I personally plan talaga yung birthday and binyag ng 2 boys ko. yung kanilang 1st birthday, talagang every detail masasabi kong akong ako yung mga yun hahaha... from colors, design at arte lahat sa akin nanggaling. malaking tulong din kasi na you plan ahead of time kasi minsan nakahanap ka talaga ng mga murang suppliers para sa event mo.naiisip mo din yung mga detalye na pede mo ng i-DIY kesa i-order mo pa sa ibang suppliers. nung 1st birthday lang naman ako talaga naghanda ng bonga sa kanila pero yung mga sumunod na birthday ay house party na lang but still madami pa din napa WOW kasi nga halatang pinaghandaan, pinagplanuhan at pinag isipan!
with their binyag, hindi ako masydo OC sobra. nagfocus naman ako dito sa food kasi tingin ko ito ang pinaka importanteng aspeto ng event na ito. other details like cake, souvenir, invitation etc etc dapat lang well coordinated ang kulay. yun lang naman ang rule ko. kapag kasi masydo madami kang gustong gawin sa event mo, parang mas nagkahalo halo na yung mga ideas, mas naguguluhan ka ngayon kasi parang lahat gusto mong ilagay at makita sa event mo. focus lang dun sa basics needs para hindi ka malito

at present I'm now starting to prepare for my bunso 2nd birthday this august. kaya lang hindi pa ako makapag full blast ng planning kasi andito kame sa UAE. stil have to decide kung house party or sa labas since pareho lang din naman ang gastos kung susumahin mo. so siguro ito muna ang pagdedecidan ko till next week para maayos ko na din yung design ng invites at decor na kakailanganin ko after.
ang haba na, hope it helps po...