sharing lang din ako...

1st birthday of my son, Caide Zuriel.December 13, 2008.
simple celebration at Jollibee Rizal Park - Kalaw corner Maria Orosa, Manila: very quick talk lang tungkol sa reservations as in minutes lang, and then booked them and paid 2,000 cash to block the date. Yun lang ang hiningi nilang down payment.

after that wala na akong ginawa at wala na akong pinaalala. pumunta na lang ako nung day mismo ng party. it was only quarter to 2 p.m. pero nakaset na ang buong place. swerte ko lang talaga kasi I have the whole place na and I was able to decorate a li'l bit na rin earlier than expected. Nag start kami ng party 3:30 na kasi na traffic mga bisita ko… pero okay lang kahit late na kami nag simula masaya pa din overall ang party ng aking baby.
Saya saya namin ni hubs sobra!
party host: ofcourse, jollibee crew ito, pero ang galing nila, not the ordinary hosting. kasi 4 yung hosts ko that time, pwera pa si Jollibee dun. at yung parang dj dj na nag aasikaso ng soundsystem. may dance number pa sila. haha! all in all masaya sila mag host. Very lively at napapatawa nila ako. Hehe! Siyempre dapat magulo sila kagaya ko, ayun okay naman nakaka aliw.

ang laki pa ng party area ng kalaw, kaya nakakatuwa. solo namin yung area.
Cake: c/o Jollibee- Red Ribbon large chocolate cake, Justice League theme.
Cupcakes:
Frupcakes – ang sarap nito di nakakasawa, very nice and bait yung owner.
Brownies:
Enzuno – cheap but very nice presentation and yummy too.
Balloons, Prizes, Pabitin, Piñata, Lootbags: Divisoria and 168

kasama ko si hubs namili.
Lootbag contents: food items – binili lang sa friendly neighborhood grocery shop, Coloring book – ginawa ko lang, DIY picture frame – ginawa ko lang din hehe, Kung Fu Panda thank you cards – ako lang din gumawa
Signature Frame: bought the biggest picture frame available sa expressions, tapos inayusan ko na lang using some of caide’s pictures and scrapbook materials. And voila, okay na meron na silang dedication pad. Haha!
Welcome Photo Banner: hindi ko alam kung ano itatawag ko dito e. basta naka-hang lang ito sa door ng Jollibee. It served its purpose naman haha! Para malaman na “dito ang party ni caide” I printed 5 BIG pictures ni caide, tapos yun na inayos ko lang ng konti at dinikit dikit haha! DIY din ito.

Tarpaulin:
Robbee Stickers – sobrang kampante ako na okay ang tarp, but they failed me. Ang panget niya, sad to say mali ang ginawa nila unlike yung unang tarp na nagawa nila for my son na ang cute cute. kainis talaga, mali mali kasi e, ang comedy part pa, nilagay yung picture namin ng mom ko!!! Goodness talaga LOL! Ang sabi ko i-crop ang picture dahil face lang ilalagay nila. Face lang ng anak ko. Ang nangyari nasama kami ng mom ko. Patawa talaga. Hehe ohwell okay na din. Kahit papano maganda naman daw yung tarp siguro di na nila napansin mga kapalpakan… nyeee haha!
Caide’s Outfit: Superman Costume –
Shoppanga – Ebay
Caide’s Footwear:
Florsheim Kids