Get weekly updates via email!
tip of the day FRI 31 OCT 14
Having trouble staying true to yourself? Spend time with your loved ones to remind yourself of who you are--after all, they know you best.
  • Good House Keeping
    Judy Ann Santos-Agoncillo returns to our cover this September issue and gets candid about money, marriage, and motherhood.
    Good Housekeeping
  • Women's Health
    Drop two sizes fast—with simple exercises you can do at home! This month's ultimate weight-loss special shows you how. Plus, real women share how you, too, can shed and keep off excess weight for good.
    Women's Health
GIRLTALK

Author Topic: Kingdom of Saudi Arabia  (Read 113488 times)

gorgeous_mommie

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 725
  • If you're not sure if someone wants to be in your
Re: [red][b][textspeak!][/b][/red] (Saudi)
« Reply #20 on: September 27, 2007, 11:45:12 AM »
BTW hows the weather there by this oct to feb08?
"Dont get mad when a girl cares too much. Worry when she starts not to care at all"

sxyfreak

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 144
  • Men exist to make women look good
Re: [red][b][textspeak!][/b][/red] (Saudi)
« Reply #21 on: September 27, 2007, 07:53:23 PM »
hi gorgeous_mommie !

I am now here in Riyadh with my family. Nauna si hubby last year. Sumunod lang kami a few months ago. Before we came here, we made extensive research about Riyadh. Medyo nakakatakot kung magbabasa ka lang. Kinabahan din ako pero pagdating namin dito, ok naman pala. Mashado lang exaggerated ang kwento ng iba. Well siguro 10 yrs ago mashadong srict dito but now di naman ganun ka strict. Although women here are still required to wear abaya and tarja ( head cover) pero minsan pwede namang di suotin ang tarja pag nasa mall ka. Ok nga yung eh kasi kahit nakapambahay ka lang, just wear your abaya and pwede ka na mag malling. I find the abayas here cute. Kasi kahit color black sha, may mga designs din.  So far nag eenjoy kami dito ng mga kids. Lagi nga kaming bonding eh. Mas family oriented nga dito. Kasi pag lalabas kayo palagi kayong magkakasama ng mga kids at hubby. No alcohol, bars and movie theaters. Well at least wala kang makikitang lasing na nagwawala hehe. So either nasa haws lang kayo or nasa mall.  Malls here are open till 3 am!  lalo na ngayong ramadan. Ang dami pang sale. Mga mura din bilihin dito kasi tax free.  Of course dapat mag ingat din kasi marami na ring mga local teenagers dito na medyo makukulit. Mahilig silang mag joy riding. Ingat na lang pag may nakita kang car na puno ng mga batang Saudi. Ok lang kasi mga bata dito mag drive eh kahit mga 13 yrs old pa lang. Ewan ko kung bakit pinapayagan sila ng mga magulang nila.

Yung balita re nurses na nagiging mistress sa kapwa pinoy, hhmmmmmm....medyo totoo. And di lang naman mga nurses, kahit nga yung mga may asawang babae may mga boylets na rin :) Im not trying to scare you dearie, pero kahit saan naman di ba, naglipana ang mga yan. Depende na nga lang kay habibi yan talaga kung papatol sha o hindi. Kahit naman jan sa pinas di ba, kasama mo nga sa haws, nagloloko pa rin ang mga lalaki. So i would suggest na sumunod kayo ng kids mo dito para di matukso si habibi :)

Re visa stamping etc, yes dapat authenticated ng DFA. Dumaan din kami jan pero yung agency ni habibi ang nag asikaso lahat. Kahit di ka work dapat authenticated lahat ng docs mo. And yes, pwede ka rin work dito. Actually maraming dependents dito na nag wowork. Although sa passport mo nakatatak na " not allowed to work ".  Pero marami na akong kilala dito na wifey na work sa hospitals and clinics as secretaries. Ok ang sweldo dito. Depende sa hospital. Starting salary nung kakilala ko is around 42k. Malaki na yan compared jan sa pinas di ba? Tax free yan :) 

Nobela na ata ito :) If u have more questions just let me know sis.

Im always online naman :)


gorgeous_mommie

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 725
  • If you're not sure if someone wants to be in your
Re: [red][b][textspeak!][/b][/red] (Saudi)
« Reply #22 on: September 29, 2007, 06:27:52 PM »
E sis panung nagkakabit pa sila jan e db super strict nga daw jan? how come nagagawa parin un?tsk tsk tsk..pinoys talaga..... hows the cost of living pala jan? mga magkanu need na salary ni hubby for us to live there decently? tia
"Dont get mad when a girl cares too much. Worry when she starts not to care at all"

sxyfreak

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 144
  • Men exist to make women look good
Re: [red][b][textspeak!][/b][/red] (Saudi)
« Reply #23 on: September 29, 2007, 07:54:20 PM »
^ yes sis super strict sila dito pero alam mo naman mga pinoy kung pwedeng lumusot, lulusot. Im not saying na lahat ng pinoy ganito...meron din namang matitino sis. Pero minsan siguro kapit din sa patalim yung iba. Or nalulungkot. As i've said earlier sis, i dont want to scare you but these are facts of life. Talagang nangyayari ito kahit saan. Muslim country or not, nagagawa pa rin nilang magloko. At di lang mga lalaki, pati mga babae. Kahit may asawa at mga anak sila sa pinas, nagagawa pa rin nilang magloko. I really dont know why. Kaya dapat lang talaga na bantay sarado natin mga asawa natin and of course dapat open palagi ang communication ng mga mag asawa.

Re your question about the salary, well sa amin kasi family status kami. Kasama sa benefits namin yung airfare namin yearly ( whole family). Meron din kaming school allowance, so libre yung schooling ng mga gremlins ko. 100% covered din kami sa medical. We also have housing allowance. Normally a flat ranges from 15-30k riyals a year. Depende sa location. So ang nagagastos lang namin talaga is yung food and miscellaneous namin.

If ever na maka-work ka naman dito, mas ok kasi additional income din yun. Kung secretary ka sa hospital, mga 40k pesos din ang starting yun. plus transportation allowance. Depende din kung saang hospital ka.  Pwede rin mag- baby sit ka kasi maraming working mothers dito. So naiiwan mga anak nila sa mga daycare centers. Maraming pwedeng trabaho dito para sa mga wifeys sis. So dont worry :) Basta computer literate ka lang at marunong sa english, madali na :)

Nobela na naman ito hehe. If you have other questions sis, dont hesitate to ask me :)

regards

gorgeous_mommie

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 725
  • If you're not sure if someone wants to be in your
Re: [red][b][textspeak!][/b][/red] (Saudi)
« Reply #24 on: October 01, 2007, 10:53:22 AM »
^^^^Ty sis. u have a point there..pag gusto kasi maraming paraan pag ayaw maraming hehe..
BTW hows the cost of living jan? and magkanu apartment na pwd na samin if ever(me,hubibi,and my kid) kahit 1brm lang... and magkanu ba dapat salary to survive jan? ty
"Dont get mad when a girl cares too much. Worry when she starts not to care at all"

gorgeous_mommie

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 725
  • If you're not sure if someone wants to be in your
Re: [red][b][textspeak!][/b][/red] (Saudi)
« Reply #25 on: October 01, 2007, 01:31:17 PM »
Sis san ba [textspeak!] EASTERN part ng [textspeak!]?
"Dont get mad when a girl cares too much. Worry when she starts not to care at all"

sxyfreak

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 144
  • Men exist to make women look good
Re: [red][b][textspeak!][/b][/red] (Saudi)
« Reply #26 on: October 01, 2007, 06:34:25 PM »
Sa Dammam area ata yan sis. Check this out na lang-

http://en.wikipedia.org/wiki/Eastern_Province,_Saudi_Arabia

Im not sure re cost of living jan sa area na yan. Dito kasi kami sa Riyadh. yung rent namin sa flat is 26k SAR for 1 year. Malapit kasi kami sa school ng mga gremlins. 1 minute walk lang. Pag 1 room lang may ka-share kayo sa flat. A flat here normally has 2-3 rooms. Mga pinoy naman dito sanay sa sharing ng flat para mas mura. Normally mga 3k-6k SAR ata. Depende sa location.Re salary, di ko alam sis eh. Kasi nga sa eastern part yung hubby mo. Medyo familiar lang ako dito sa riyadh. Malaking factor kasi pag family status ang contract ng hubby mo kasi halos lahat sagot na nila. If you want, PM mo na lang ako re salary :) Pero may mga kilala din ako na hindi family status pero nakuha ang wifey at kids. Depende din sa salary ng husband yun. Yung iba kinukuha si wifey at kids for a vacation muna then si wifey naman maghahanap ng work dito. Pag may work na pede na stay si wifey and kids. So dito na rin mag-aaral mga kids. Maraming schools dito.  So maraming choices. Tuition here is around 450- 500 SAR a month per child excluding uniform, books and misc.  How many kids do you have by the way?  May discount kasi if you have 2 to 3 kids.

Naku mahaba na naman ito hehehhe. PM me na lang sis regarding your husband's salary if ok with you. I"ll ask around if ok na ba yun.




ionex

  • Probationary
  • Posts: 4
Re: [red][b][textspeak!][/b][/red] (Saudi)
« Reply #27 on: October 01, 2007, 07:47:56 PM »
^^^^Ty sis. u have a point there..pag gusto kasi maraming paraan pag ayaw maraming hehe..
BTW hows the cost of living jan? and magkanu apartment na pwd na samin if ever(me,hubibi,and my kid) kahit 1brm lang... and magkanu ba dapat salary to survive jan? ty

I have answered this sa earlier post.Dito sa eastern province, nasa around SR15-20 thousand ang isang 3-bedroom flat. There are couples who rent the flat and allow another couple to occupy one room for 4-5 thousand a year. Sharing na rin kayo sa koryente. mura lang ang tubig =300 riyals per year, as in per year.

Eastern province is the area in the persian gulf, close to Bahrain (connected by a 24km bridge), Qatar, and towards the UAE area.


gorgeous_mommie

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 725
  • If you're not sure if someone wants to be in your
Re: [red][b][textspeak!][/b][/red] (Saudi)
« Reply #28 on: October 01, 2007, 11:03:47 PM »
Sis, naku e chismis lang pala [textspeak!] eastern prov. po hehe meaning di pa sure.. So baka nga sa riyadh pa si habibi ko mapunta... jan sa riyadh mga magkanu ave monthly needed para mabuhay? ty
"Dont get mad when a girl cares too much. Worry when she starts not to care at all"

malunggay_ako

  • Newbie
  • *
  • Posts: 24
Re: [red][b][textspeak!][/b][/red] (Saudi)
« Reply #29 on: October 02, 2007, 01:41:31 AM »
Sis ito ang mga average costs ng bilihin sa Riyadh base sa pagka alala ko.
Ikaw na bahala magtantya ng magiging gastos nyo depde sa lifestyle nyo.

Pizza Large - 40-60 Riyals (kaso madalas pag me promo lang kami bibili, like buy 1 take 1)
McDo Value Meal - 14-16 Riyals
Sunflower/Corn Oil (2 liters) - 8-10 Riyals
5 kilo rice - 9-15 Riyals (depende sa class)
Loaf Bread - 2.5 Riyals
Pandesal - 4 pcs 1 riyal
Pepsi in Can / Mineral - 1 Riyal
5 Gallon Water - 5 Riyals
LPG - 15 Riyals
Toyo/Patis/Suka/Ketchup - 3-10 Riyals
Whole Chicken - 6-10
1 KL Beef Laman - 15
Alumahan/GG - 5-8 per kilo
Lapu2x/Maya2x - 15-20 per kilo
Hipon - 20-30 per kilo
Onions - Minsan 1 riyal per kilo
Pag gulay mas mahal pag galing Pinas..
Mga delata - 3-10
Maggi/Lucky Me - 1 Riyal
Diaper 60pcs - 40-60 Riyals
Progress 900 gms - 35-40
Toothpaste - 5-10
Egg 30 pcs - 10 Riyals
Apple 1 kilo - 5 Riyals
Kain labas - 10-25 per person (mas less yung mga budget food ng single)

Housing - 5K-7K per room per year
Taxi - 5-20 Riyals per Trip (depende sa layo, dati taxi kami. ang ganda na mabaho)
Gasoline - 0.45 riyals per liter sabi ni hubby
Electric - 50-100 per month per room, mas mataas pag summer at big house
GMA7 - 90 per month
TFC - nakalimutan ko na
DSL - 150-200 per month kung solo pero kung may kashare which is the norm mga 50 lang
Calls - ~2 riyals/min tawag pinas
Tuition - 500 per month
School Bus- 200-300 per month

Tama na muna Sis, tanong mo lang kung may gusto ka pang malaman. ako kasi ang budget officer ni hubby kaya walang akong ginawa kundi magkwenta ng gastusin. :D


gorgeous_mommie

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 725
  • If you're not sure if someone wants to be in your
Re: [red][b][textspeak!][/b][/red] (Saudi)
« Reply #30 on: October 02, 2007, 12:34:57 PM »
Sis mga magkanu ba ave na salary para mabuhay po jan? salamat sis sa post mo ha? talagang naka itemize hehe. kung 4000SAR ba mabubuhay na jan ng matino? makakkaipon narin?ty
"Dont get mad when a girl cares too much. Worry when she starts not to care at all"

gorgeous_mommie

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 725
  • If you're not sure if someone wants to be in your
Re: [red][b][textspeak!][/b][/red] (Saudi)
« Reply #31 on: October 02, 2007, 01:08:53 PM »
Sis one more thing pa po pala.. can u post naman the school directories jan in riyadh? and [textspeak!] rates narin or websites.. pref preschool po....ty
"Dont get mad when a girl cares too much. Worry when she starts not to care at all"

malunggay_ako

  • Newbie
  • *
  • Posts: 24
Re: [red][b][textspeak!][/b][/red] (Saudi)
« Reply #32 on: October 03, 2007, 05:22:51 AM »
sis yung bang 4T ay income or budget sa gastos? Kung income medyo hirap yan lalo kung family at me kids na papasok sa school..budget namin 3.5-4k per month lahat na kasama 2 kids na pumapasok..pero kung kaya mong magtipid baka mas less ang expenses mo.

I
to mga names ng school dito..search mo na sa google para makita mo if may website sila.

IPSR, SPIS, Palm Crest, NIS, Al Taj, Elite, Millenium...Di ko sure if may nabawas or nadagdag pa.

gorgeous_mommie

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 725
  • If you're not sure if someone wants to be in your
Re: [red][b][textspeak!][/b][/red] (Saudi)
« Reply #33 on: October 03, 2007, 05:50:47 AM »
So maliit lang pala kung 4T SAR offer? usually sis mga magkanu ba starting salary jan sa [textspeak!]? sabi daw kasi ng agency mataas na nga daw [textspeak!] offer sa hubby ko since wala sya exp sa retail.. pero may quarterly bonus sila.. kaya lang sa 3200SAR kasama na dun allow nya.
"Dont get mad when a girl cares too much. Worry when she starts not to care at all"

gorgeous_mommie

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 725
  • If you're not sure if someone wants to be in your
Re: [red][b][textspeak!][/b][/red] (Saudi)
« Reply #34 on: October 03, 2007, 05:52:45 AM »
ewan ko ba naman kasi sa hubby ko ang ganda na job dito nag isip pa umalis..
BTW sis if mag plana ko work din dun as dependent nya lang ang visa may hinahanap pabang rqmts jan pag apply like diplomas ko din, etc? kasi para alam ko [textspeak!] dadalhin if ever...ty
"Dont get mad when a girl cares too much. Worry when she starts not to care at all"

yang

  • immortal healer in training
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1325
Re: [red][b][textspeak!][/b][/red] (Saudi)
« Reply #35 on: October 03, 2007, 06:19:48 AM »
i grew up there. saudia city, jeddah.
princess today,..goddess forever.

malunggay_ako

  • Newbie
  • *
  • Posts: 24
Re: [red][b][textspeak!][/b][/red] (Saudi)
« Reply #36 on: October 04, 2007, 05:51:56 AM »
^^sis pag 4T gross at may family ka medyo mahihirapan talaga lalo kung may kids na nasa school na. Kailangan talaga mag work ka..If ever na mag work ka at hindi ka aalisin as dependent ng hubby mo medyo maluwag sa reqmnts.  Pero mas maganda dalhin mo rin para mas sigurado ka. Di ko rin alam ang average salary sa retail kaya di ko masagot ang case ng hubby mo. Pero sigurado akong mas maraming mas mababa pa ang sahod kesa kay hubby mo. Kaso mostly single lang sila dito at me accomodation na.

gorgeous_mommie

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 725
  • If you're not sure if someone wants to be in your
Re: [red][b][textspeak!][/b][/red] (Saudi)
« Reply #37 on: October 04, 2007, 11:44:50 AM »
Naku ysn na nga ba sinasabi ko sa hubby ko.. dito ok narin naman kami 60K na sya dito eh napapagod na daw sya sa company nya dito kasi politikahan nga din...
"Dont get mad when a girl cares too much. Worry when she starts not to care at all"

heaven1880

  • Simple pero Rock na
  • Newbie
  • *
  • Posts: 28
    • HeAveN on Earth
Re: [red][b][textspeak!][/b][/red] (Saudi)
« Reply #38 on: October 04, 2007, 11:50:16 AM »
^ Ngek sis, parang di ko gets ang hubby mo.  60K na pero umalis pa din?!  Wala po atang sense yun, kasi halos ganun din ang sweldo nya sa [textspeak!], magkahiwalay pa kayo...  :(
"I like dead end signs - they have the decency to let you know you’re going nowhere."

gorgeous_mommie

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 725
  • If you're not sure if someone wants to be in your
Re: [red][b][textspeak!][/b][/red] (Saudi)
« Reply #39 on: October 04, 2007, 11:56:12 AM »
Ay OO ka sis..kayw nga windang utak ko ngaun..ako lahat nag ca carry burden and maramingng what ifs na di nya masagot... and worst [textspeak!] ipon namin ang maggaalaw pa ngaun kasi need pa nya medical etc db.. hayyy... ewan ko ba anung klaseng utak nga un.
"Dont get mad when a girl cares too much. Worry when she starts not to care at all"

 

ADVERTISEMENT
follow us
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
Featured Articles
5 Steps to Financial Fitness in Tough Times
Instead of grumbling about the plight of the peso and dwelling on the negative, try these helpful tips to stay afloat. Remember--a little discipline goes a long way!
You're the breadwinner: Now what?
You want the freedom to spend your money as you wish but you know that if you don’t bring home the bacon, no one else will.
Getting money-wise: Why women are naturally capable of managing cash
She works hard for the money but she doesn’t know how to invest it. Here, Pearlsha Abubakar tells us why women are capable of managing their money well, but don’t. Read and get smart with your money.
Never go broke again! The FN guide to financial freedom-forever!
Fear not bankruptcy or eternal dependence on your parents (or a man!). There's a financial strategy for everybody. Read and get money-wise.
Wise up: Start your own business!
Tired of living from paycheck to paycheck? Why not go into business? Read on and find out how just a little cash can become a lot.