naku ipapabaranggay ko sila, talagang maghahalo ang balat sa tinalupan.

Buti nalang mabait akong kapitbahay at mabait din ang mga neighbors ko :)

chinita_charm

  • Satisfaction Guaranteed! Yes I am a
  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 129
  • "being HAPPY is a journey"
    • www.multiply.com
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #28 on: February 26, 2008, 09:43:56 PM »
naku sis ako tamang deadma lang.. kasi ang taong puro tsismis walang laman ang utak.
coz i dont wanna feel the pain in my heart


live. love. laugh.

magic dragon

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 510
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #29 on: February 27, 2008, 08:07:35 AM »
^^  :D ako rin nuon naglagay ng limitation na pag once na-involve ang anak ko, patay sila sa akin. wala naman nangyari. pero one time the closest neighbor made an unproven issue about my son's relationship to his father but it never got out of proportion kasi naka confine lang talaga sa amin ang issue. still, patay pa rin siya sa akin. dinedma ko na lang siya since then. katuwiran ko kasi...proven na talaga nuon-nuon pa suuupper sa inggit sila sa anak ko kasi sa lahat ng bagay suwerte siya sa mga biyenan ko. btw, single parent ako for the longest time AT tahimik lang ang drama ko sa neighbors.

 :D minsan masarap din mag power play. years ago, i happened to encounter the folks, just some contemporaries who are gainfully employed, and who happened to have gotten involved on the chismis about me one way or another. during one get-together...just the phrase "nagtataka lang ako sa mga ibang tao rito, mga titulado naman, may mga trabajo naman, buo naman ang pamilya and still bakit may panahon pa sa mga chismis...napaka unproductive, feeling insecure at suuuper inggit ang umiiral. hindi na lang mag-isip ng ika-aasenso. syempre gusto ng iba may tinatalangka sila." hayun! patay malisya sila sa sinabi ko pero hindi nila alam, alam ko na one way or another involved sila. heheh! since then tahimik na sila.

katuwiran ko, the less you talk, less trouble. more talk, more trouble. pero minsan masarap din sila bigyan ng leksyon in a subtle way. after all, there is power in subtleness. 

ang aga-aga ang daldal ko.   ;D ;D

         
Haters are confused admirers who can't understand why everybody loves you.                                                          ♥ Paulo Coelho ♥
         i am no hater, but more of a laugher. life is too short. let's just have fun.

pillowski

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 235
  • Life is a long lesson in humility.
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #30 on: February 29, 2008, 06:21:21 PM »
Yang pagiging tsismosa at inggitera ba ay sakit?  Bakit dumarami sila???? Dito din sa amin napakadaming ganyan.  Me nakilala akong neighbor malapit dito sa bahay namin, actually bago lang sila from the nearby subdivision, naging friend kami kasi pare-parehong OFW ang mga asawa namin.  Retired PLDT employee ako at syempre edukada ako na naging plain housewife, of course marami akong alam gawin, so ang siste...ang babaeng inggitera na at tsismosa pa ay sa akin pinapagawa ang school project at assignment ng mga anak nya, take note 5 kids ha? She befriended me at dumating pa kami sa point na parang sisters na turingan namin, nanghihiram pa sya sa akin ng pera (naisosoli naman on time...)  Yung pala kapag nakatalikod ako ay sobrang kung [textspeak!]-ano ang kinukuwento na panay nega sa mga taong nakapaligid sa kanya.  Mula nuon umiwas na ako sa kanya, na naging cause para magalit siya sa akin. 

Nagpagawa ako ng malaking gate....alam nyo ba na me naghuhulog ng nasty letters sa akin.

Dumating si husband ko from barko, me caller ako na kung anung malaswang word at ke husband pa gustong iparating?

Lately nung bumili kami ng brand new car...Me nag email sa akin ng grabeng message....

Sa lahat ng yan, isang dedma lang lahat, wala silang narinig sa akin.  Although alam na alam ko na siya lang at ang mga kakutsaba nya ang gumagawa sa akin nun.  Anywayz karma na siya, balita ko naghihirap at baon na talaga sa utang, kasama na mga kakutsaba nya na friend nyang kapwa na tsismosa at inggitera.

Ang goal ko lang ay huwag na siyang makatungtong sa apat na sulok ng bahay namin.  At huwag na nya akong magambala sa kakahingi ng favor tapos sisiraan lang pala nya ako kapag nakatalikod ako.  This people is the worst neighbor you can have....
I never knew how to worship until I knew how to love.

cuteyabby

  • kdrama & twilight saga addict...
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 775
  • Live life to the fullest... Enjoy life!!!
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #31 on: March 07, 2008, 04:37:47 PM »
hay naku! minsan pag hindi ko talaga matiis, kasi ako yung pinagtsismisan nila, nagpaparinig ako! sinasabihan ko sila "kung wala kayong magawa, wag nyong pakialaman ang buhay ng iba" ;D tahimik sila! yun tipo talagang maririnig nila yung sasabihin ko.
"SS501 forever as one... SS501 and Triple S together forever."

"The importance of something is seen when it's done. The worth of someone is realize when their gone. For it'll always be a mystery that we realize the essence when it's already a MEMORY!"

arron

  • A very proud momma
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 239
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #32 on: March 07, 2008, 10:10:03 PM »
Ignore , ignore, ignore.... Mamamaga lang ang mga tonsils nila sa katsismis.

gab54

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 964
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #33 on: March 07, 2008, 10:54:21 PM »
deadma lang, wala na nga akong ginagawa, tsinitsismis ako, panu pa kaya kung patulan ko, eh di magkakarun ng grounds ang mga ipinagkakalat niya about me?
kahit saan may ganyan, inggiterat inggitero, they cant accept the fact that others can have better lives than them. if they only know, the more they envy and attack others with malice, lalo silang hindi iblebless ni Lord. and if they continue, makakahanap din sila ng katapat. it doesnt have to be you... pray for them nalang

WinterBerry

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 101
    • <a href="http://www.hasslefreeclipart.com/clipart_food/strawberry.html" title="Free clip
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #34 on: March 08, 2008, 04:38:23 AM »
lalo ko silang iniinggit
:: loved and spoiled ::

icebucks_2007

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 45
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #35 on: March 10, 2008, 03:07:35 AM »
........befriend them
........pag hindi nagwork bahala sila sa buhay nila.dont try to explain to them they wont believe you anyway

twix

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 858
    • Itawad
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #36 on: March 10, 2008, 11:29:42 AM »
^ dead ma as long na wala naman ako ginagawa at nanahimik ako sa loob ng bahay, eversince  di ko ugali mangapitbahay...buti nalang at tahimik dito sa area namin isa lang ang tsimosa dito sa amin dati pinsan ni hubby at last wala na sila dito... ;D
Make time to enjoy life, relax, smile and giggle everyday! :)

cuteyabby

  • kdrama & twilight saga addict...
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 775
  • Live life to the fullest... Enjoy life!!!
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #37 on: March 10, 2008, 09:58:50 PM »
minsan kasi kelangan sila bigyan ng leksyon. kasi kung tatahimik ka lang lalo silang mangangati na pagtsismisan ko.
"SS501 forever as one... SS501 and Triple S together forever."

"The importance of something is seen when it's done. The worth of someone is realize when their gone. For it'll always be a mystery that we realize the essence when it's already a MEMORY!"

Joycy

  • Living life with integrity and order...
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 673
  • is in love with Kakashi Hatake
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #38 on: March 10, 2008, 11:59:04 PM »
Ako...i receive my fair share of gossips and criticism. Pero i don't dignify the rumors by reacting to it. Deadma lang ang drama ko.  ;D Hindi naman sila nakatulong sa buhay ko so why should their opinions matter? Minsan nga pinapainis ko pa sila. I smile and wave at them.  ;D Pinapakita ko na masaya ang buhay ko.
God tied u and I together by our little fingers with a long red string. This bond of destiny cannot be seen and there is no map leading to u. So i will fall in love with u when i meet u.

follow me @ www.twitter.com/Venus914

merryjazz

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1245
  • Fighter and believer
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #39 on: March 11, 2008, 08:43:08 AM »
ako ignore ko lang din sila and hindi ko pinapakita na naiinis ako sa mga pingasasabi nila about me.

pero kapag may chance, lalo ko sila iniinggit hehe...
I love you sweetie.... You are my strength and my inspiration.

 

ADVERTISEMENT
follow us
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
Featured Articles
5 Steps to Financial Fitness in Tough Times
Instead of grumbling about the plight of the peso and dwelling on the negative, try these helpful tips to stay afloat. Remember--a little discipline goes a long way!
You're the breadwinner: Now what?
You want the freedom to spend your money as you wish but you know that if you don’t bring home the bacon, no one else will.
Getting money-wise: Why women are naturally capable of managing cash
She works hard for the money but she doesn’t know how to invest it. Here, Pearlsha Abubakar tells us why women are capable of managing their money well, but don’t. Read and get smart with your money.
Never go broke again! The FN guide to financial freedom-forever!
Fear not bankruptcy or eternal dependence on your parents (or a man!). There's a financial strategy for everybody. Read and get money-wise.
Wise up: Start your own business!
Tired of living from paycheck to paycheck? Why not go into business? Read on and find out how just a little cash can become a lot.